KARYLLE's POV
"Now K, tell me everything..." napatingin ako sa pulis na kaibigan ni Papa na Ninong ko rin.
"He raped me. Wala akong nagawa. Ang lakas niya nang mga oras na yun. Alam kong mababalewala lang kung sisigaw ako dahil tulog na yung mga katulong niya." pinipilit kong hindi maging emosyonal. "Kinabukasan noon, humingi siya ng sorry pero nanaig ang pagkagalit ko sa kanya. Pagkamuhi. Tunuring ko siyang isa sa pinakamalapit na kaibigan ko. Sinigurado niyang hindi ako mabubuntis pero hindi pa rin ako mapalagay. Pinagbabantaan niya rin ako na idadamay niya ang pamilya ko kapag hindi ako pumayag sa mga gusto niya. At mag patunay ako." matapang kong sinabi ang mga huling kataga.
Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay sa Recordings.
"This. Just play it." sabi sabay abot sa kanya ng cellphone ko.
Nung kausap ko si Yael, kinutuban na ko kaagad. Kaya agad kong pinindot ang record habang kausap ko siya kaya narecord ang lahat ng usapan namin."Napakalaking ebidensya ito K." tila manghang sabi ni Ninong. "For sure, makukulong yung sinasabi kong hinalay ka."
"Thank You Ninong." medyo nabunutan na ko ng tinik sa lalamunan ko.
"Salamat Kumpadre." pasasalamat din ni Papa.
"No problem." sabi ni Ninong at binalik sa akin ang cellphone ko. Nakipagshakehands pa siya sa amin.
"I will inform you kung kailan ang hearing para dito. Pero sigurado akong mananalo kayo at makukulong si Yael." sabi ni Ninong at tumayo na. "Mauuna na rin ako."
"Sige Kumpadre. Salamat ulit." paalam ni Papa kay Ninong at muling nakipagkamay.
Pagkaalis ni Ninong at yinakap ako nila Mama.
"Tama lang ang ginawa mo Anak. Tama lang yun." sabi sa akin ni Mama.
Kumalas na kami sa yakapan.
"Ma, Pa. Akyat muna po ako." nakangiti kong sabi.
"Sige. Magluluto muna ako." paalam ni Mama.
-------
Naupo ako sa kama ko at tumingin sa cellphone.
Wala man lang text si Vice.Sinubukan ko siyang tawagan pero ring lang nang ring.
Sinubukan kong tawagan si Vhong.
"Hello? Ma'am Karylle. Bakit po?" magalang niyang sabi.
"Si Vice? Tinatawagan ko kasi walang sumasagot. Ring lang nang ring."
"Sa pagkakaalam ko Ma'am K---"
"Just call me Karylle or K." pagputol ko sa sasabihin niya.
"Okay. Karylle, sa pagkakaalam ko pumunta siya ng gay bar kasama yung mga bakla niyang kaibigan."
"Saan bang gay bar?"
"Sa ******* Bar yata yun."
"Okay sige. Thank you Vhong. By the way, congrats sa inyo ni Anne."
"Yieee, Thank you Ma--- Karylle."
"Sige. Bye."
"Bye."
Pagputol ng linya agad na kong nag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto.
"Ma! Alis po muna ako."
Sigaw ko para marinig nila ako."Anak? Saan ka pupunta? Maluluto na tong ulam oh. Kumain ka na muna." sabi ni Mama.
"Hindi na Ma. Sandali lang po ako. May pupuntahan lang po ako sandali." paalam ko at agad na lumabas ng bahay.
Sumakay ako sa Nissa GT-R ko na kulay silver. Nagdrive ako papunta sa gay bar kung nasan daw si Vice.
Huminto ako sa tapat ng gay bar. Bumaba ako sa kotse at pumasok sa bar. Ang ingay. Inikot ko ang mata ko at puro baklang may kalandiang lalaki ang mga nakikita ko. Naglakad ako sa paligid hanggang sa nakita ko rin ang hinahanap ko.
"EHEM." simple kong sabi at napunta ang pansin nila sakin. I smile sarcasticly.
------------------
VICE's POV"Ehem."
Napatingin kaming pareho ni Josh nang biglang may nagsalita.
Bakit siya nandito?"K-karylle?" tama siya nga.
Nginitian niya lang ako nang sarcastic way.
Agad akong lumayo kay Josh."Nandito ka lang pala BABE. Kanina pa kita hinahanap eh." nabigla ako sa sinabi niya at lumapit pa siya sakin.
"Baby, kaano ano mo yan?" tanong ni Josh sa akin. Baby? Hindi ako sanggol ha. Hindi ako makasagot lalo na nang maupo sa lap ko si Karylle.
"I'm His GIRLFRIEND." sabi ni Karylle. W-what? G-girlfriend?
"Girlfriend? As in babaeng kaibigan. Okay." natatawang sabi ni Josh.
"No. No. Girlfriend as in NOBYA. N-O-B-Y-A. okay? Do I make myself clear?" sarkastikong sabi ni Karylle. Hindi pa rin ako makapagsalita. Parang nawala ang espirito ng alak sa katawan ko sa mga nangyayari ngayon.
"Ha? Eh Bakla si Vice. That's impossible!" natatawa paring sabi ni Josh.
"Hindi siya bakla. HAHAHAHA. Actually, sinamahan lang niya dito ang mga friends niya at hinihintay lang niya ko." sabi pa ni Karylle.
Tumingin naman sakin si Josh na puzzled ang mukha. Hindi talaga ako makapagsalita. Hanggang sa makaalis na pala si Josh. Umalis naman na sa pagkakaupo sa lap ko si Karylle. Napatingin naman ako sa kanya.
"Oh, why are you lookinh me like that?" tila naiirita niyang sabi?
"H-ha?" tila wala parin sa sarili kong sabi.
"Tayo na dyan! Malamang Malalate ka nanaman bukas sa trabaho kung hindi ka pa tatayo diyan at uuwi. Baklang toh!"
mataray niyang sabi ag tumalikod na. Natauhan naman na ko at tumayo."Grabe siya ohh."
Nagpaalam na ko sa mga bakla. Una ayaw nilang pumayag pero napilit kl silang babawi nalang ako next time. Paglabas ko nakita ko si Karylle. Nakakunot ang noo niya sa akin at nakaCross arms.
"Teka. Bakit ka nga pala nandito?" pangunang tanong ko sa kanya.
"Magpaparty kasama ang mga lalaki sa loob kaya nasa labas ako." pilosopo pa ni BruKa.
"Nakakatawa po promise!" sarkastiko kong sabi.
"Ano? Tutunganga ka nalang ba diyan? Sakay na." mataray niyang sabi at binuksan ang pinto ng kotse.
"Ayoko nga. Hanggang hindi mo sinasabi kung bak-------"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang maglapat ang mga labi namin. >> O.O <<
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: 3rd Kiss na ViceRylle ditoooo. HAHAHAHA. ang waley. Hehehe. December 19,2015.)