GENERAL POV
"Manganganak na ko." medyo nahihirapang sabi ni Karylle na malapit nang pumutok ang panubigan niya.
"Manganganak ka lang pala eh." wala sa sariling sabi ni Vice at ipinagpatuloy ang pagkain hanggang sa nanlaki ang mata niya at tumingin kay Karylle...
"WHAAAT? M-MA-MANGANGAK KA NA???" gulat na tanong ni Vice. Isang mabilis na tango balang ang naisagot ni Karylle. Naalarma naman si Vice kaya nilapitan niya si Karylle at inakay patayo.
"K-kaya mo bang maglakad?" kinakabahang tanong ni Vice.
"H-hindi n-na y-yata.. Bu-buhatin mo k-ko." nahihirapan na talagang sabi ni Karylle. Kahit kinakabahan ay ginawa pa rin niya ang sinabi ng asawa at agad na binuhat. Halos patakbo nang lumabas ng bahay si Vice, mabuti nalang at may mga kasambahay sila na pwedeng iwan. Agad na pinasok ni Vice si Karylle sa backseat at sumunod. Naalarma ang driver sa pagtawag ni Vice. Agad din itong pumasok sa backseat at pumasok na rin ang driver.
"MANONG! SA PINAKAMALAPIT NA OSPITAL!!! MANGANGANAK NA SI KARYLLE!!!!!" halos pasigaw na sabi ni Vice dahil kinakabahan talaga siya. Hindi naman na sumagot ang driver at agad na pinatakbo ang kotse patungong ospital.
"K-karylle, kaya mo yan ha.. Malapit na tayo." pag-aalo ni Vice kay Karylle na napapikit nang madiin at umeexhale dahil parang anytime lalabas na ang mga anak nila.
"MANONG, PAKIBILISAN!!"Mas lalo pang binilisan ng driver ang pagpapatakbo ng kotse na kapwa kinakabahan din.
Nang makarating sa ospital ay agad na bumaba ang driver at pinagbuksan sila Vice at Karylle mula sa backseat. Agad nang bumaba si Vice at inakay palabas ng kotse si Karylle. Pagpasok palang sa ospital ay agad nang tumawag si Vice.
"NURSE! M-MANGANGANAK ANG ASAWA KO!!" pasigaw na sabi ni Vice at may lumapit naman nang mga nurse at doctor sa kanila na tulak tulak ang hospital bed. Sa sobrang kaba bi Vice ay siya ang nahiga doon.
"V-Viceee." nahihirapang sabi ni Karylle. Agad namang tumayo si Vice mula sa hospital bed.
"S-sorry." sabi ni Vice bago tulungang pahigain si Karylle sa hospital bed. Hinawakan ni Vice ang kamay ng asawa at tinulak na ito patungong operating room.
"P-pwede bang pumasok sa loob?" nag-aalalang tanong ni Vice. Tumango naman na ang doctor dahil kailangan na talagang ipasok si Karylle sa OR dahil pumutok na nang tuluyan ang panubigan ni Karylle.
Pagkapasok ni Karylle sa OR ay hindi niya pinapakawalan ang kamay ni Vice. Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ng kanyang asawa dahil sa tingin niya ay iyon ang kailangan niya sa panahong iyon.
"Misis, ire na po.." may paggalang paring utos ng doctor.
"AAAAAAAHHH!!!!" sigaw ni Vice dahil kinagat ni Karylle ang kamay niya. Napatingin naman sa kanya ang doctor at ibang nurse pero itinuon naman agad nila ang atensyon kay Karylle dahil malapit nang lumabas ang ulo ng unang anak nila.
"Konti pa Misis!" tila may galak na sabi ng doctor.
"AAAAAAHHHHHH!!!!!!!!" fullforce na sigae ni Karylle na naging hudyat na tuluyan nang lumabas ang baby nila. Agad nang pinutol ng doctor ang pusod ng unang baby.
"Baby Girl." nakangiting sabi ng Doctor at ibinigay na sa nurse. Halata naman kay Vice ang pagkagalak nang makita ang una niyang baby.
Bumalik naman ang tensyon nang bigla ulit hawakan ni Karylle ang kamay ni Vice nang madiin."MAAYYY ISAAAA PAAAAA!!!" sigaw ni Karylle at muling umire.
"Konti ka Misis.. Konti pa!"
"AAAAAAHHHHH!!!!!" sabay na sigaw ng mag-asawa. Napasigaw si Vice dahil sumobra ang diin ng hawak ni Karylle sa kamay niya.
Tuluyan nang lumabas ang ikalawang baby nila. Tuluyan ding nanghina si Karylle at nawalan ng malay, halatang halata na napagod at nahirapan siya dahil pawis na pawis ang mukha niya."Baby Boy.." nakangiting sabi ng doctor at tumingin kay Vice. "Congratulations, Mr."
Napangiti si Vice at nawala ang kaba nang maayos na naipanganak ni Karylle ang mga anak nila.
-
Paglabas ng OR ni Vice dahil ililipat na si Karylle sa kwarto nito at lilinisin na ang mga baby nila ay agad niyang tinawagan ang Mama ni Karylle na agad naman nitong sinagot.
"Yes, Hello Vice?" bati ng Mama ni Karylle sa kabilang linya.
"Ma, N-nanganak na po si Karylle." hindi mawala ang ngiti ni Vice habang ibinabalita ang nangyari.
"T-talaga? S-saang ospital kayo? Pupunta na agad kami." hindi makapaniwalang sabi ng Mama ni Karyllr.
"Dito po sa St. Lukes. Ililipat nalang po si Karylle sa room niya. Sige po, pumunta po kayo." parang hindi parin makapaniwalang sabi ni Vice.
"S-sige Vice.. Bye." paalam ng Mama ni Karylle at agad na inend ang tawag.
Sunod na tinawagan ni Vice ang kanyang Ama na agad nang sinagot ang tawag.
"Ohh Anak? Napatawag k----"
"Tay, nanganak na si Karylle, nanganak na ang asawa ko." pagputol ni Vice sa sinabi ng ama.
"WHHHAAAT?! LUMABAS NA ANG MGA APO KOOO?!" hysterical na tanong ng Ama niya.
"Opo!! Tay!!! Lumabas na sila. Kung gusto niyo Tay, pumunta ka na dito sa St. Lukes." pagbabalita pa ni Vice.
"S-sige. Pupunta na ko agad diyan!" huling sinabi ng Ama niya at tinapos ang tawag.
May lumapit kay Vice na isang babaeng nurse.
"Mr.?" pagtawag ng pansin ng nurse kay Vice.
"I'm Mr. Viceral, n-nasan na ang asawa ko?" tanong agad ni Vice.
"Mrs. Viceral is on her room now. Your children is on the nursery room.. Uhm, ano po ang pangalan ng anak niyo?" magiliw na tanong ng nurse.
"Uhm... Emmanuel for the boy and Joana Marylle for our baby girl." nakangiting sagot ni Vice. Sinulat naman ng nurse ang sinabi ni Vice na mga pangalan.
Inabot naman ng nurse sa kanya ang hawak nito at pinapirmahan si Vice."P-pwede ko na bang puntahan ang asawa ko?" tanong ni Vice.
"Opo. She's on.... Hm, room 014." nakangiting sagot ng nurse bago umalis.
Patakbong tumungo si Vice sa sinabing room ni Karylle at dahan dahang pumasok sa kwarto at nakita ang kanyang asawa na payapang natutulog sa kanyang higaan. Umupo siya sa katabing upuan ng kama ng asawa at hinawakan ang kamay nito. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang malaAnghel na mukha ng kanyang asawa.
to be continued..
#January5,2016