#34- Exchange Gift.

758 31 2
                                    

VICE's POV

Unang bumunot mula sa fish bowl si Karylle pagkatapos ay inilapag niya iyon sa table upang kami naman ang makabunot.

Ako na ang bubunot. Pagkabunot ko ay nilayo ko agad kay Billy, nangungulit kasi. Unti unti kong binuksan yung nabunot kong papel. Ewan ko pero biglang lumawak ang ngiti ko. Nabunot ko siya.

"Uyy, Viceral! Ngumingiti ka mag-isa ah." pagkantyaw ni Billy. Tinignan ko lang siya. "Sino ba nabunot mo?" sabi niya habang pilit na tinitignan ang papel na nabunot ko.

"Tse! Bawal nga diba magpakita. Baka gusto mong mapagalitan ako." pagtaboy ko sa kanya.

"Ayy Damot." sabi pa niya. Inirapan ko siya playfully.

Tinitigan ko ang papel na nabunot ko. Ano ba magandang iregalo sa kanya? Eh malamang, meron na siya ng mga gusto kong ibigay sa kanya. Ah! Magpapatulong nalang ako kay Vhong. May plano na ko. ^.^

---------

Maaga akong umuwi dahil wala gaanong trabaho. Agad kong tinawagan si Vhong.

Calling Vhong...

"Hello Brad?" sagot niya sa kabilang linya.

"Navarro, tulungan mo naman ako." may pagmamakaawa kong sabi.

"Aba, Himala.. Humingi ka sa akin ng tulong." medyo natatawa niyang sabi.

"Ayaw mo ba? Nagpapatulong na nga ako eh kung ayaw edi---"

"Joke lang Brad! Hahahaha. Ano bang gagawin?" natatawang sabi niya.

"Yun nga itatanong ko sa'yo eh." napakamot ako sa batok kahit hindi naman niya makikita.

"Ha? Eh para saan nga ba ang plano mo?" medyo nagtatakang tanong niya.

"Si Karylle kasi ang nabunot ko na reregaluhan para sa christmas party. Hindi ko alam kung anong ireregalo ko sa kanya."

"Ahhh. Anong plano mo? Paano ako makakatulong?"

"Kaya nga ako tumawag sayo eh."

"Teka Brad. Mahal mo na noh? Jose Marie is Back?"

"Nakakadiri mang pakinggan.. Pero Mahal ko na nga yata ang BruKa."

"Yown naman pala Brad eh! Kung ganun. MAY NAISIP NA KO!"

.
.
.
.
.
-----------------

KARYLLE's POV

"Ate? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" bumalik ako sa ulirat nang biglang pumasok sa kwarto ko si Zia.

"Ha? Wala naman.." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Weh? I know you Ate. Parang kasing lalim ng pacific ocean ang iniisip ko o mas malalim pa." natatawa niyang sabi habang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko sa kama.

"Okay Fine. Alam ko kukulitin mo lang ako eh...." pagsuko kong sabi at huminga ng malalim bago magsalita. "..... Nabunot ko na reregaluhan para sa christmas party si Vice. Hindi ko alam kung anong ireregalo ko."

"What!? Si Kuya Vice. Nagtatrabaho sa kompanya mo??!!!" gulat niyang sabi.

"Shhh, ang ingay mo. Natutulog lang sa kabilang kwarto si Lauren." pagsaway ko sa kanya. "Oo, nagtatrabaho siya sa kompanya ko. Mag-iisang buwan na."

"Bakit wala kang maisip na iregalo?"

"Hindi ko alam." napakamot nalang ako ng ulo.

"Eh Ate, tanong ko lang. Napatawad mo na ba si Kuya Vice sa nagawa niya?" nabigla ako sa tanong niya.

"S-siguro. H-hindi ko rin alam." umiiling kong sabi sa kanya.

"Hmm, sa tingin ko Ate, hindi pa totally noh? Nag-aalangan ka pa eh."

"Siguro. Sino ba naman ang makakapagpatawad sa taong sinaktan ka nglang sobra sobra."

"May naisip ako Ate." tinignan niya ko nang makahulugan habang patanong tango pa.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: SHORT SHORT UPDATE! MAMAYA HAHABAAN KO! NEXT CHAPTER WILL BE.... Later nalang XD hehehe. Gebye. December 20,2015.)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon