VICE's POV
"Kay Jose Marie Viceral Sr. ang Tunay mong tatay"
Tunay na tatay? Eh, patay na si Tatay eh..
"Sandali nga, patay na ang tatay ko. Imposibleng.. Imposibleng mabuhay pa siya." medyo natatawa kong sabi pero ang seryoso ng tatlong kumag na toh.
"Sumama ka samin para malaman mo ang gusto mong malaman." seryoso niyang sabi.
At nilapitan ako ng dalawang lalaki sa magkabila kong side."Hoy, anong nangyayari dito?" napatingin ako kay.... Vhong.
"Sino kayo?" pagtatanong pa niya."Tara na. Dalhin na natin si Sir." seryoso paring utos niya sa dalawang lalaki hindi niya pinansin si Vhong. Bigla akong hinawakan sa magkabila kong braso nung dalawang lalaki.
"Hoy, bitiwan niyo ko! Nakakaloka! Wala akong ginagawang masama. Huhuhu." kunwaring umiiyak kong sabi.
"Vhong!! Hoy Ferdinand tulungan mo ko!!""Anong gagawin ko Brad? Kalahati lang yata ako ng mga yan eh! Ingat ka nalang Brad ha!"
"Kalimutan mo nang magkaibigan tayo! Loko ka! Huhuhu."
Hinila ako nung mga lalaki palabas ng palengke, pinatitinginan na ko ng ibang tao. Wala man lang tumulong sakin. -,-
Pinasok nila ko sa kotse na kulay itim. Nakapagitna ako sa dalawang lalaki habang yung isa katabi ng Driver's seat.
---------------
Huminto ang kotse sa isang malaking bahay? Bahay pa ba to? Sobrang laki. Mansyon na to eh. Sa panaginip lang ako nakakakita nito eh.
Hinila nanaman ako nung dalawang lalaki. Papasok kami sa bahay daw pero mansyon na sakin.
Nakita kong may nakaupo sa may sofa pero hindi ko makita yung mukha niya kasi nakatalikod siya mula sa akin.
"Boss Madam, nandito na po ang anak mo." nairinig kong sabi nung isang lalaki.
Tumayo yung nakaupo sa sofa at humarap samin, kung titignan mo yung physical appearance niya.. Bakla siya?
Lumapit siya sakin."Ikaw ba si Jose Marie Viceral Jr.?" tanong niya sakin.
"Opo, pero hin-----"
Hindi ko natapos ang pag-aaral ko dahil bigla niya kong yinakap at binitawan naman ako nung dalawang lalaking nakahawak sa magkabila kong braso.
"Junakis ko!" medyo pabaklang sabi niya. Junakis? Ako?
"T-teka lang ho." sabi ko sa kanya at tinanggal ang pagkakayakap niya sakin. "Baka nagkakamali ho kayo, patay na daw ang Tatay ko sabi ni Nanay."
Bago siya magsalita may kinuha siya sa may table. Isang brown envelope. Lumapit muli siya sakin at inabot ang brown envelope. Kinuha ko naman yun agad at binuksan. Kinuha ko yung nakalagay doon... Isang picture? Picture ni Nanay to tsaka ng isang bakla?
"Kaming dalawa yan ng Nanay mo." bigla niyang sabi at napatingin ako sa kanya.
Hinawakan niya ko sa braso at hinila papunta sa sofa."Sit down." sabi niya sakin at umupo sa kaharap sa sofa. Umupo nalang din ako hawak parin yung envelope tsaka yung picture.
"Alam ko marami kang tanong, pero uunahan na kita." nakatingin lang ako sa kanya. "Yang nasa picture, yan ang kauna-unahang picture namin ng nanay mo. Siya ang kauna-unahang babaeng minahal ko. Baklang bakla ako dati bago siya dumating sa buhay ko. Ewan ko ba, ni hindi ko naisip na jojowa ako ng merlat. Converter lang talaga yang babaeng yan.. Ang nanay mo." natatawa niyang baliktanaw.
"Bakit kayo naghiwalay ni Nanay? Bakit sinabi niya sa akin na patay ka na?" pagtatanong ko sa kanya.
"Naghiwalay kami dahil sa kasalanan at pagkakamali ko. NagBar kami ng mga kaibigan ko noon, sobrang nalasing kami. Syempre, maraming lalaki. Sa sobrang kalasingan ko, hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Ang natatandaan ko nalang, may lumapit saking lalaki at sinayaw ako. Eh syempre may baklang side parin ako kahit kami pa ng nanay mo. Iniwan niya ko ng hindi ko alam kung saan siya pumunta. Hindi ko nga rin alam na buntis siya. Nalaman ko lang sa mga kaibigan niya. Noong nalaman kong buntis siya, walang mapaglagyan ang saya ko. Hinanap ko siya pero nilayo na daw siya ng mga magulang niya." medyo malungkot niyang pagkukwento. "Pero nagsikap akong mag-aral bago ako yumaman. Nung naabot ko na ang pangarap ko, hinanap ko kayo pero nabalitaan kong patay na ang nanay mo. Nakakatuwa lang dahil sinunod niya ang pangalan mo sa pangalan ko."
Napangiti nalang ako sa mga sinabi niya. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at lumapit sakin at lumuhod sa harap ko.
"Patawarin ko, Anak ha. Hindi ko kayo naalagaan ng nanay mo nung nabubuhay pa siya. Hindi kita naalagaan. Hindi kita nakita nung bago at pagkasilang sayo ng Nanay mo. Pero kahit ganoon, mahal na mahal kita,Anak." paghingi niya ng tawad at hinawakan ang kamay ko.
"Okay lang ho." nakangiti kong sabi sa kanya. Ngayon, parang nawala ang kaninang nagtatakang ako dahil napalitan ng kasiyahan dahil sa kaharap ko ang tatay ko.
"Pwede ba kitang mayakap?" tanong niya sakin. Nginitian ko siya at ako na mismo ang yumakap sa kanya. Yinakap niya ko pabalik.
"May makakasama na ko magShopping!" natatawa niyang sabi. "Tama nga ang Nanay mo. Kung sakaling magkakaanak kami ng lalaki, malamang bakla."
"May pinagmanahan lang." natatawa kong biro sa kanya.
Ngayong kasama ko ang tunay kong tatay, parang nawala yung ibang problema ko. Sa ngayon, puro saya lang muna. Ayoko kasing malaman ng Tatay ko ang mga nangyari sakin bago ko pa siya makilala.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Happy 2K+ Reads. Thank you guys. :* December 24,2015.)