Karylle's POV
Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako buong biyahe. Sobrang napagod lang talaga siguro ako sa photoshoot kanina.
"Ma'am.."
Nagising nalang ako nang may tumawag at tumapik sakin.
Lalo akong nainis nang si Vice pala ang tumapik sa pisngi ko. Ang matindi nakapatong pala ang ulo ko sa balikat niya kaya agad akong umayos ng upo.
"Bakit mo ko tinapik sa pisngi? Sino nagbigay ng pahintulot na gawin mo yun ha?" nakakunot noo kong sabi sa kanya.
"Eh Ma'am, kasi.. Malapit na po kasi tayo. Baka po kasi mahirap ka pong gisingin. Kaya, ginising na agad kita." pagpapaliwanag niya.
"Pwes, ngayon alam mo na. Madalo lang akong magising. Don't do that again."
Nakacross-arms kong sabi at nakaayos na ng pagkakaupo.
Maya maya huminto na ang sasakyan. Nakaupo parin ako. Lahat sila nakababa na ng sasakyan. Wala man lang nakaalala saking pagbuksan ako ng pinto.
Inis akong bumaba sa sasakyan at pabagsak na sinara ang pinto na naging dahilan para mapatingin sila sa direksyon ko.
Nakakunot parin ang noo ko habang nagtitinginan kami ng mga empleyado ko.
"Why are you looking at me? Go home." nakakunot noo kong sabi sa kanila. Pagod na kong makita sila. Lalo na si Vice.
Tumalikod na ko sa kanila.
"Anong nangyari kay Ma'am?"
"Ewan ko."
"Baka pagod lang."
Narinig ko pang bulungan nila pero sinawalang bahala ko nalang yun. Talagang pagod na pagod na ko.
------
Vice's POV
"Why are you looking at me? Go home." nakakunot naman ang noo niyang sabi sa amin.
Ano kayang nangyari dun?
Maya maya ay tumalikod na siya sa amin.
"Anong nangyari kay Ma'am?" pabulong na tanong ni Billy.
"Ewan ko." pabulong naman ding sagot ng girlfriend niyang si Coleen.
"Baka pagod lang."
sabi ko naman sa kanila.
Siguro nga pagod lang ang BruKa.
Maya maya ay nagsiuwian na kami. Pinauna ko nang umuwi kanina si Vhong dahil natagalan nga kami sa photoshoot chuchu na yun.
Ewan ko ba. Hindi ko talaga alam kung bakit pinasama pa ako nung BruKang yun doon. Hindi naman ako Make-up artist. Isa lang ang naiisip kong dahilan.. Siguro gumaganti yun. Halata naman kasing galit siya.
Medyo traffic pa. 6:00PM na pala. Kakain nalang ako sa karinderya ni Aling Naty.
*1 new message*
Nabigla ako nang magring ang cellphone ko. Kinuha ko naman yun at binasa ang text... Unregistered Number?
From: 09********
Sobrang nakakapagod na. Lalo na't siya ang nakikita mo. Sarap niyang patayin.
Luh, anong problema nito. Balak ko sanang magreply kaso naalala ko wala pala akong load.
*1 new message*
Nanaman? Galing ulit dun sa unang nagtext na unregistered number.
From: 09*********
Bakit ba kasi ang hirap kalimutan ng mga ginawa niya? Hindi pa ba ko nakakamove on?
Aba malay ko. Kung may load lang ako. Rereplyan ko toh eh. Kaso wala eh. Tsaka titigil din toh.
*1 new message*
From: 09*********
Uyy, Kuya or Ate? Reply naman dyan. Sorry kung naiistorbo kita. Nagpipindot lang kasi ako ng kung ano anong number.
Loko yata toh eh. Lakas makatrip ng ginagawa nito. Bahala nga siya dyan.
Hindi ko namalayan lumagpas na ko sa apartment na tinitirhan ko kaya nagpara na ko sa tabi. Pagbaba ko ng jeep, medyo mahaba ang lalakarin ko. Kasalanan ito ng nagtetext eh.
*1 new message*
From: 09*********
Okay. Wala kang load? Parang love, kapag wala naman talaga hindi nakakaresponse.
Ayy, humuhugot si Ate.
Pagkapasok ko sa apartment. Sinarado ko ang pinto. Naglinis ako ng katawan.
Pagbalik ko sa kwarto ko.
Ang daming messages. Galing parin sa mystery texter.
From: 7210
You're regular load balance is php 100.00. (basta yung tinetext ng 7210 kapag may load na XD gebye)
From: 09*********
Natanggap mo ba yung load?
From: 09*********
Sa tingin ko natanggap mo na, ayaw mo lang siguro talaga mayreply kasi parang sa love, yung isa bigay nang bigay ng effort mapakita lang niyang mahal niya yung isang tao pero yung taong yun pala hindi maibibigay ang gusto niyang mangyari. <///3
From: 09*********
Sorry kung nagdrama ko sayo Kuya or Ate. Ayan may libre ka nang load. Baka nga yata wala naman talagang ganitong number kaya walang nagrereply. Last text na ito. Bye. :)))
Puro hugot si Ate. Ayoko sanang magreply kaso nakakaawa naman siya. Pinaloadan pa niya talaga ko ah. 100 pesos pa. Siguro kailangan niya talaga ng katext. Nahiga muna ko sa kutson ko bago magreply.
*reply*
Hi Ate. :))) sorry kung hindi ako makapagreply agad kanina ha. "Naligo..."*erase* Nagshower pa kasi ako eh. Thanks din sa load ha. Ang lakas mo humugot ah.
Natatawa ko habang tinatype ko yun. Nagkainstant load pa ko. Maya maya ay nagreply na siya.
From: 09*********
No Problem. Small thing at all. Sorry for the hugots ah. ^^v
*reply*
Okay lang Ate. ^______^
From: 09*********
Ate ka or Kuya?
*reply*
Kute? Hahahaha.
From: 09*********
You're a lesbian?
*reply*
Hindi ahhhh. Bakla ako. G-A-Y.
From: 09*********Oops. Sorry I thought you're lesbian. Sabi mo kasi Kute eh. Kasi diba dun sa Be Careful with my heart. Kute tawag ni Maya dun sa Kapatid niyang lesbian?
*reply*
Ah ganun ba. Mapanood nga yan minsan.
Nagpatuloy ang pagtetext namin ni Myster Texter kaya iniba ko ang pangalan niya at sinave sa phonebook named 'Mystery Textmate'.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Sorry guuuuys. Ang waley ng chapter na toh. Bawi ako next time :(((( gebye..)