#61- Aalis na SIYA.

868 29 5
                                    

VICE's POV

"Vice, buntis ako.. Siguro naman alam mong ikaw ang ama nito diba? Pero sa narinig ko kanina? Hindi ko inaasahang sasabihin mo yun... Masyado akong nasaktan sa mga sinabi mo.."

"K-kung hindi naman d-dito sa b-batang d-dinadala ko ngayon.. H-hindi naman na k-kita pupuntahan.. N-nasaktan lang tuloy ako... A-alam mo b-ba.. K-kung kasing dali l-lang nang pagbitaw n-ni Vhong sa kwelyo mo ang p-pagbitaw at paglet-go sayo, s-siguro.. W-wala tong batang toh ngayon sa sinapupunan ko... S-sana wala kang problema ngayon.. I-I'm sorry ha.. Promise.. Kaya ko na siyang buhayin.. I'm sorry kung.. Kung binigyan p-pa kita ng problema... S-sinabi ko l-lang naman sayo ito.. D-dahil, ikaw parin ang a-ama ng batang toh.. S-siguro ito na ang tamang oras.. P-para.. Para.. i-Let go ka.. T-tao rin ako Vice.. N-napapagod.. Don't worry, hindi k-ko naman tatanggalin a-ang pagiging Ama mo sa A-anak natin... Mahal na mahal kita... G-goodbye."

Paulit ulit na nag-eecho sa utak ko yung mga sinabi ni Karylle. Tama nga siguro ang sinabi ni Vhong. Tarantado nga siguro ako... Isa akong napakalaking gago.... Hindi ko mean na sabihin yung mga narinig niya.. Hindi ko gustong saktan siya..

"Anak?!" tawag ni Tatay mula sa labas habang kumakatok.
"Anak, Vice? Buksan mo na tong pinto.. Nag-aalala na ko sa'yo kahapon ka pa hindi kumakain ha. Open the door."

Malamya akong tumayo at binuksan ang pinto.. I'm feel so wasted.

"Anakkk. A-anong nangyari sayo?" nag-aalalang sabi ni Tatay. Hindi ko siya nasagot agad. Bigla nalang tumulo nang tuloy tuloy ang mainit na likido mula sa mata ko..

"B-bakit ka umiiyak? A-nong ba t-talagang nangyari h-ha?!" nag-aala paring sabi ni Tatay.

"T-tay, ang gago k-ko.. Ang g-gago gago ko!!" umiiyak kong sabi sa kanya. "Yung t-taong minahal ako  na m-minahal ko d-din, p-pinakawalan k-ko.."

Yinakap ako ni Tatay as a sign of comfort.

"T-tay, b-buntis si Karylle... A-ako ang ama.." umiiyak kong sabi sa kanya..  Inaalo naman niya ko.

"B-bakit ka umiiyak at nagkulong d-dito sa kwarto mo? D-diba dapat m-masaya ka?" nagtataka pero at the same time nag-aalalang tanong ni Tatay.

"May nasabi akong hindi maganda sa kanya." sabi ko at kumalas sa yakap. Hinawakan niya ang mukha ko.

"Bakit ka mas pasa?!" nag-aalalang tanong ni Tatay sabay hawak sa pasa ko sa may panga ko.

"Nasapak ako ni Vhong." diretsahang sagot ko kay Tatay kaya nanlaki ang mata niya.

"Nasaktan ko yung kaibigan niya... Gusto ko ngang magthank you sa kanya.. Dahil kung hindi niya ko sinutok, hindi pa ko magigising sa katotohanan." pilit ngiti kong sagot sa kanya.
"Tay, I'm sorry... Nagkaroon ka ng anak na gagong katulad ko."

"Hindi Anak... Wala kang kasalanan.. Hindi ka Gago ha? Siguro, masyado ka lang nabigla sa mga nasabi mo. Diba, mahal mo siya? Ramdam ko, dahil tatay mo ko.. Diba kapag mahal mo.. Ipaglalaban mo? Lalo na ngayon at magiging lolo na pala ko.. At magiging Tatay ka na.. Mag-ayos ka na.. Puntahan mo na siya.. Sabi nga nila. NASA HULI ANG PAGSISISI." nakangiting sabi ni Tatay na nakapagpagaan ng pakiramdam ko.

"KUYA VICEEEEEE!!!"

Napalingon kami ni Tatay nang may tumawag sa akin.. Si Chris.

"K-KUYA V-VICE.." hingal na sabi ni Chris.

"Bakit ka ba tumakbo?" tanong agad ni Tatay.

"S-si... Si.. S-si Karylle..... AALIS NA SIYAAAA!!!!"

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

GENERAL POV

Dahil nga sa mga narinig ni Karylle sa sinabi ni Vice naisipan niyang hindi nalang sa bansa ipanganak ang kanilang anak.

"Anak, sigurado ka na ba dito? Ayos ka lang ba doon?" nag-aalalang tanong ng Mama ni Karylle sa kanya.

"Okay lang ako Ma.. Tsaka may mga makakasama naman ako doon.. Yung mga kaibigan ko doon okay? Gusto ko lang siyang makalimutan." sagot ni Karylle habang inaayos  na ang mga gamit niya sa maleta.

"Paano mo siya makakalimutan, lalo na't magkakaanak na kayo?" tanong muli ng Mama niya.

"I don't know. basta ayoko siyang makita.. Sandali lang ako doon Mama. hanggang sa manganak lang ako.."

"Sandali lang ba yun? 9 months mahigit ka naming hindi makikita." medyo nalungkot na sabi ng Mama niya.

"Ma, pwede naman kayong pumunta doon ehh." nakangiting sabi ni Karylle.

"Okay okay.. Kung yan ang gusto mo.. Susuportahan kita." malungkot na ngiting sabi ng Mama niya.

"Excuse me Ma'am, may bisita po si Ma'am Karylle." biglang singit ng katulong nila.

"Good Morning Tita and Karylle." napatingin ang mag-ina sa nagsalita.... Si Christian.

"Oh Christian, upo ka muna hijo." aya ng Mama ni Karylle kaya agad namang umupo si Christian.
"Napadalaw ka?"

"Nalaman ko po kasi na... Na buntis si Karylle. Totoo ba K?" medyo nagtatakang tanong ni Chris.

"Yes. I'm pregnant.. Si Vice ang Ama." pag-amin ni Karylle.

"Nasabi mo na ba sa kanya?" tanong pa ni Chris.

"Oo pero mukhang hindi niya yata tanggap." medyo nalungkot na sabi ni Karylle. "Uhmm, Chris aalis na ko.. Baka malate pa ko sa flight ko."

"Ha? A-aalis ka?!" nagtatakang tanong ni Chris.

"Yes.. I'm sorry hindi ko muna maExplain sayo ngayon.. Kailangan ko nang umalis." paalam ni Karylle.

Tumayo naman na sila at lumabas ng bahay.

"Bye Chris.." paalam ni Karylle at bumeso kay Christian. Nginitian naman siya nito.

Tumakbo na papuntang kotse niya si Christian para ipaalam iyon kay Vice.

Kailangang malaman ito ni Kuya Vice. Ito na yata ang oras para ako naman ang gumawa ng paraan para sa kanila...

XxxxxxxxxxxxxxxxxxX
January 2,2016

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon