KARYLLE's POV
Ilang minuto na ko nandito sa restourant, wala pa rin si Anne. Sinabihan ko naman siyang agahan niya dahil kailangan ko ng kausap. Ayokong laging nasa bahay, nabuburyo lang ako kay Christian. Gustong gusto niyang gawin 'yun' pero ayoko talaga. Sinubukan niya kong lasingin dati pero hindi tumalab dahil mataas naman ang tolerance ko sa alcohol kaya hindi ako gaanong nalasing at meaning, hindi niya nagawa ang plinano niya.
Nainip na ko kaya tinawagan ko na ang magaling kong kaibigan na si Anne at agad naman niyang sinagot.
"Hello Karylle?" pambungad na bati niya sa akin.
"Hoy Anne Curtis-Smith! Diba may usapan tayo? Ano? Nasaan ka na? Kailangan ko ng kausap ngayon." medyo inis kong sagot sa kanya.
"Paaataaay. Sorry na Karylle.. Mayy.. May pinuntahan pa kasi ako eh.." paghingi ng paumanhin ni Anne sa akin.
"Nakakaloka ka naman! Nag-usap na tayo eh. Sino ba yung pinuntahan mo? Si Vhong nanaman ba?" maawtoridad kong tanong.
"Hindi Gurl. May kauuwi lang kasing kaibigan NATIN." sagot ni Anne emphasizing the word NATIN.
"Ha? Sino?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Si Vice..... YOUR VICE is BACK." sagot ni Anne na parang nakapagpaurong ng dila ko. Si Vice? Nandito na siya ulit? Ewan ko kung matutuwa ako dahil nandito na siya o matatakot dahil malamang hanggang ngayon galit parin siya sa akin.
"Huy Girl? Nandyan ka pa ba?" nabalik lang ulit ako sa ulirat nang biglang magsalita si Anne."H-ha?" wala sa sarili kong sabi at nauutal pa.
"Sabi ko si Vi------------------"
*toot toot tooooot*
Hindi natapos ni Anne ang sasabihin niya nang biglang naputol ang tawag. Inend ni Anne? Pero tama naman ang rinig ko, 'Si Vice.. YOUR Vice is Back." yun ang sabi niya. Hindi ko alam kung handa ko na siyang makita ulit after 3 months alam kong nasaktan ko siya. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya kaya hindi ko siya masisisi kung galit pa rin siya sakin.
-----------
General POV
"Si Vice... YOUR Vice is Back."
Pagkasabi nun ni Anne ay hindi agad nakasagot si Karylle kaya muli nalang siyang nagsalita.
"Huy Girl? Nandyan ka pa ba?""H-ha?" nauutal na sabi ni Karylle sa kabilang linya.
"Sabi ko, si Vi-----"
Biglang kinuha ni Vice ang cellphone ni Anne at inend ang tawag. Kaya napatingin naman lahat kay Vice.
"Huyy, amina yang Cellphone ko! Magagalit talaga sa akim si Ka---"
"Sa pamamahay na to, wag na wag niyong babanggitin ang pangalang 'yan'!" medyo naiinis na pagputol ni Vice sa sasabihin ni Anne. "At higit sa lahat ang kumausap sa kanya sa cellphone lalo na't nasa loob kayo ng bahay KO!"
"Pero Brad si Kar----"
Hindi pa man natatapos ni Vhong ang sasabihin niya ay pinandilatan na siya agad ni Vice at inabot kay Anne ang cellphonr nito."Eh Brad si Ma'am lang naman yun eh! Bakit ba ayaw mo?"
"Diba, alam niyo naman kung bakit?" medyo iritableng tanong pabalik ni Vice bago umupo sa single couch at ilapag sa middle table ang mga cd's.
"Oo nga Brad, pero diba.. Ikaw na rin naman ang may sabi na WALA NA? Bakit parang affected ka pa rin?" maawtoridad na tanong ni Vhong kay Vice na parang naFreeze dahil sa tanong ng kaibigan.
Sinisigaw ng utak ko WALA NA. pero yung Puso ko... Urghh!, sagoy ng kaniyang isip dahil hindi niya alam kung anong dapat isagot.
"Manood nalang tayo." pagliko nalang niya ng topic dahil hindi pa siya handang muling pag-usapan ang kanyang dating nobya.
Si Vice na mismo ang nagsalang ng unang CD sa DVD player.
"Patayin mo ilaw Brad!" pautos na sabi ni Vhong.
"Wow ha! Makautos toh!" sarkastikong sabi ni Vice dahil hindi niya alam kung paano patayin ang ilaw.
"Hindi ko alam kung paano patayin eh." pag-amin nalang niya."Basta Brad, sabi ng Tatay mo.. Yung Do Re Mi daw tsaka Lights OFF!" pagtuturo ni Vhong.
"Ehhh alam mo naman pala eh, bakit hindi nalang ikaw ang gumawa?" pabirong sambit ni Vice.
"Kung pwede lang Brad eh, kaso sabi ng Tatay mo. Sa boses niyo lang mag-ama ang narerecognize ng mga ilaw kaya dapat ikaw ang sumigaw." pagbibigay imprmasyon pa ni Vhong.
"Ikaw pala ang nakakaalam ng lahat eh! Ikaw siguro ang tunay na anak?" pabirong sabi ni Vice.
"Dali na Brad! Para makanood na tayo." pautos na sabi muli ni Vhong.
"Ito na nga oh." pasukong sabi ni Vice at huminga ng malalim bago sumigaw. "DO RE MI FA SO LA TI DOOOO, LIGHTS OFF!". At namatay nga lahat ng ilaw at naupo na si Vice. Tanging ang ilaw na nanggagalimg nalang sa TV ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto.
Nanonood sila ngayon ng A Second Chance nang biglang may nagtext kay Anne.
From: Karylle
Anne, hindi ka ba talaga pupunta? Bakit naputol yung tawag kanina? Magtextback ka naman.
"Anne, nanonood tayo.. Hawak hawak mo pa yang cellphone mo." biglang sabi ni Vice kahit nakatuon ang atensyon at paningin sa pinanonood.
"Nagtext lang naman si Kary----"
Hindi pa man natapos ang sasabihin ni Anne ay lumingon sa kanya si Vice."Kailangan NIYA ko. Gusto NIYA ng kausap. Mauuna na muna ko." paalam ni Anne.
"ANNEdaya mong ngangabu ka! Dito ka lang!" pautos na sabi ni Vice.
"Pero, hinihintay na ko ni Ka--- NIYA, hinihintay NIYA ko eh." medyo naaawang sabi ni Anne.
"Bayaan mo siya maghintay doon, manood ka na muna.. Tapusin mo muna tong pelikula." walang emosyon sabi ni Vice at muling tinuon ang atensyon sa TV.
"Pero kauumpisa lang niyan halos eh. Baka maghintay ng matagal si Ka--- SIYA!" nagnamakaawang sabi ni Anne.
"Sabi ko, Bayaan mo siyang maghintay doon! Siguro naman kahit ngayon lang.. Kaya niyang maghintay." seryosong sabi ni Vice habang nakatingin sa TV.
Nanahimik nalang naman si Anne katabi si Vhong at tinext nalang si Karylle na baka matagalan siya.
To: Karylle
Sorry K, medyo matatagalan ako. If you want to wait me.. Pupunta naman ako. Itext mo nalang ako ha. Sorry talaga. Ieexplain ko nalang sayo kung bakit ako malalate.
"Sana sa totoong buhay, lahat ng bagay nabibigyan ng second chance noh?" biglang sabi ni Vhong habang nanonood din.
"Ang second chance, binibigay lang sa taong karapat-dapat. Hindi sa taong paulit ulit lang gagawin ang hindi nararapat." pabalik na hugot ni Vice.
"Hugot!" pabulong na sabi ng ibang kasamahan nila at kapwa medyo natawa dahil sa hugot ni Vice.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 27,2015