General POV
KINABUKASAN, panibagong araw para kay Vice.
Muntik na siyang malate dahil medyo late siyang natulog kagabi dahil sa Mystery/Instant Textmate niya. Madalian nalang siyang nagbihis at agad na pumasok sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya.
"You are late." nakakunot at nakaCross arms na sabi ni Karylle kay Vice.
"Sorry Ma'am, late po kasing tumunog yung alarm ko eh." pagdadahilan ni Vice. Ayaw niyang sabihin ang totoong dahilan dahil malamang lalo lang siyang masabon ni Karylle.
"Not acceptable Reason at all." mataray na sabi ni Karylle at bumalik na sa opisina.
"Pansin namin, lagi kang nasasabon ni Ma'am K ah." sabi ni Billy sabay tapik sa balikat ni Vice.
"Baka meron ngayon yun." pabirong sabi ni Vice.
"Araw araw? Grabe siya ohh." natatawang sabi ni Billy. "Simula nung dumating ka dito, laging mainit na ang ulo ni Ma'am K. Siguro magkakilala kayo dati noh? Tapos may nagawa kang kasalanan sa kanya?" pagpapatuloy at maawtoridad na sabi ni Billy.
Hindi naman nakasagot agad si Vice dahil halos tama lahat ng sinabi ni Billy sa kanya.
VICE's POV
"Simula nung dumating ka dito, laging mainit na ang ulo ni Ma'am K. Siguro magkakilala kayo dati noh? Tapos may nagawa kang kasalanan sa kanya?" maawtoridad na sabi ni Billy sa akin.
Hindi naman na ko sumagot dahil tama ang mga sinabi niya. Ayoko naman ishare sa kanya kasi baka magulat pa siya.
Pumunta nalang ako sa table ko. Isinaayos ang mga gamit ko sa table. Maya maya, tumunog ang cellphone ko. Si Myster Textmate nanaman. Ito ang dahilan kung bakit nalate ako kanina at nasabunan ni BruKa eh.
From: Mystery Textmate
Bakit kapag nakikita ko siya, hindi ko maiwasang mainis? Diba move-on na ko?
*reply*
MOVE-ON
Madaling sabihin,
Mahirap gawin.From: Mystery Textmate
Ikaw Kute, naranasan mo na bang magmahal kaso hindi naman nasuklian? Tapos pinaglaruan ka pa?
Nag-isip pa muna ako bago magreply kasi parang may kilala akong ganto.
*reply*
Hindi pa naman tsaka wala akong balak.
From: Mystery Textmate
Dati, gusto ko siyang mahalin.
Ngayon, gusto ko na siyang murahin at paghigantihan kaso ang hirap kapag pala magkasama pa kayo sa trabaho.Wait nga. Parang kilala ko na ito ah. Tumingin ako sa may opisina ni Karylle. Nakita kong hawak niya ang cellphone niya.
*reply*
Teka Ate, kagabi pa tayo magkatext pero hindi pa kita kilala. Anong name mo?
From: Mystery Textmate
Karylle Tatlonghari. Pero you can call me K. :))) ikaw?
Oh! Shoot! Sabi ko na eh.
Sa pagkakataong yun hindi na ko nakapagreply. Sumilip ulit ako sa opisina ni BruKa.
Napansin kong nilapag na niya ang cellphone niya sa table at tumingin nalang sa laptop.
"Uyy Vice." napatingin ako sa tumawag sakin. "Patulong naman oh."
"Sure Kaye, tungkol saan ba yan?" nakangiti kong sabi kay Kaye.
Humugot siya ng isang bangko at lumapit sa may table ko. Nilapag niya ang mga papel sa table ko.
"Wala kasi akong maisip na pwedeng idagdag dito sa gagawin kong design. Can you help me? Please." pagmamakaawa niya pang sabi.
"Oo naman." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Alam mo Vice, parang malapit ko nang maisip na naging kayo ni Ma'am K dati." napatigil ako at tumingin kay Kaye.
"Kasi look ah. Sorry kung napag-uusapan ka namin nila Billy. Napansin kasi namin nung unang araw mo palang dito kahapon, ang init na ng dugo niya sayo. Tapos kung makautos pa siya sayo parang all-around maid ka na yata."
"Bakit niya naman naisip yan? Bakla kaya ako." natatawa kong sabi.
"Well, tama pero kasi parang lang naman." sabi niya sabay peace sign. I find her cute doing that.
"Ang cute mo." nakangiti kong sabi sa kanya gamit ang medyo panlalaki kong boses.
"Uyyy, alalay sa damdamin Vice. Hahahahaha." natatawa niyang sabi.
"I crush you na." pag-amin ko sa kanya kaya medyo nahiya ako.
"Okay lang yan. Wala ka namang Chance. May Jowa na ko." natatawa parin niyang sabi.
"Aray naman." pabakla kong sabi. "Basted si Wakla."
"Hahahaha. Okay lang yan. Nandyan pa si Ma'am Karylle. Ayieeeeh." sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko.
"EHEM..."
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Happy 500reads XD emeghed. I'm so Overwhelemed XDHAHAHA. thanks guys :*** loveyouuu.)
![](https://img.wattpad.com/cover/55724868-288-k453609.jpg)