Karylle's POV
Ilang minuto na ang nakakalipas, at wala parin yung baklang yun.
Napagdesisyunan ko nang lumabas ng opisina para icheck kung humihinga pa ba yung baklang yun.
Paglabas ko. Nakita ko yung Bakla na kausap ang photographer ng company na si Billy.
"Kaya pala ang tagal ng kape ko." paggambala ko sa kanila.
"Oras ng trabaho. Diba dapat nagtatrabaho kayo. Ikaw din Billy. Dapat tinutulungan mo yung GIRLFRIEND mong si Coleen." mataray kong sabi. Emphasizing the word GIRLFRIEND.
"Sige, Mam K. sige Vice. Balik na muna ko dun." paalam ni Billy at agad naman siyang tinanguan ni Bakla.
"Where's my coffee.?" mataray ko paring sabi.
Kinuha niya naman ang ginawa niyang kape at inabot sakin pero lumamig na.
"Ayoko nito. Dapat mainit. Itapon mo to. Inuuna kasi kaharutan.. Unang araw palang sa trabaho." sabi ko sabay balik ng kape sa kanya at bumalik na sa opisina.
Nakakainis talaga yung baklang yun, unang araw sa trabaho tapos humaharot agad. Ewan ko lang kung makakatiis siya dito sa company na ito.
Maya maya biglang bumukas ang pinto at napatingin nalang ako ulit sa laptop.
"Ito na PO yung kape niyo PO. Wala PO yang creamer. Konti lang PO ang asukal. Mainit narin PO yan." sabi niya nang makalapit siya sakin.
"You can go now." simple at walang emosyon kong sabi.
"Thank You PO ha." tila nang-aasar niyang sabi.
Tinignan ko naman siya nang pataray. Kinunutan ng noo.
"Ito na nga po oh. Lalabas na. Your Welcome." pasuko niyang sabi bago kunin yung mga gamit niya at lumabas ng opisina.
Isang linggong mawawala si Yael dahil bigla daw nag-aya yung mga kapatid niya na magBonding. Pinakiusapan niya muna na ako ang mag-alaga sa company niya na sa pagdating ng ilang araw o buwan ay magiging akin na.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
Vice's POV
"You can go now." simple at walang emosyon niyang sabi.
"Thank You PO ha." tila nang-aasar kong sabi sa kanya. Kapag ba talaga kaibigan ng boss hindi marunong magTHANK YOU? O kahit Thanks or Salamat man lang?
Tinignan niya naman ako nang pataray. Kinunutan pa ko ng noo.
"Ito na nga po oh. Lalabas na. Your Welcome." pasuko kong sabi bago kunin yung mga gamit ko at lumabas ng opisina ng BruKang yun.
Tumungo ako sa table ko malapit sa opisina ni Mr. Yuzon na kung nasaan nandoon si BruKa. Medyo kita siya mula sa desk ko dahil sa glass gawa ang paligid ng opisina.
Busy busyhan ang BruKa
"Hii." napatingin ako sa gilid ko nang biglang may nagsalita.
"Hello?" medyo patanong kong sabi sa di ko maikakailang magandang babae sa harap ko.
"Bago ka dito?" nakangiti at magiliw niyang sabi.
"Ah Oo, first day ko nga eh. Sabon agad ako ni Ma'am." nakangiti ko namang sabi.
"Ahhh. By the way, I'm Kaye Abad. Designer." nakangiti niyang sabi. Ang ganda niya.
"Ah. Ako nga pala si Jose Marie Viceral. Pwede mo kong tawaging Vice for short." nakangiti ko paring sabi. "Designer din."
Nabigla ako nang bigla niyang kinuha ang kanan kong kamay at nakipagshake hands.
"Wow, pareho pala tayo. Tulungan mo ko minsan mag-isip ng idea ha." magiliw niyang sabi habang nagsheshake hands parin kami.
"a-Ahh. Oo naman." sagot ko naman sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakahawak sa kamay ko at muling nagsalita, "You will don't mind if I ask you something?"
"Ah. Sure. Sige."
"Are you a gay? No offend." tanong niya at nakapeace sign siya. Ang cute niya.
"Oo. Masyado bang obvious?" nakangiti kong sabi.
"Hindi naman. I admit, I found you handsome nung unang nakita kita kaning kausap si Billy kasi hindi obvious yung light make-up at pink lipstick mo." nakangiti niyang sabi.
"Ahh okay."
"Pero Your handsome. Sayang ka naman." sabi niya na parang may panghihinayang.
"Ayy talaga naman. Enebe be teh." pabakla kong sabi na agad naman siyang natawa.
"Hahahaha, sige balik na muna ko doon. Baka mahuli pa ako ni Ma'am K na hindi nagtatrabaho. mamaya sabay tayo magLunch ah." paalam niya. "Bye."
"Sige." tangi ko lang nasabi habang nakita ko siyang pabalik sa desk niya.
Kahit bakla ako, Inaamin ko. Crush ko siya. Sini ba namang hindi magkakaCrush sa kanya? Kaye.. Ang cute.
Inayos ko naman ang mga gamit ko sa mesa ko.
Napatingin ako sa opisina ni Mr. Yuzon at nahuli kong nakatingin sakin si Karylle pero bumalik ulit yung tingin niya sa laptop nang mapansin niyang nakatingin ako.
Huli ka balbon!
XxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Mag-uUD ako ulit later. Hehehe gebye.)