#53- 1st Day in SUBIC!

782 21 2
                                    

GENERAL POV

Kinabukasan, maagang nagising ang mga kasapi ng VEC dahil ngayong araw nila kauusapin ang taong magpapaorganize ng kasal sa kanila.

"Good Morning, I think you are Mr. Ta-mad?" bati ni Vice sa isang matankad at hindi gaanong katangkarang lalaki na kung titignan ay isang bakla dahil sa light make-up nito.

"Yes It's me Mr. Viceral, right?" nakangiting sabi ni Mr. Ta-mad.
"Take a seat." dagdag pa nitong sabi.

Agad namang umupo si Vice at Karylle na siyang magsusulat ng mga impormasyon para sa gaganaping kasal ni Mr. Ta-mad.

"Mr. Ta-mad, if you don't mind.. C-can I ask something?" may paggalang na sabi ni Karylle at tumango naman si Mr. Ta-mad at ngumiti pa sa kanya.

"A-are you a gay? N-no offend." puno nang paggalang paring sabi ni Karylle kaya agad siyang tinignan ni Vice na parang sinasabing 'Stop'.

"Hahahaha, obvious ba masyado Teh? Yes, I'm Gay. Isang baklang magpapakasal sa isang babae." natatawang sagot ni Mr. Ta-mad na ikinabigla ng dalawa.
"Let me tell you this, yes mga ateng.. Bakla ako pero sino ba namang makapagsasabi na magpapakasal ako sa babae? Impakta kasi yung Merlat na yun ehh. NaConvert ako kaya ayan.. Masyadong na-inlababo itong si Wakla kaya ito.. We're getting married!" halatang masayang sabi ni Mr. Ta-mad.

"W-wow Mr. Ta-mad, Advance Congrats sa inyo ha." nakangiting sabi ni Karylle.

"A-ahh, Mr. Ta-mad, c-can we talk about about your wedding?" pag-iiba ng topic ni Vice dahil medyo na-awkwardan siya sa usapan.

"Sure, napag-usapan namin ng jowa ko na ang gusto naming motif ay color pink. We both do love that color and yung flowers, red roses. Ang so obvious na we've plan a beach wedding here in Subic." nakangiting sabi ni Mr. Ta-mad at isinusulat naman ni Karylle ang mga sinasabi ng kliyente nila.
"Kung magkano man ang magagastos, no worries. Basta ang gusto namin ng future wife ko, maikasal kami.." nakangiti pang dagdag ni Mr. Ta-mad at tumango pa si Vice slowly.

"S-sige Mr. Ta-mad, aayusin na po namin ang.. Ang lahat para sa kasal niyo." nakangiting sabi ni Vice. Nilahad naman ni Mr. Ta-mad ang kamay niya, asking for a shake hands na agad namang tinanggap ni Vice. Pagkakalas sa shake hands ay nagpaalam na si Mr. Ta-mad.

Dinner Time...

Kasalukuyang nasa isang kainan ang lahat. Habang kumakain ay siyempre hindi maiwasang magkwentuhan sa mga naganap sa unang araw nila sa Subic.

"Grabe.. Ang lakas talaga magConvert ng mga babae noh?" biglang sabi ni Billy.

"Oo nga Kuys eh.. May naalala tuloy akong ganun dati.. Yung may isang girl na naconvert ang isang bakla." nakangising sabi ni Vhong at sinalitan ng tingin si Vice at Karylle. Hindi nalang nagpapaapekto ang dalawa. Maya maya, dumating ang isang waiter dala ang PIZZA na inorder nila.

"Uy, PIZZA. May naalala ba kayo Vice at Karylle?" may halong pang-aasar na sabi ni Anne. Tinignan naman siya ng masama ni Vice.

"Hoy, anong meron ng Pizza? Hindi mo yata nakwento sakin ang tungkol dun Brad?" natatawang sabi ni Vhong.

"Ganto kasi yun Vhongskiee.. Nung time na yun, tampo-tampuhan si Vice kay Karylle at that time nagpaorder si Karylle ng Pizza para sa lahat ng empleyado. Hindi kumukuha si Vice at nung nalaman ni Karylle yun, nagulat kaming lahat nung kumuha siya ng platito at nilagyan ng isang slice ng pizza at inabot kay Vice...." tila kilig na kilig na pag-aalala ni Anne.

"Pabebe pa nga si Viceral nun eh!" natatawang sabi ni Billy.

"Tapos na ba kayong kumain? Ako kasi tapos na. Labas muna ko." seryosong sabi ni Vice at pinunasan muna ang bibig bago tumayo at lumabas ng kainan.
Nagkatinginan naman ang mga naiwan sa loob.

"Ayern, nagalit si Wakla." sabi ni Anne bago sumubo ng kutsarang may kanin at ulam.

"Patay nanaman tayo nito." kamot ulong sabi ni Billy.

"Kayo kasi eh." umiiling na sabi ni Kaye.

"Karylle, sundan mo kaya si Vice." sabi ni Vhong kay Karylle.

"Mamaya na, pagkatapos kong kumain." pilit ngiting sabi ni Karylle.

-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-

Naglalakad lakad naman si Vice sa gilid ng beach at nagpapahangin habang nagmumuni muni.

'Bakit ba kasi kailangan pang balikan ang mga bagay na nagdaan at tapos na? Nakakainis naman eh! Urghh!!!' bulong sa sarili ni Vice.

"Excuse me?" biglang may nagsalita na ikinagulat naman ni Vice. "Sabi na ikaw yan eh!"

"J-josh?" nagtatakang sabi ni Vice.

"Ako nga! Tanda mo pa pala ako. Kamusta ka na?" nakangiting tanong ni Josh. "Upo tayo." aya niya sabay upo sa buhangin na hindi kayang abutin ng alon ng dagat. Umupo naman sa tabi niya si Vice.

"Okay lang naman, ikaw?" medyo naiilang na sabi ni Vice pero hindi nalang niya ipinapahalata.

"Okay na okay, ikakasal na ko next month." masayang sabi ni Josh.

"Wow naman. Who's the lucky girl?" nakangiting tanong ni Vice na nawala-wala na ang pagkailang sa kausap.

"Pinky.. her name is Pinky." nakangiting sabi ni Josh.

"Nice name ha." nakangiting sabi ni Vice.

"Yes.. Uy, nga pala.. Gusto kitang i-invite ha.. Kunin ko nalang number mo." sabi ni Josh at kinuha ang cellphone niya at inabot kay Vice na kinuha agad at tinype ang number niya. Agad naman niyang binalik ito matapos masave ang number niya.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ni Josh.

"May ioorganize kasi kaming kasal dito sa Subic. Ikaw?" sagot ni Vice sabay tanong pabalik kay Josh.

"Nag-aya kasi si Pinky eh." nakangiting sagot ni Josh.

"Ahh." sabi ni Vice sabay tango.

Sa kabilang banda, pagkatapos kumain ni Karylle ay hinanap niya kung nasaan si Vice. Hanggang sa nakita niya itong nakaupo sa buhanginan at may kasamang lalaki. Medyo kumirot ang bandang dibdib niya sa nakikita niya na sobrang dikit na dikit si Vice at ang lalaking (Josh) kasama nito. Kaysa lalong masaktan ay bumalik nalang siya kung saan sila nanunuluyan ngayon.

"Oh Karylle, nasaan si Vice?" pambungad na tanong ni Vhong.

"Busy yata. S-sige, akyat na ko. Inaantok na rin kasi ako eh." pigil luhang sabi ni Karylle at dire-diretsong umakyat at pumasok sa room nila.

"Anyare dun?" tanong ni Vhong sa mga kasama.

"Ewan." tanging sagot nalang ng iba dahil hindi naman talaga nila alam kung ano talagang nangyari.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 30,2015
A/N: Hi Readers!!!! Kung gusto niyo ng FANTASY story pero VICERYLLE... Please read 'PRINCESS and the WHITE HORSE' kung gusto niyo lang naman. ^___^ pero mas updates muna ko dito! gebye ♡♡

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon