VICE's POV
"EHEM.."
Pareho kaming napatingin kung saan galing ang boses... Si BruKa. Kahit kailan talaga panira toh ng moment.
"Ayy. Good Morning po Ma'am K." nakangiting bati ni Kaye sa kanya.
"Good Morning Ma'am" pagbati ko rin sa kanya para naman maramdaman niyang ginagalang ko siya.
"Diba, oras ng trabaho? Bakit may naghaharutan?" nakataas ang kilay niya habang sinasabi niya yun.
"Ma'am K, I just want Vice to help me for my designs." pagpapaliwanag ni Kaye pero parang hindi naman naniwala anh BruKa sa kanya.
"Ito? Tutulungan ka?" sabi niya sabay point sa akin gamit ang hintuturo niya. "I thought, you're great in doing and creating designs. Tapos magpapatulong ka lang sa bagong designer?" tila nakakasakit na niyang sabi kay Kaye.
"Teka lang Ma'am. Mawalang galang na. Pero bakit ganyan naman po kayo. Tinutulungan ko lang naman po si Kaye sa ginagawa niyang designs. Siya parin naman po ang gagawa at tatapos, humihingi lang po siya ng ideas." pagtatanggol ko kay Kaye dahil ramdam kong medyo napahiya siya sa sinabi ng BruKang toh.
Pinagtitinginan na kami ng ibang empleyado.
Ito pa naman ang pinakasikat na Company sa buong Pilipinas pero ganyan siya.
Sa pagkakataong yun, natahimik si Karylle. Siguro inisip niya yung mga sinabi at binitawan niyang salita kay Kaye. Hindi naman kasi tamang ganunin niya ang isang empleyado niya sa harap ng ibang empleyado.
"Anong tinitingin tingin niyo dyan? Go Back to work." tumalikod siya samin at humarap sa ibang empleyadong nakiusyoso sa amin.
GENERAL POV
Tuluyang naiyak si Kaye kaya binigyan agad siya ni Vice ng comfort. Yinakap niya ito at inalo. Sa di kalayuan, nakatanaw pala sa kanila si Karylle at nakakunot ang noo. Parang hindi niya gusto ang mga nakikita niya.
Hindi narin niya maintinidihan ang mga nangyayari at nararamdaman niya.
Lumipas ang mga araw, may mga pagtatalo parin na nagaganap sa opisina pero hindi narin minsan nagpapansinan sila Vice at Karylle dahil sa nangyari.
Sumapit ang pagbalik ni Yael mula sa Family Vacation/Bonding.
"How was your vacation with your family?" pagtatanong ni Karylle sa kanya.
"It was good. We're having fun there. I feel good when I saw my family Happy." nakangiting sabi ni Yael.
"Hey By the way, I just want to congrats you K. Nabalitaan ko. Top Selling Magazine daw yung ikaw ang cover ha?"
"Yeah. Thanks to all my supporters." nakangiti namang sabi ni Karylle.
"How was Mr. Viceral?" biglaang tanong naman ni Yael sa kanya.
"He's fine." simple niyang sagot at medyo nawala sa mood.
"Okay?" medyo patanong na tono na sabi ni Yael dahil hindi siya naconvince.
"Why? He's fine okay?" sabi ni Karylle na nakasimangot na.
"Hey, don't get mad. Fine. Okay na kung okay." pasukong sabi ni Yael.
"Bakit hindi tayo magcelebrate?" pag-aaya ni Yael.
"Tayong dalawa lang?"
"No. With our employees." nakangiti paring sabi ni Yael.
"I don't think it's a good idea."
"Why not? Pili lang naman eh. Sila Dingdong, Marian, Billy,Coleen.. Kaye and Mr. Viceral.."
"Okay Fine." sabi ni Karylle sabay irap.
"Yes! Tonight. Sa Valkyrie. 10PM?" naeexcite na sabi ni Yael.
"Sige." simpleng tugon lang ni K.
"I'll pick you up."
"Sige."
10:00PM @ Valkyrie
Siyempre they're celebrating, hindi nawala ang inuman. Nakareserve sila sa VIP para hindi pagkaguluhan si K ng ibang lalaki or kung may suppprter man siya sa loob ng club.
Halos lahat sila nalasing nang sobra.
"Tagayyyy paaaaahhh." lasing na sabi ni Billy.
"Hey, Love. Napapadami ka na ha." pag-awat sa kanya ng girlfriend niyang si Coleen.
"Hhindhi pha *hik* Love. kaya *hik* ko pa." lasing na sabi ni Billy.
"Cheers." sabi ni Karylle at tumayo pa para makipagcheers.
Wala halos pumansin sa kanya dahil nga halos lahat sa kanila ay lasing na pwera lang kay Vice na paunti unti lang ang iniinom, dahil baka hindi sila makauwi.
"Cheers Guys *hik*" sabi pa ni Karylle.
"Ma'am. Lasing na lasing ka na." sabay tayong sabi ni Vice at lumapit kay Karylle sabay hinawakan ito sa braso.
"Don't touch me." naiiritang sabi ni Karylle tsaka pumiglas sa pagkakahawak sa kanya ni Vice. Pagkabitaw ni Vice sa Braso ni Karylle ay biglang naOut of balance si Karylle at nahalikan si...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. Yael na mahimbing na natutulog dahil sa matinding kalasingan.XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: EHEM! MEDYO HOPIA XD HAHAHA SORRNAA.. GEBYE.)