GENERAL POV
"Yes.. Yes!! Vice, I will marry you!"
Napatingala si Vice kay Karylle at unti-unting naiiyak dahil hindi maniwala sa narinig.
"T-ta-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Vice kay Karylle.
"Oo.. Vice, I-WILL-MARRY-YOU." sagot ni Karylle at naTeary eyed na. "Isuot mo na sakin yung singsing."
Dahil sa tuwa ay hindi agad nasuot ni Vice ang singsing kay Karylle. Nasuot niya lang iyon nang pahintulutan siya ni Karylle. Pagkatayo niya mula sa pagkakaluhod ay agad niyang yinakap si Karylle. Ang mga tao sa paligid nila ay kapwa nagpalakpakan at kinikilig."Thank You!!!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Vice. "We're Getting Married!!!!!!!" nagagalak na sigaw ni Vice sa mga kaibigan at kamag-anak.
Pagkakalas ni Vice sa yakap ay tinignan niya si Karylle na parang nakalutang sa alapaap dahil sa kaganapan.
"Thank You.. I love you very much!" punong puno ng galak na sabi ni Vice kay Karylle.
"I hate you.... Naiinis kaya ako sa'yo.. Hindi mo ko pinansin ng halos isang linggo. Namiss ka namin ng anak mo." tila nagtatampong sabi ni Karylle sabay pout.
"Sorry na ha.. I Love You.." malambing na sabi ni Vice.
"I Love You too.." pagsagot naman ni Karylle.
Unti-unting linapit ni Vice ang mukha niya sa mukha ni Karylle. Ginawaran ni Vice ng masuyong halik si Karylle - punong puno ng pagmamahal at sinseridad.
Agad nang kumalas si Vice at nginitian si Karylle. Nagyakap nalang silang dalawa na kapwa sobrang saya."We're getting married!" pabulong na sabi ni Vice na nakaharap sa mga kaibigan.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
Naghahanda na si Vice at Karylle para sa nalalapit nilang kasal. Naging busy sila sa pagsusukat ng wedding gown ni Karylle at suit para kay Vice. Yung mga susuotin ng mga bisita. Bago pa man ang araw ng kasal ay nagkaroon ng 'Bridal Shower' si Karylle at 'Stag Party' naman kay Vice.
"Mr. Viceral ha! No Girls Allowed! Lagot ka talaga sakin kapag nalaman kong may babae doon!" maawtoridad na sabi ni Karylle habang inaayos ang neck tie ni Vice na napahigpit pa.
"O-opo.. K-karylle, y-yung n-necktie.. Na-na-napahigpit." nahihirapang sabi ni Vice.
"Oops.. Sorry. Sorry.. Pinapaalalahan lang kita.. Kung gusto mong... Ituloy ang kasal natin." nakangising sabi ni Karylle.
"Opo Kumander!" sabi ni Vice sabay salute pa.
"Good! Go na! Hinihintay ka na nila Vhong." malaKumander na sabi ni Karylle.
"Mag-ingat din kayo ha!" paalam ni Vice. "Mamahalin pa kita at magpapakasal pa tayo. I love you." bulong ni Vice sabay smack kay Karylle.
"BYEEE!!" patakbong sinabi ni Vice. Napailing naman si Karylle.
-------
"Ayan na ang groom.. Sa wakas!" rinig ni Vice na sabi ni Vhong kay Billy.
"Tara na!" aya ni Vice sa dalawa na napatango bago pumasok sa kotse.
"Siguraduhin niyo lang na walang babae doon ha!" pagsisigurado ni Vice sa dalawa na hindi sumagot dahil may ginawa nanaman silang 'Trip' kay Vice.
Pagkarating sa lugar kung saan gaganapin ang 'Stag Party'. Pagpasok palang ay rinig na rinig na ang napakalas na music na nakakasira ng eardrums.
"ANO BA TOH? BAKIT ANG DAMING LALAKING HINDI NAMAN NATIN KILALA?! JUSKO! KAYONG DALAWA!" pasigaw na sabi ni Vice kay Vhong at Billy para marinig siya nito.