#4- Welcome New Karylle

900 37 1
                                    

After Two Years...

Vice's POV

Dalawang taon na pala.

Ang bilis ng panahon..

Dati nasa palengke lang ako.








Ngayon nasa palengke parin. Ang saya. -,-

"Koya, koya, esah nga netoh." napabalik ako sa wisyo nang may tumawag yata sakin.. May bibili pala..

"Ayy, Kaloka ka Kuya. Ang jupal jupal na nga ng muk-ap ko.. Koya pa ang tawag mo sakin? Pwede namang Ate." pabakla at pabiro kong sabi.

"ayy, sori Ko-- Ate.. Ang pugii mo kase eh.." sabi nung namimiling babaeng kulot ang buhok.. May naalala tuloy ako bigla.

"Hayy nakerrr, atiing kulot. Hahaha.. Ano ba sayo?" parang gumaan ang loob ko kay Ate. Ewan ko kung bakit.

"Ah! Eto Ate." sabi niya sabay turo sa kasim ng baboy.

"Mga esang kelo, Ate."

Pagkasabi niya nun, kinuha ko yung isang kasim ng baboy tsaka kinilo nang isang kilo.

Hinati ko yung sobra at binalot sa plastic bag.

"Eto na Ate Kulot oh." sabay abot sa kanya nung binili niya.

"Salamat Ate." nakangiti niyang sabi sabay abot nang saktong bayad.

"Sakin ka na lagi Bibili ha.... Ano name mo Atiii?" usyoso ko pa.. Bakittt. Masama ba magtanong ng pangalan.

"Ou naman, Ate. Kylene po pala. Pero pwede na pong tawag niyo sakin, Kyle." magiliw niyang sabi.

"Ahh okay, Kyle." nakangiti kong sabi.

"Ayy, sige na po.. Baka hinahanap na ko ni Mama. Bye poo." paalam niya bago tuluyang umalis.

Kulot ang buhok tapos 'K' pa ang umpisa ng pangalan.

Sinasadya yata ako ng tadhana ah!

------

Dahil wala naman ako gaanong mamimili ngayon, maaga akong uuwi.

Naglalakad lakad ako nang may makita akong...magazine.

(A/N: iPlay niyo yung nasa multimedia section.. Gebye.)

Hindi lang basta ordinaryong magasin ito.

Agad ko itong kinuha at tinignan nang mabuti.

Hindi ako nagkakamali. Siya nga ito.

Hindi naman madaling kalimutan yung taong minahal ka nang totoo, tapos paglalaruan mo lang.

Hindi madaling kalimutan siya dahil hanggang ngayon.... Nakokonsensya parin ako. Binalak ko talagang kausapin siya noon kaso.... Nakaalis na daw siya.

***short flashback***

"H-hello po? Nandyan po ba ko Ka-----" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may dumapong palad sa mukha ko.

"Wala na dito ang anak ko! Kaaalis nga lang niya papuntang America! Tsaka bakit mo pa ba suya hinahanap eh hindi ba sinaktan mo naman yung Anak ko? Hijo, ako kailanman hindi ko siya sinaktan yung anak kong yun, pero ikaw? Sandali ka palang niya nakilala, sinaktan mo na siya? Sorry pero, Ang kapal ng mukha mo." madiing sabi ng Mama yata ni Karylle.

"Better go na Kuya Vice." mahinahong sabi ng kapatid ni Karylle.

Wala na kong nagawa kung hindi umalis nalang at umuwi.

***end of flashback***

Hawak hawak ko parin yung magasin na nasa cover ay si Karylle.

Parang gusto ko itong bilhin, pero yung pera ko sapat lang para pambayad ng renta sa apartment ko.. Oo, nangungupahan nalang ako. Yun kasing bahay na naiwan sakin nila Nanay, hindi ko alam.. Nakasangla pala. Kaya ayun, naremata!

Ibinalik ko nalang yung magasin sa kung saan ko iyon nakita..

----------------------------------------
Karylle's POV

After two years? I'm backkk!

Maraming nangyari sa loob ng dalawang taong wala ako rito sa Pilipinas, namiss ko ang pamilya ko.

"ATEEEEEE!" sigaw ni Zia.

Boses palang alam na alam ko na. Humarap ako kung saan ko nanggaling yung boses.

Lumawak ang ngiti ko nang makita ko sila Mama na papalapit sakin.

Agad kaming nagGroup Hug.
I miss them so much.

"Ateee, we miss youuuu!!!" pasigaw at magiliw na sabi ni Zia.

"I miss you too so much." nakangiti kong sabi.

"Uwi na tayo Anak, para makapagpahinga ka pa." may pag-aalalsng sabi ni Mama.

Nginitian ko naman siya.

Kinuha ko na yung mga maleta ko at lumabas na ng airport.

Sumakay kami sa kotse.

Sa loob ng dalawang taon, guminhawa na ang buhay namin dahil sa pagmomodel ko.

May bago na kaming bahay, yung mas malaki kesa sa dati. Mga kotse.. Mga bagay na gustong gustong bilhin ng mga kapatid ko, nabibili ko nang lahat para sa kanila.

Ngayon, may pagmamalaki na ko. Sikat na ako..

Siguro nakita na niya yung isa sa mga magazine na ako ang cover. Sana lalo pa siyang makonsensya. Pero sa Dalawang taon na yun, hindi ko maipagkakaila na... na-Miss ko siya... Na-Miss ko si Vice.....

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
To be continued...

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon