#40- Happy (?) Monthsary

804 27 3
                                    

GENERAL POV

Dumaan isang buwan ng pagiging magNobyo at nobya ni Vice at Karylle, katulad ng ibang magkasintahan katulad nila at mayroong panaka-nakang hindi pagkakaunawaan pero agad naman nila iyong naaayos. Naging masaya ang pasko nila nang magkasama sila.

"Brad, anong plano mo ngayon? Monthsary niyo ha." masusing pagtatanong ni Vhong.

"Hindi ko alam sa babaeng 'yun." tila inis na sagot ni Vice sa kaibigan.

"LQ nanaman? Napapadalas yan ah." mag pag-aalalang sambit ni Vhong.

"Ewan ko ba. Sa tingin ko, napapagod na ko.. Pagod na pagod na sa relasyon na toh." sabi ni Vice sabay gulo ng buhok.

"Eh Brad, pwede mo pa namang ayusin yan eh. Maliit na prob---"

"HINDI MALIIT YUN---"

"CUT!!!" pasigaw na sabi ni Anne.
Napatingin naman ang dalawa sa kanya.

"Ano nanaman? Ayos naman ah!" naiiritang sabi ni Vice.

"Tatayo ka nga kasi bago mo sigawan si Vhong!" instruction pa muli ni Anne habang si Karylle ay natatawa sa mga pinaggagawa ng mga kaibigan at kasintahan niya.

"Brad, tinatawanan ka ni Karylle oh!" sumbong ni Vhong kay Vice.

Agad namang lumapit si Vice kay Karylle na natatawa lang.

"Tawang tawa ka Honey ah! Anuhin kita diyan eh!" pabirong sabi ni Vice. Agad siyang nakatanggap ng hampas sa braso niya mula kay Karylle.

"Honey, Happy Monthsary. I Love you." pabulong na bati ni Vice sabay abot ng three red roses. Agad namang kinuha iyon ni Karylle.

"Thank You. Happy Monthsary rin. I Love You too." nakangiting bulong din ni Karylle.

"Huy, LoveBirds.. Dinner-Double Date tayo mamaya! Tutal Monthsary niyo naman ah!" pagputol sa moment ni Vhong.

"Hindi pwede Vhong, pupunta kami sa bahay." pagbabalita ni Karylle at halatang ikinagulat ni Vice.

"H-ha? Anong gagawin natin doon?" may pagtatakang tanong ni Vice.

"Ipakikilala na kita sa parents ko. Tutal wala naman na tayong gagawin diba?" nakangiting tanong ni Karylle.

"S-sige." may pangangambang sagot ni Vice.

"Okay? Mauuna na kami ni Vhong ha. Ingat kayo. Vice, bukas ulit ha! Gusto ko talaga magDirector eh." nakangiting sabi ni Anne.

"Sige, ingat kayo." paalam ni Karylle at umalis naman na agad ang VhongAnne.

"Honey, uwi narin siguro ako ha. Para makapag-ayos. Uhmm, diretso nalang ako sa bahay niyo." nakangiting sabi ni Vice.

"Sure ka?" tanong pa ni Karylle.

"Oo naman, gagamitin ko yung motor ko." nakangiting paninigurado ni Vice. Tumango nalang naman si Karylle.

------------

8:01PM, sa labas ng bahay ni Karylle.

Maya maya, dumating na si Vice na nakamotor at lalaking lalaki ng porma.(Suot nk Vice yung nasa may multimedia section.)
Pagkababa niya ng motor ay agad siyang nagDoorbell. Pinagbuksan naman siya ng kasambahay.

"Gud Ibneng Ser, sinu pu hanap nimu?" magalang na tanong ng kasambahay.

"Uhm, nandyan po ba si Karylle?" magalang na tanong ni Vice dahil kahit papano ay matanda ang kasambahay nila Karylle.

"Upu Ser, nasa luub pu sela.. Pasuk po kayu." pag-aya ng kasambahay at binigyan ng daan si Vice para makapasok.

"Salamat Manang." sabi ni Vice bago pumasok sa bahay.
Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa may Dining area si Vice ay rinig na rinig niya na ang usapan sa loob.

"Papa, Ayoko! Mahal ko si Vice. Hindi ako makakapayag sa gusto mo. Ayoko"

"Ana Karylle! Kailan ka pa natutong suwayin ako? Dahil ba doon sa baklang yun?"

"Hindi dahil sa kanya. Ayoko dahil ayaw ko rin naman sa lalaking yan!"

"Ana Karylle, sa ayaw mo't sa gusto.. Magpapakasal kayo. Para sa kompanya."

Tumayo si Karylle mula sa pagkakaupo at lumabas ng dining area pero napahinto siya nang makita niya si Vice na parang down na down.

"V-vice." pagtawag ni Karylle kay Vice. "Bee." pagtawag niya pa sabay lapit kay Vice.

"T-tama ba yung narinig ko?" naluluhang tanong ni Vice.

"Sino ka?" singit na tanong ng Papa ni Karylle.

"Papa, si Vice.. Boyfriend ko." pagpapakilala ni Karylle.

"Yan ba ang boyfriend mong bakla? *tingin kay Vice* anong ginagawa mo rito?" maawtoridad na tanong ni Modesto kay Vice.

"P-pinuntahan ko lang po si Karylle." pigil luhang sagot ni Vice.

Lumapit ang Papa ni Karylle kay Vice at tinignan ng seryoso.

"Vice, Right? *tumango si Vice* Gusto ko lang sabihin sayo na ikakasal na si Karylle." diretsong tumingin sa mata ni Vice para malaman niya na seryoso siya.
Hindi agad makapagsalita si Vice at pilit na pinipigilan ang mga luhang pabagsak na.

"Pa, ako na po munang kakausap kay Vice." singit ni Karylle. Agad naman niyang hinila si Vice palabas ng bahay.

"Vice, mag-usap muna tayo." naluluhang sabi ni Karylle.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?" sabi ni Vice sabay punas ng luhang pumatak na.

"Vice." umiiyak na sabi ni Karylle.

Umiiyak na rin si Vice at naghihintay sa sasabihin ni Karylle.

"I'm sorry." tangingin nasabi ni Karylle at biglang humagulgol ng iyak.

"Karylle naman. Wag mo namang gawin sakin toh." humahagulgol na sabi ni Vice.

"I'm sorry. Mahal na mahal kita pero ayokong madamay ka."

"Kung yan ang gusto mo, sige. I will set you free. Pero tandaan mo, Mahal na mahal kita pero wala ka nang babalikan pa." matapang na sabi ni Vice pero sa loob loob niya ay sobra siyang nasasaktan.

"Vice-----"

"Tama na Karylle. Tama na yung naramdaman kong minahal mo ko. Tsaka, aalis na rin pala ko sa kompanya mo." sabi ni Vice habang pinupunasan ang mga luha niyang tuloy tuloy sa pagpatak.

Hindi niya na hinintay pang magsalita si Karylle at sumakay sa motor si Vice at umalis.

Naiwan namang umiiyak si Karylle sa labas ng bahay nila.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
THE END is only just THE BEGINNING.

EVERY THING HAS CHANGED and EVERYONE CAN CHANGED.

Abangaaaaaan.

December 23,2015♡♡
#ViceRylle ♡♡♡

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon