Vice's POV
"I don't know him."
Nakakaloka, akala ko pinakamasakit na yung "Who You?", may mas sasakit pa pala. Kaloka tong BruKa na toh. Halatang inis na inis siya sakin at hindi niya pa nakakalimutan yung nangyari Two years na ang nakakaraan.
Buti pa ko. Move-on ..
"Okay? Ayy, By the way. I have a meeting today. As in now. Uhmm, Karylle can I have a favor?" narinig kong sabi ni Mr. Yuzon kay Karylle.
"Sure." simpleng tugon ni Karylle habang nakangiti.
Hindi maipagkakaila. Maganda siya kapag nakangiti.
"Uhm, pwede ikaw na ang magtuloy sa pag-iinterview sa new designer natin?" parang nabulunan ako sa sinabi ni Mr. Yuzon.
Pero "New Designer"? Wait. Hindi pa rin nagsisink in sakin.
"Excuse me, Mr. Yuzon. Tama po ba yung narinig ko? N-new Designer?" pagsisigurado kong tanong na may paggalang.
"Bingi." bulong ni Karylle pero hindi nakaligtas sa pandinig ko pero mas pinili kong isawalang bahala nalang iyon at tinuon kay Mr. Yuzon ang paningin at pandinig ko.
"Yes. I'm hiring you. But, na kay Karylle ang second decision. If pumayag siya. Then, Welcome to our company." nakangiti niyang sabi sakin.
Kinabahan nanaman ako. Jusko! Sa lahat ba naman ng pwedeng mag-interview sakin si Karylle pa.
"So, Karylle.. Pwede ba?" tumingin ulit si Mr. Yuzon kay Karylle.
"Sure, Why Not?" sabi ni Karylle at humarap sakin at nginisihan pa ko ng BruKa.
"Okay, I have to go. Baka malate ako sa Meeting ko eh. Bye." paalam ni Mr. Yuzon kay Karylle at bumeso pa tsaka lumabas ng office niya.
Nung marinig ko ang pagsara ng pinto. Parang nilalamig na ko. Dahil yata sa aircon o sa kaharap ko na ngayon.
"Introduce yourself." simpleng sabi niya habang hindi nakatingin sakin bagkus ay sa folder ko na may mga designs o sa birth certificate?
"Ha?" tanong ko sa kaniya.
"Bingi ka ba talaga? Sabi ko. Intoduce yourself o gusto mo tagalog? MAGPAKILALA KA." pag-uulit niya na matamang nakatingin directly sa mata ko.
"Ako bingi, siya naman bulag." bulong ko pa sa isang side para hindi niya ko marinig.
"May sinasabi ka ba?" kunot noo niyang tanong.
"Wala ah." sabi ko habang nakangiting nakakaloko.
"Psh. Whatever. Please just introduce yourself." walang kaemo-emosyon niyang sabi.
"Hindi mo na ba ko kila--- Ahh, I'm Jose Marie B. Viceral. 29 years old." hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin nang una kasi tinignan niya ko nang masama.
"Your designs are good but ... Not that nice enough." sabi niya na parang nang-aasar?
"Ha eh Kary---"
"Ma'am." pagputol niya sa sasabihin ko.
"Kailan pa naging Ma'am pangalan mo?" natatawa kong sabi pero mukhang matigas talaga at kununutan lang ako ng noo.
"Okay. Ma'am." pagsuko kong sabi.
"May sasabihin ka pa ba?" mataray niyang sabi. Umiling nalang ako. "Welcome to our company."
Napatingin ako sa kanya nang makahulugan.
"What?" tanong niya nang pataray parin.
"T-tanggap na ko?" paninigurado ko pa.
"Wala ka bang cottonbuds sa bahay mo? Kailangan ko pang ulit-ulitin lahat ng sasabihin ko? Ang sabi ko. Welcome to our Com----"
Sa sobrang galak ko, nayakap ko siya na naging dahilan para maputol ang sasabihin niya.
"THANK YOU KA-- MA'AM! THANK YOUU!" masaya kong sabi habang nakayakap sa kanya.
"Heyy.. I.... can't ....breath." nahihirapan niyang sabi. Oops.. Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"Ayy, sorry Ma'amm.. Sorry." psghingi ko ng tawad habang inaayos yung damit niya.
"Hindi ka pa nga nag-uumpisa gumagawa ka na ng mga ganyang bagay." nakakunot niyang noo.
"Sorry na nga eh." seryoso kong sabi.
"Hindi lahat ng nagagawang mali, nadadaan lang sa sorry!" kunot noo parin niyang sabi.
"Hugot?" natatawa ko nanamang sabi.
"Welcome to our company." pormal niyang sabi sabay lahad ng kamay niya for shakehands.
Inabot ko naman yun at nakipagshake hands sa kanya.
Kumalas naman agad siya sa pagkalashakehands sa kamay ko.
"You can go now." pormal niyang sabi.
"Thank You again Ma'am" nakangiting tagumpay kong sabi. Sabay kuha ng folder.
"Hey, dito nalang yan." agaw niya sa folder ko.
"O-okay?" hindi makapaniwalang sabi ko nalang tsaka lumabas ng office.
Hinahanap ko yung magaling kong kaibigan. Nasaan ba yun nagpunta.
Calling Vhong..
*end*
Calling Vhong again.
*end*
"Hahahahaha. Nakakatawa ka naman." nakarinig ko ng halakhakan sa likod ko.
At nakita ko ang magaling kong kaibigan.. Kasama yung sekretarya ni Mr. Yuzon.
"Oh, Brad. Tapos na ba?" tanong niya sakin.
"Ayy hindi. Papasok pa nga lang ako eh. Mukhang hindi pa kayo tapos maglandian? Nakakahiya naman.." sabay irap kong sabi.
"Eto naman. Nakipag-usap lang kay Ms. Beautiful eh." pagtatanggol niya pa.
"Tse!" sabay irap.
"Ay, Sige Mr. Navarro and Mr. Viceral, I have to do some paper works pa. May I excuse myself." paalam ni Anne samin.
Kumikinang naman ang mata ni Vhong habang nagpapaalam kay Anne.
"Huy, Landeee" pagtawag ko kay Vhong kaya agad naman siyang napatingin sakin.
"Sorry Brad. Hahaha. Ano? Natanggap ka ba?" excited niyang tanong.
"Malamang, kasi kung hindi ako natanggap siguro naglulupasay na ko ngayon dito sa sahig ng building na to." sarkastiko kong sabi.
"Nuksss naman Brad! Pa-Mcdo ka naman dyan!" sabi ni Vhong habang pataas taas pa ang kilay.
"Tsee. Doon ka sa Ms. Beautiful mo magpalibre. Tsaka wala pa naman akong alam kung kailan ako mag-istart ng trabaho. Tsaka ka na magpalibre kapag nakasahod na ko!" panatag kong sabi sa kanya.
"sabi mo yan Brad ah!" paninigurado niya sabay akbay sakin... Akbay ng pagkakaibigan.
Tumungo na kami sa elevator at bumaba. Lumabas na kami ng building at umuwi na.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Plug ko laaaang XD si @mjanenikki !! Para sayo tong chapter na toh.. HAHAHAHA LABYUUU BABEEEE. <33)