#62- air-PORT Fifth sixth

893 32 3
                                    

GENERAL POV

Nang malaman ni Vice na aalis si Karylle ay dali-dali silang pumunta sa airport..

"MANONG! DALIAN NIYO PLEASE!" halatang nagmamadaling sabi ni Vice sa driver nila.

"Anak, kumalma ka muna." pag-aalo ng Tatay niya.

"Hindi Tay ehh! KASALANAN KO TO LAHAT!" galit sa sariling sagot ni Vice sa Ama.
"UTANG NA INSIDE KUYA, PAKIBILISAN.."

"Sir Ma'am, t-traffic po eh." tila natatakot na sabi ni Driver.

"F*CK! KUNG KAILANGAN NIYO HONG PALIPARIN ANG SASAKYAN NA TO, GAWIN NIYO NA HO! KAILANGANG KAILANGAN KONG MAABUTAN ANG MAG-INA KO!" pasigaw na sabi ni Vice.

"Kuya... Pwede na nating takbuhin toh, ayan na yun airport oh." biglang sabi ni Christian at tinuro ang airport. Malapit na nga sila at pwede na nilang lakarin or takbuhin. Hindi na nagsayang ng oras si Vice. Agad na siyang lumabas ng kotse at sinundan siya ng ni Christian at ng Ama niya. Tumakbo na si Vice patungong airport. Papasok na sana siya ngunit hinarang sila ng gwardiya.

"Sir, passport niyo po?" maawtoridad na sabi ng gwardiya.

"Tang*ina.. Kuya Guard, wala akong passport ehh. Sige na Kuya Guard, papasukin mo na ko! Parang awa mo na!!!! Yung Gilfriend ko nasa loob ehhhhh! Bubunutin ko ang natitirang itim mong buhok kapag di ko sila naabutaaaann!!!!" nagmamakaawang sabi ni Vice.

"S-sir, hindi po talaga pwede eh.. Ako po ang mapapagalitan.." seryosong sabi ng gwardiya.

"Kuya, sige na ohh.. Payagan mo na kaming pumasok.." pagmamakaawa rin ni Christian.

"Manong Guard..." singit ng Tatay ni Vice at inakbayan ang guard at nilihis ang tingin nito. "Tingnan mo yun ohh, ang ganda ng mga ulap." sabi ng Tatay ni Vice at tinuro ang kalangitan. Nagbigay naman siya ng senyas kay Vice at Christian na Pumasok na habang inaaliw niya ang gwardiya. Agad namang sumunod ang dalawa at pumasok na sa loob ng airport.

"Miss, saan ang waiting area ng flight papuntang Canada?" tanong ni Vice sa isang meztidang babae.

"Ayy Sir... Nakaalis na po.." tila nadisappoint na sabi ng babae. Biglang nanlumo si Vice sa narinig.

"H-hindi.. Hindi p-pwede." umiiling na sabi ni Vice at may namumuong luha sa mata niya. Tumakbo siya papuntang papasok kung saan lumilipad ang mga eroplano. (Sorry, di ko alam tawag dun eh. Hehe.)

"SIR, Hanggang dyan nalang po kayo.. Nakaalis na po yung eroplano." pag-awat ng gwardyang nagbabantay doon.

"HINDIIIIIIII!!!!!!!!! KAILANGAN KONG PUNTAHAN SI KARYLLE!!!!!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Vice at nagpupumilit na pumasok sa loob.

"Hindi na nga pwede Sir, dahil nakaalis na yung eroplano.." pag-awat parin ng nagbabantay.

"Kuya Vice, tara na." aya ni Christian dahil napansin niyang nasa kanila na halos ang atensyon ng mga tao sa paligid nila.

"AYOKO!! HANGGA'T HINDI KO NAKIKITA SI KARYLLE!!" pagmamatigas pang sabi ni Vice.

"Kuya Vice. Tara na ka------"

"HINDI! KARYLLE!!!!!! I'M SORRY!!!" umiiyak nang sigaw ni Vice na akala niya ay kaharap niya lang ang tinatawag.

"KARYLLLEE!!!!!!!! MAHAL NA MAHAL KITA!!!! KARYLLE!!!!" pasigaw na sabi ni Vice.

"Sir, gumagawa na ho kayo ng eskandalo dito sa airport." pag-awat ng gwardiya.

"HINDI AKO AALIS DITO HANGGAT DI KO NAKIKITA SI KARYLLE!" umiiling iling na sabi ni Vice.

Maraming kumukuha ng Video na ginagawang pagsigaw ni Vice. Malamang sa malamang ay trending na siya Worldwide. (charot.)

"KARYYLLLLLLEEEEEEEE!!!" pasigaw na pagtawag ni Vice.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Vice?"

Napatingin ang lahat maging si Vice at Christian..

"K-karylle.." tila nabuhayang sabi ni Vice na mugto na ang mata.
Lumapit siya kay Karylle at yinakap ito nang mahigpit.

"V-vice.. Na-nasasakal a-ako." nahihirapang sabi ni Karylle kaya napakalas si Vice sa yakap.

"Sorry." paghingi pa niya ng  tawad.

"Bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ni Karylle.

"Para sa'yo at sa magiging baby natin." payak na sagot ni Vice at muling tumulo ang luha niya.
"Karylle, I'm sorryy.. I'm sorryy. H-hindi ko sinasadyang sabihin yun.. M-mahal na mahal kita."

Napunta ang atensyon ng mga tao sa nangyayari ngayon sa pagitan ni Vice at Karylle.

"P-pero aalis na ko." umiiling na sabi ni Karylle.

"Kaya nga ako nandito para pigilan ka... A-akala ko n-nakaalis ka na nang tuluyan.. K-karylle, hindi ko kayang wala ka sa buhay ko.. I'm sorry.." umiiyak na sabi ni Vice.

Pinunasan naman ni Karylle ang mga luha ni Vice gamit ang kanyang hinalalaki.
Natutuwa naman ang Mama at kapatid ni Karylle sa nakikita. Ganoon din naman si Christian.

"V-vice.. Pinapatawad na kita.. Diba sabi nga nila.. Kung mahal mo ang isang tao, matuto silang patawarin.. Gaano man kalaki ang kasalanan nila sa'yo." naiiyak nang sabi ni Karylle. "Mahal na mahal kita, Vice."

Dinikit ni Vice ang noo niya sa noo ni Karylle at hinawakan sa chin para maabot ang labi ng kanyang mahal. Maraming nakasaksi sa paghalik ni Vice kay Karylle na halatang punong puno ng pagmamahal at sinseridad.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxX
January 2,2016
A/N: Super duper short update. I'm really sorry kung maikli lagi ang UD ko. :((((( I want to make it longer pero mahirap magtype sa CP ko eh.. NagHahang kasi minsan. :((( I Love You all. :**♡♡

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon