VICE's POV
Bigla akong nagising nang tumunog ang cellphone ko. Nabigla ako nang nakita kong alas otso na pala. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, nasa opisina parin ako. Hala ka. Hindi man lang ako ginising nang mga damuho kong katrabaho. Tumayo na ko mula sa swivel chair. Medyo nakakatakot talaga dito kapag gabi. Pumunta ko sa may opisina ni BruKa. Nandun pa siya. Mukhang marami pa siyang ginagawa.
Bumalik ako sa table ko at inayos ang mga gamit ko.
Pumasok ako sa elevator.
*ting!*
Paglabas ko nang elevator. Nakalock na yung pinto. Halaaaa. Hindi ako makakauwi? Patay.
Naalala kong nasa taas pa pala si BruKa. Kaya muli akong sumakay ng elevator at bumalik sa opisina. Nakakatakot naman diba kapag gabi. Binalak kong kumatok sa opisina niya kaso mukhang busy. Mamaya na nga lang.
Maya maya biglang kumulo ang tiyan ko. Kailangan ko nang kumain. Buti may vendo machine dito. Medyo madilim dahil konti nalang ang ilaw na nakabukas. May nasagi akong isang bagay kaya agad itong nakalikha ng ingay. Pinulot ko naman yung nasagi ko, isang folder na punong puno ng papeles. Ibinalik ko naman yun sa table.
Pinasok ko ang bente ko sa vendo machine para makakain na ko, pwede naman akong mag-init ng tubig diyan eh. Pagpasok ng bente ko, ayaw lumabas ng cup noodles. Kung minamalas ka nga naman talaga oh.
Sinipa ko yung Vendo Machine dahil sa inis ko.
"Ano ba. Bakit ayaw lumabas?!" pabulong kong sabi sa vendo machine.
"Baka makita pa ko ni BruKa eh. Lumabas ka na." tila nakikiusap kong sabi habang sinisipa yung vendo machine.
"Urghh, sayang bente ko ha." naiinis ko nang sabi. "Baka makita na ko ni BruKa."
"Sino si BruKa?"
Nabigla ako nang biglang mag nagsalita, napatingi ako kung saan nanggaling yung boses....si BruKa.
"Br--- Ma'am, ikaw pala." pagbati ko sa kaniya.
"Why are you still here? And who's BruKa?" tanong niya sa akin habang nakacross arms.
"Uhmm, m-may g-gagawin p-pa k-kasi ako." kinakabahan kong sabi.
"Gagawin? Gabi na ha. You better go home."
"Eh Ma'am plano ko talaga yang gawin pero... Nakalock na yata yung pinto sa baba. Hindi na ko nakalabas. N-nakatulog kasi ako nang hindi ko namamalayang nakauwi na pala lahat. Tsaka kanina balak kitang katukin kaso mukhang marami ka pang ginagawa." pag-amin ko sabay kamot sa batok.
"Oh Well, meron akong duplicate ng pinto. Kung gusto mo, sabay na tayo." pag-aya niya sa akin."NagDinner ka na ba?"
"H-hindi pa nga Ma'am eh. Ayaw kasi lumabas dito sa vendo Machine nung cup noodles." disappointed kong sabi.
"Ganun ba? Wait, I just get my bag in my office." nakangiti niyang sabi at tumalikod na sa akin.
Pumunta naman ako sa table ko at kinuha yung mga gamit ko.
"Vice, let's go." rinig kong pag-aya sa akin.
"S-sige Ma'am." sabi ko sabay tumayo na.
----------
Pagdating namin parking lot, hinahanap ko yung brand new car na binigay sakin ni BruKa.
"Huy, ano bang hinahanap mo? Kanina ka pa palinga-linga?" napatingin ako sa kanya nang bigla siyag magtanong.
"Ehh, Ma'am diba.. Binigyan mo ko ng bagong kotse?"
Sabi ko sabay pakita ng picture nung kotse.
"Oops, Sorry. Ano kasi. Sorry Vice. Actually, hindi talaga kotse ang binigay ko sayo. Motorcycle lang talaga yan. Kakulay lang. Ayun oh!" sabi niya sabay turo sa isang motorsiklong nakapark.
"NaHopia ako dun Ha." sabi ko sabay napaPout.
"Pero Vice, sabay ka muna sakin." aya niya sa akin.
"Paano yung Moto-----"
Hindi niya ko pinatapos at hinila niya ko palapit sa kotse niya at pinasakay sa passenger's seat at tumabi na siya sa akin na sadyang ikinabigla ko. May driver siya ngayon.
---------
"Vice, saan ka na ba nakatira?" napatingin ako sa kanya.
"Uhm, sa apartment ni Ate Edna. Diba kilala mo siya?" pagsagot ko sa tanong niya.
"Ah! Si Ate Edna. Dati, sari-sari store lang siya ha? May apartment na pala." tila namangha niyang sabi.
"Opo. Pero may mini sari-sari store pa rin naman siya." nakangiti kong sabi at nakita kong tumango naman siya.
----------
Huminto na ang kotse. Malamang nandito na kami sa may tapat ng apartment ni Ate Edna.
"Uhm, Vice.. Saan ba tayo pwedeng kumain ng ganitong oras?" tanong sakin ni BruKa.
Tumingin ako sa wristwatch ko bago sumagot, "9:19 na. Pero sure ako bukas pa si Aling Naty." nakangiti kong sambit sa kanya.
"Ayy sige. Namiss ko rin si Aling Naty eh." magiliw niyang sabi.
Bumaba ako nang kotse at pinagbuksan ko naman siya.
"Thanks." rinig kong sabi niya at nginitian ko lang siya.
Naglakad kami papunta sa kainan ni Aling Naty. Buti nalang wala gaanong tao at baka kasi pagkaguluhan si Karylle.
"Aling Naty!!! Miss na miss na po kita." rinig kong magiliw na bati ni Karylle kay Aling Naty. Parang nakikita ko tuloy yung dating siya.
"Karylle, ikaw na ba yan? Ang ganda ganda mo na talaga hija." nakita kong hinaplos ni Aling Naty si K sa mukha.
"Thank You Aling Naty." magiliw niyang pagpapasalamat.
Naupo na kami sa bakanteng upuan para kumain. Nakapili narin kami ng kakainin.
Pagkatapos naming kumain. Nagpaalam pa si Karylle kay Aling Naty.
"Aling Naty, promise babalik po ako ulit dito."
"Siguraduhin mo yan Karel ha. Pero pag babalik ka dito, isama mo na si Zsazsa at yung dalawa mong makukulit na kapatid."
"Opo. Sige na po una na ko." pagpapaalam ni Karylle.
"Sige ingat ka."
-----
Pagbalik sa may tapat ng apartment ni Ate Edna kung saan nakaPark yung sasakyan ni Karylle..
"Vice, una na ko ha. It's too late na rin eh. Baka hinahanap na ko nila Papa." pormal na paalam sakin ni Karylle.
"Sige Ma-----"
"Karylle or K nalang ang itawag mo sakin kapag wala tayo sa opisina." pagputol niya sa sasabihin ko.
"O-okay, K-karylle. Mag-ingat ka ha." pagpapaalala ko. "Mamahalin pa kita" I thought.
"Sige. Thank youu ha." pagpapasalamat niya at ang ikinabigla ko ay bigla niya kong yinakap. Parang may biglang dumaloy nanaman sa katawan ko nakakaibang kuryente.
"Sige. Una na ko." paalan niya at parang natuod ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na nagawang makapagpaalam pa. Naramdaman ko nalang na umandar yung sasakyan niya palayo.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: REALTALK! Si Ate Edna po ay taga dito sa amin pero wala po siyang apartment pero may sari sari store siya at yung Aling Naty, lola ko siya!! Keri? XD HAHAHA. Sinabi ko lang. Triviaaa XD gebye. 12/18/15)