#13- Make-up artist

744 28 1
                                        

General POV

Habang nagkakamabutihan este nag-uusap si Vice at Kaye ay palihim namang nakatingin sa kanila si Karylle na halatang naiirita sa mga nakikita niya.

Ang harot talaga. she thought.

Nung nakita niyang tapos nang mag-usap si Vice at Kaye ay nahuli siya ni Vice na nakatingin sa kanya kaya agad niyang binalik ang kanyang paningin sa laptop.

Wala naman talaga siyang ginagawa, nagpapanggap lang siya. Naglalaro lang naman siya ng scrabble dahil 2:30PM pa naman ang start ng shoot para sa next magazine na siya ang icocover.

Lunch Break.

"Vice, tara Lunch tayo." pagtawag ni Kaye ng pansin ni Vice, agad naman siyang lumingon ng huli.

"Ahh sige wait lang, malapit nang matapos toh." sabi ni Vice habang gumuguhit ng bagong disenyo ng dress.

Nang matapos ang kanyang ginagawa ay pinakita niya ito kay Kaye.

"Ayos lang ba? Parang ang pangit eh." kamot-ulong sabi ni Vice kay Kaye.

"Wow. This is so.. Wow. Just wow. Ang ganda Viceee." namamanghang sabi ni Kaye.

"Grabe, hindi ko kaya ito.. Ang galing mo.. I like you na." psgpapatuloy pa niya.

"Excuse me." napatingin sila sa kung nasaan nanggaling ang boses... Si Karylle.

-
Vice's POV

"Excuse me." napatingin kami pareho ni Kaye nang biglang may nagsalita.. Si BruKa.

"Good Afternoon Ma'am." bati ni Kaye sa kanya. Tumingin naman siya sakin na parang hindi man lamg pinansin si Kaye.

"Lunchbreak na, harutan parin? Pagkatapos NATING magLunch, mag-ayos ka sasama ka sa photoshoot ko." sabi ni BruKa.

"Sige po. Maglalunch muna kami ni Kaye." sabi ko sa kanga habang pekeng ngiti.

"Diba sabi ko. You'll lunch with me?" taas kilay niyang sabi.

"Pero-----"

"Sige na Vice, sasama nalang ako kayla Anne. Next time nalang tayp magkwentuhan." nakangiting sabi ni Kaye.

"Sure ka?"

"Oo naman." nakangiti niya paring sabi at bumeso pa sakin. Naglakad siya patungo kayla Anne.

Tinignan ko naman ng makahulugan si Karylle.

"Oh? Why are you looking me like that?" mataray niyang tanong.

"Bakit tayo sabay maglalunch? Eh, diba Boss ka?" maawtoridad kong tanong. "Tsaka, bakit ako ang isasama mo sa photoshoot chuchu na yan? Eh, designer lang naman ako."

"Bakit? Ayaw mo ba? Baka gusto mong sabihin ko kay Yael ang mga ginagawa mo dito sa company niya. Baka ang unang araw mo maging huli na rin." nakataas ang kilay niyang sabi habang nakaCross arms.

"Ayy, Grabe siya oh. Ito na ohh. Sasabay na pong maglalunch sa inyo. Ito naman si Ma'am hindi mabiro." pasuko kong sabi. Mahirap na. Lalo't alam kong may galit pa rin tong babaeng ito sakin at parang ang lakas ng kapit sa tarsier este sa boss namin.

Katulad nang sabi niya, sabay kaming naglunch sa cafeteria sa babang bahagi ng building.

Napakaawkward lang kasi pinagtitinginan kami ng mga ibang tao. Nakakailang.

Makita ba namang sikat na model, may kasamang kumain ng lunch.

Pagkatapos naming magLunch ay pinaayos niya sakin ang mga gamit ko dahil nga daw sasama ako sa photoshoot niya ngayon.

2:00PM bumyahe kami kung saan gaganapin ang photoshoot niya.

"Wala parin yung Make-up artist? Anong oras na! What the.." narinig kong bulyaw ng isang lalaki.

"Sorry Sir, hindi po kasi namin maContact. Nakailang tawag narin kasi kami. Sorry Sir." paghingi naman ng tawad ng isang babae.

Nasa isang tabi lang ako at tinitignan ang nasa paligid kong nagkakagulo. Pake ko ba dyan.

"Don't worry Dingdong, meron na kong make-up artist." narinig kong sabi ni Karylle at nakatingin siya sakin at nakangisi. Parang hindi ko gusto ang iniisip niya ah.







"Put a little foundation pa." pag-uutos pa niya sakin, nilagyan ko naman ang mukha niya ng foundation.

Sa pagkakaalam ko kasi, Designer ang trabaho ko hindi make-up artist. -,-

"Okay na ko Dingdong." sabi niya sabay tayo at lumapit na doon. THANK YOU talagaaa.

"Wow, you're so beautiful, K."

"Nice Make-Up."

"Okay, game na."

Nagsimulang magclick ang photographer na si Billy at umaanggulo naman si K, base na sasabihin nung babaeng nagngangalang Marian yata?

"Perfect." narinig kong sabi nung Dingdong habang pumapalakpak pa.

"Retouch na ulit."

Nagpatuloy ang pagiging make-up artist ko hanggang sa matapos ang photoshoot ni Karylle.

5:00PM natapos ang photoshoot, medyo humaba kasi nagkaroon ng problema yung ilaw na ginamit pero naisaayos naman na.

Nada loob kami ng company car ni Karylle at nang iba pa. Magkatabi kami. Halatang napagod ang BruKa. Diba dapat ako ang pagod dahil ginawa niya akong make-up artist na dapat hindi ako ang gumagawa?

Maya maya, nagitla ako nang pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

Nakatulog ang BruKa. Parang ang bait bait at malaAnghel kaag tulog eh ohh.

Put Your head on my shoulderrrrr~~~

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon