#33- Bunutan.....

778 31 0
                                    

GENERAL POV

Gulat na gulat si Vice nang biglang maglapat ang mga labi nila ni Karylle. Wala namang isang segundo ang tinagal ng pagkakahalik ni Karylle kay Vice, for short smack lang. Makulit kasi si Author. -,-

"Ano? Magtatanong ka pa ba? Sakay na." pautos na sabi ni Karylle at binuksan muli ang pinto katabi ng driver's seat.
Parang natuod naman si Vice sa kinatatayuan niya na agad na pinuna ni Karylle.

"Ano? Mr. Viceral, gusto mo bang buhatin pa kita?" mataray na sabi ni Karylle na nakapagpabalik sa ulirat ni Vice.
"Ano? Iiwanan kita di----"

"Ito na po Ma'am ohh, sasakay na." pagputol ni Vice sa sasabihin pa sana ni K. Pumasok naman na si Vice sa kotse at pumasok na rin si K sa may driver's seat.

Habang nasa byahe naman ay sobrang tahimik.

"Kanino mo nalaman na nandun ako sa bar?" pambasag katahimikang tanong ni Vice.

"Sa pulis, kasi diba doon naman talaga nagtatanong kapag mah nawawalang tao? Di bale nalang kung hayop ang hinahanap ko." may halong pamimilosopong sagot ni Karylle.

"Grabe siya ohh. Kanino nga?" pamimilit pang tanong ni Vice.

"Kay Vhong. Okay na ba? Eh paano naman kasi, may cellphone na naturingan. Hindi man lang sagutin ang tawag ng BOSS niya. " seryosong sagot ni Karylle.
Sa sinabing niyang iyon ay agad na kinuha ni Vice ang cellphone niya sa bulsa niya at nakita nga niyang may 1 missed call si Karylle na hindi pa nakasave.

"Grabe, akala ko naman tinadtad na ko ng tawag. Isang beses lang pala." Vice thought nang marealize na isang beses lang nagmissed call si K.

"Sorry Ma'am, nakasilent pala cellphone ko." kamot batok na sabi ni Vice.

"NakaSilent para hindi maistorbo sa ginagawa?" mataray na puna ni K.

"Hindi naman sa----"

"Quiet. No explanation needed." pagputol ni K sa sasabihib ni Vice na napabuntong hininga nalang.

---

Huminto na ang kotse sa may tapat ng apartment kung saan nakatira si Vice.

"Baba na." pautos na sabi ni Karylle.

"Ma'am Thank you ha." nakangiting sabi ni Vice.

Tumango naman si K bago magsalita, "No problem. Agahan mo bukas may iaanounce pa ako."

"Okay po. Thanks po ulit. Ingat ka sa daan." pagpapaalala ni Vice. Tumango nalang naman si K bilang sagot.

Bumaba si Vice ng sasakyan. Pumasok lang siya sa apartment nang makita niyang nakalayo layo na ang sasakyan ni K.

"Braaaaaddd!" napatingin si Vice sa tumawag sa kanya.

"May Hatid ka dito ah." pangangantsaw ni Vhong kay Vice.

"Walanghiya ka kasi! Diba sabi ko sayo kung may magtatanong kung nasaan ako, wag mong sasabihin!" bulyaw ni Vice at agad na nakatanggap ng batok si Vhong.

"Eh Brad, boss mo yun eh. Alangang, magsinungaling ako." sabi ni Vhong habang nakahawak sa batok niya.

"Ewan ko sayo, hala sige tsupee na! Maaga pa kong papasok bukas." pagpapalayas ni Vice kah Vhong.

"Sige Brad!" paalam ni Vhong at lumakad na pauwi.

Pumasok na lang rin naman ng apartment si Vice at nag-ayos ng sarili para makatulog na nang maaga.

----
Kinabukasan...

Nagtipon tipon ang mga empleyado at si Karylle sa meeting room. Ngayon naisipan ni Karylle na magbunutan na sila para sa gagawin na christmas party nila bago pa may christmas vacation ang mga empleyado.

"Today, magbubunutan na tayo!" pagsisimula ni Karylle.

"Magbubunutan para saan? Tsaka ng ano?" tanong ni Teddy. #medyoslow

"Magbubunutan ng ngipin tapos ilalaglag niyo dito...." pakita ng fish bowl na may laman na ng mga pangalan ng mga empleyado. ".....tapos kung kaninong ngipin ang mabubunot niyo, ikakabit niyo sa nabunot na ngipin niyo." pilosopong sabi ni K.

"Ahh Ganun po ba?" sabi pa ni Teddy at patango tango pa. Agad siyang siniko ni Jugs.

"Kapah nakabunot na kayo ng pangalan ng reregaluhan niyo, walang dapat makaalam." paalala ni Karylle habang hinahalo ang laman ng fish bowl. "Ako ang unang bubunot." sabi niya sabay bunot ng isang pirasong papel. Pinatong niya naman ang fish bowl sa table para isa isang bumunot ang mga empleyado kasama si Vice.

"Huy Sino sayo?"

"Basta."

"Uyy, patingin patingin!"

"Ayoko nga!"

"Uy, sino sayo? Papatingi ko yung sakin tapos patingin mo rin sakin yung sayo."

"ASDFGHJKL"

Habang nagkakagulo ang iba at tinignan na ni K kung sino ang nabunot niya. "O.O"

"Uy, Viceral, sino nabunot mo?" tanong ni Billy kay Vice.

"Bakit ko sasabihin? Diba bawal daw sabihan!" sabi ni Vice sabay belat pa.

Tinignan niya rin yung sa kanya at gumuhit ang isang malawak na ngiti sa kanya. *.*

"Luh, ngumingiti mag-isa." pagpuna ni Billy sa kanya at siniko naman siya agad ni Vice.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Last update for today! Salamat sa mga walang sawang nagvovote at nagcocomment dito. Loveyouuuu all. :* <3 December 19,2015.)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon