#18- THANK YOU.

738 30 1
                                    

GENERAL POV

"HAHAHAHA! ANO? KASI NGA BAK-------"

Nahinto ang pagsasalita ni Karylle nang biglang maglapat ang mga labi nila ni Vice. Tila nawala ang amats ni Karylle nang maramdaman ang labi ni Vice. Nanlaki ang mga mata niya sa nararamdaman niya.

Ilang segundo rin silang nanatili ganoong posisyon.

"OMG. Ma'am K, Vice?"

Nanlalaki ang mata ni Dingdong sa nakikita niya.

Nabigla si Vice sa biglang pagsulpot ni Dingdong kaya napakalas siya mula sa pagkakahalik kay Karylle.

Napatingin si Vice kay Dingdong na hindi makapaniwala sa nakita niya.

"Teka teka. Lasing na nga yata ako." sabi ni Dingdong sabay kusot ng mata niya at muling tumingin kay Vice.

"N-naghalikan ba talaga k-kayo?" tanong ni Dingdong.

"Ha? Kami? Naghalikan? HAHAHAHA. Jombagin kita dyan eh. Nagbeso lang kami ni Bru--- Ma'am Karylle." pagsisinungaling ni Vice.

"So, namalikmata lang talaga ako?" di makapaniwalang sabi ni Dingdong.

"Oo naman. Ano ka ba? Baklang bakla ako tapos hahalik ako ng Merlat? Yuckkk." pabaklang sabi ni Vice at agad namang natawa si Dingdong.

"Hahaha oo nga naman. Siguro dala lang toh ng kalasingan." natatawang sambit ni Dingdong.

"Sige na mauuna na ko. Tsaka nga pala, umuwi narin sila Billy. Hatid mo si Ma'am K oh. Mukhang naparami ang nainom oh." pagpapatuloy ni Dingdong st tumingin sa gawi ni Karylle na nakaupo sa lapag.

"Osige na." pagsang-ayon nalang din ni Vice.

"bye." pagpapaalam na ni Dingdong at pumasok na sa kotse niya sabay alis.

Tinignan ni Vice si Karylle.

Lumapit siya rito at tinapik ang mukha.

"Uy, Ma'am Karylle?" pagtawag niya pero siguro nga tulog na ito.

Hinanap ni Vice ang susi sa bag ni Karylle at kinuha.

Binuhat niya si Karylle dahil hindi na talaga siya makatayo sa sobrang kalasingan.

"Ang bigat mong BruKang toh." pabulong na sambit ni Vice. Siya ang magdadrive dahil nagday-off ang driver ni Karylle. Marunong naman siyang magdrive pero parang baguhan lang.

"What did you say?"

Napatingin si Vice sa nakapikit na si Karylle.

"A-ahh. W-wala. Sabi ko ang Gaang gaang mo Grabe." pagdadahilan pa ni Vice.

Pinasok ni Vice si Karylle sa katabing upuan ng driver's seat at nilagyan ng seatbelt.

Pumasok na si Vice sa kotse.

Halos buong byaheng walang kibuan kahit gising si Karylle at nakadungaw lang sa mga bintana ng kotse.

Panaginip lang ba talaga yun? Parang kasing totoo? Kung totoo man yun. Nakakadiri.

Pag-iisip ni Karylle dahil sa tingin niya ay panaginip lang yung halik ni Vice sa kanya.


Maya maya ay nakarating na sila sa bahay ni Karylle. Lumabas si Vice ng kotse at kinuha ang susi. Lumipat siya sa kabilang pinto at muling binuhat si Karylle.

"Bring me down." pautos na sabi ni Karylle.

Agad namang sumunod si Vice sa sinabi ni Karylle.

Kinuha ni K ang susi ng bahay niya sa bag niya.

Pagkabukas ng pinto ay tumingin siya kay Vice.

"Go Home." simple at walang kaemo-emosyong sabi ni Karylle.

Tumalikod na si Vice kay Karylle.

Kahit kailan hindi talaga marunong magTHANK YOU. Nakooo. Kung hindi lang kaibigan ng boss ko. Nakoo. Pabulong na sabi ni Vice.

"Mr. Viceral." pagtawag ni Karylle pero hindi lumilingon si Vice pero huminto naman siya....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Thank You."

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Last Update for today! HAPPY 46TH MONTHSARY ulliiiiittt <3)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon