GENERAL POV
Kinabukasan...
Maagang pumasok si Vice sa kompanya at halatang halata sa kanya ang pagiging masigla dahil nga sa nangyari kahapon, official na sila na ni Karylle.
"GOOD MORNING GUYS!!!!" pasigaw pero masiglang sabi niya sa kapwa katrabaho niya. Napatingin naman sa kanya ang mga katrabaho niya na kapwa natatawa sa inaasal niya.
"Good Morning din Viceral! Hanap ka na yata ng MyLoves mo!" natatawang pang-aasar ni Billy.
Natawa nalang naman si Vice at nagtimpla ng kape para sa mahal niya. (naks.) Dinikitan niya ang tasa ng sticky note na may nakasulat na "Happy Daysary -Bakla".
Pagkatapos gumawa ng kape ay dumiretso na siya sa opisina ni Karylle, bilang paggalang ay kumatok muna siya dahil kahit nobya niya na si K ay kailangan pa rin niyang gumalang. Agad namang binuksan ni K ang pinto at napangiti.
"Good Morning. Coffee for you." Vice said using his manly voice.
"Good Morning too.Thank You." nakangiti namang sabi ni Karylle.
"Ikaw pa ba? Your always Welcome." sabi ni Vice at akmang hahalikan sana si K pero pinigilat agad siya ni Karylle gamit ang hintuturo niya.
"Mr. Viceral.." may pagbabantang sabi ni Karylle.
"Ehh, Good morning kish lang nemen eh." pabaklang sabi ni Vice.
"Bakla ka talaga." natatawang sambit ni Karylle.
"Pero Mahal ka." seryosong sabi ni Vice na naging dahilan para kiligin at magblush si K.
"Teka, parang sumobra yata blush on mo ah.""Tse! Aga agang pambobola!" kunwaring naiinis na sabi ni Karylle.
"Yieeee, kinilig ka naman. Nakanakanaka!" pang-aasar pa ni Vice.
"Oy! Aga aga ang daming langgam dito ah!" pagdaot naman ni Jhong na nakasimangot pa.
"Tsuupee ka Jhong! Akin lang si Karylle!" sabi ni Vice sabay belat kay Jhong at akbay kay Karylle.
"Bakla!" pang-aasar pa ni Jhong bago tumalikod.
"Unggoy!" natatawang pang-aasar ni Vice pabalik.
"Ang ano mo Vice. Doon ka na nga. Trabaho muna ha Mr. Viceral" natatawang sabi ni Karylle.
Agad namang tinanggal ni Vice ang pagkakaakbay niya kay K.
"Sabay tayo magLunch mamaya ha." sabi ni Vice na pataas taas pa ang kilay.
"Sige na. Doon ka na! Kung ayaw mong magbago pa isip ko." nakangiting sabi ni K. Kinindatan pa siya ni Vice bago tumungo sa desk niya. Pumasok naman si Karylle sa opisina. Napangiti naman siya nang makita ang sticky note na nakadikit sa mug niya.
--------------
"K, hindi ka pa ba tapos?" pambasag katahimikan ni Vice na nasa opisina ni Karylle. Tinignan naman siya ng nobya.
"Vice, kung gusto mo nang magLunch, you can go now and take a break. I'll be fine here." pormal na sabi ni Karylle.
"Ito namang jowa ko. Di bale hindi pa naman ako nagugutom." pasukong sabi ni Vice.
Nagpangalumbaba naman si Vice sa table ni Karylle at tinititigan ang dalaga.
"Baka matunaw na ko nyan." pagpuna ni Karylle pero hindi nakatingin kay Vice.
"Ngayon ko lang narealize, ang ganda ng jowa ko at napakaswerte ko pala." sinserong sabi ni Vice habang nakatitig pa rin kay Karylle. Napatingin naman si Karylle sa kanya.
"Ngayon mo lang narealize yan?" pagtatanong naman ni Karylle.
"Hindi. Dati pa. Kaya nga nainis ako sa sarili ko nung pinakawalan kita dati at sinaktan." seryosong sabi ni Vice.
Hinawakan naman ni Karylle ang pisngi ni Vice."Vice, diba nasabi ko naman sayo na.. Kalimutan mo na yun, ang mahalaga yung ngayon, masaya tayo diba? Atleast nalaman mo na ang pagkakamali mo." nakangiting sabi ni Karylle at napangiti naman din si Vice.
"I Love You." seryosong sabi niya.
"I Love You too." sagot naman ni Karylle. "Tara na nga. Gutom lang yan."
Tumayo na si Karylle at sumunod naman si Vice. Lumabas sila ng opisina na magkahawak ng kamay.
---------
"K oh. Open your mouth Baby." sabi ni Vice at tinapat ang kutsara malapit sa bibig ni K.
"Kaya ko nang mag------"
Hindi natuloy ang sasabihin ni Karylle at agad siyang sinubuan ni Vice. Hindi siya nainis bagkus ay natatawa siya dahil sa ginagawang pag-aalaga ni Vice.
"Ikaw talaga." nakangiti habang pailing-iling na sabi ni Karylle.
"Happy Daysary." nakangiting bati ni Vice.
"May ganun talaga?" nakangiting sabi ni Karylle. "Happy Daysary din."
Pagkatapos magbatian ay kumain na sila. Panaka-nakang sinusubuan ni Vice si Karylle dahil gusto nga niyang maparamdam kay Karylle na Mahal na mahal niya ang nobya niya.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Wish kong SANA kinilig keye. Enebe xD hahaha Happy 2K reads. :))) loveyouuu readers.)
December 21,2015
![](https://img.wattpad.com/cover/55724868-288-k453609.jpg)