#28- Motor lang pala.

782 31 3
                                    

VICE's POV

Parang hindi mawala ang ngiti ko sa ginawa't pinakita ni Karylle. Pero laging naaalala ko parin yung mga sinabi niya kanina sa kausap niya. "Hindi ko na Mahal si Vice" ...

Tinignan ko yung pizzang nilapag niya sa may katapat ko.

"Viceral, wala ka bang balak kainin yan?" pabulong pero natatawang sabi ni Billy sa akin.

"Parang ayoko ngang kainin eh, kanina pa nanlilisik ang mata ni Jhong sakin." pabiro kong sabi sa kanya.

"Loko ka talaga. Bahala ka sasabihin ko kay Ma'am K na ayaw mong kainin yan. Sige ka." may pagtatangkang sabi ni Billy pero pabulong parin.

"Mr. Viceral at Mr. Crawford? Anong pinagbubulungan niyo dyan? Kumain kayo nang kumain oh." napatingin kami ni Billy kay BruKa.

"H-ha? Wala Ma'am." pekeng ngiti kong sabi.

"Ma'am ayaw kuma-----"

Tinakpan ko ang bibig ni Billy para putulin ang sasabihin niya.

"Bakit ayaw mong kumain Mr. Viceral?" tanong niya sakin habang kumakain ng pizza.

"AAAAAH!" napatilig ako nang biglang kagatin ni Billy ang isa sa nga daliri kong nakatakip sa bibig niya.

"Ma'am, ayaw kumain ni Viceral. Wala daw yata siya sa mood." mabilis na pagsasalita ni Billy.

"Why? Ayaw mo ba ng pizza?" biglang tumaas ang kilay niya habang kumakain ng pizza.

"H-hindi naman sa g-ganoon Ma'am. Uhmm. Tyumetyempo lang ako. Si Billy kasi gustong kainin yung pizza ko." pagsisinungaling ko pa.

"Hindi Ma'am. AAJDJSISNXJEJXIDMDIE."

"Ang cute mo Billy. Yan Pizza ohh." sarkastiko kong sabi sabay supalpal sa kanya ng one slice ng pizza.

"Kumain ka na Mr. Viceral." pautos na sabi ni BruKa.

"Ito na nga po oh." medyo napipilitan kong sabi *^____^*

Wala na kong nagawa kung hindi ang kainin yung pizza. Masarap naman talaga eh.

----------
KARYLLE's POV

Pagkatapos namin kumain ng pizza for our merienda with my employees. Pansin kong hindi ako pinapansin ni Vice pwera nalang kung  may iuutos o ipagagawa ako sa kanya. Ramdam kong minsan naiinis siya. Ewan ko kung bakit.

------------
8:42PM na pero hindi pa ko nakakauwi. Marami pa akong gagawin na mga trabaho dito sa kompanya. Hindi pa ko makapili kung anong ipapalit na pangalan ng kompanya. Masyado na kong naaasiwa sa pangalan ng kompanya ko.

Tatlonghari Designing Corp.

3Kings Modeling and Modeling Company

Tatlonghari Company

etc etc.

Natigil ang pagpili ko sa mga pwedeng pangalan ng kompanya nang may narinig akong ingay mula sa labas. Medyo may uwang kasi ang pinto kaya narinig ko kahit papaano yung ingay. Alam ko, nakauwi na silang lahat. Tumayo ako mula sa swivel chair ko at lumabas ng opisina.

"May tao pa ba diyan?" medyo pasigaw kong sabi. "Hello?"

Walang sumasagot. Siguro guni-guni ko lang yun.

Bago pa ko makapasok muli sa opisina may narinig nanaman akong nalaglag. This time, rinig na rinig ko na. Nanggaling ang ingay sa may malapit sa vendo machine. Pumunta ako kung saan ko narinig ang ingay.

"Ano ba. Bakit ayaw lumabas?!" halos pabulong nalang niyang sabi pero naririnig ko pa rin siya.

"Baka makita pa ko ni BruKa eh. Lumabas ka na." sabi pa niya sabay sipa sipa sa vendo machine.

"Urghh, sayang bente ko ha." sabi niya parin habang sumisipa pa rin. "Baka makita na ko ni BruKa."

"Sino si BruKa?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na kung saan ako nagtatago. Halata namang gulat na gulat si Vice nang makita niya ko.

"Br--- Ma'am, ikaw pala." tila walang narinig niyang sabi.

"Why are you still here? And who's BruKa?" tanong ko sa kanya habang nakacross arms.

"Uhmm, m-may g-gagawin p-pa k-kasi ako." halatang kinakabahan niyang sabi at hindi pinansin ang pangalawa kong tanong.

"Gagawin? Gabi na ha. You better go home."

"Eh Ma'am plani ko talaga yang gawin pero... Nakalock na yata yung pinto sa baba. Hindi na ko nakalabas. N-nakatulog kasi ako nang hindi ko namamalayang nakauwi na pala lahat. Tsaka kanina balak kitang katukin kaso mukhang marami ka pang ginagawa." pag-amin niya sabay kamot sa batok.

"Oh Well, meron akong  duplicate ng pinto. Kung gusto mo, sabay na tayo." pag-aya ko sa kanya. "NagDinner ka na ba?"

"H-hindi pa nga Ma'am eh. Ayaw kasi lumabas dito sa vendo Machine nung cup noodles."

"Ganun ba? Wait, I just get my bag in my office." nakangiti kong sabi at tumalikod na sa kanya. Bumalik ako sa office at inayos muna yung mga papeles ko at yung laman ng bag ko. Pinatay ko ang mga ilaw sa loob ng opisina at tsaka lumabas.

"Vice, let's go." pag-aya ko sa kanya.

"S-sige Ma'am." sabi biya sabay tayo.

----------

Pagdating sa parking lot parang may hinahanap si Vice.

"Huy, ano bang hinahanap mo? Kanina ka pa palinga-linga?"

"Ehh, Ma'am diba.. Binigyan mo ko ng bagong kotse?"

Sabi niya sabay pakita ng picture na may kotse.

"Oops, Sorry. Ano kasi. Sorry Vice. Actually, hindi talaga kotse ang binigay ko sayo. Motorcycle lang talaga yan. Kakulay lang. Ayun oh!" sabi ko sabay turo sa isang motorsiklo.

"NaHopia ako dun Ha." sabi niya sabay naPout.

"Pero Vice, sabay ka muna sakin." aya ko sa kanya.

"Paano yung Moto-----"

Hindi ko siya pinatapos at hinila ko siya palapit sa kotse ko at pinasakay sa passenger's seat at tumabi na ko. May driver ako ngayon.

Halatang ikinabigla ni Vice ang ginawa ko.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Lalalalala XD COMMENT nemen keye dyen Guys!!! Hehehe. Gebye. December 18,2015)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon