GENERAL POV
Sumapit ang araw ng kasal ni Karylle at Christian Ismo. Naghahanda na ang lahat para dito. Marami ang masaya sa pag-iisang dibdib ng dalaea ngunit meron paring tutol kahit ang mismong bride na si Karylle.
"Anak, tahan na.. Maghuhulas ang make-up mo.. Tahan na." pag-aalo ng Mama ni Karylle sa kanya dahil kanina pa siya umiiyak dahil nga ayaw niyang magpakasal.
"Ate, tahan na. Malapit na ang oras ng kasal mo oh." pagpapatahan din ng kapatid niyang si Zia.
"Ayoko magpakasal.. Ma, si Vice ang mahal ko." umiiyak na sabi ni Karylle.
"Anak, napaliwanag ko na sa'yo yan diba." pag-aalo paring sambit ng Mama niya.
May biglang tumawag sa Mama ni Karylle na agad naman nitong sinagot.
"Zsazsa, nasaan na kayo? Magsisimula na ang kasal!"
"Papunta na kami.. Inaayusan pa si Karylle."
"Inaayusan? Kanina pa yan inaayusahan ha! Sabihin mo, nag-iinarte lang yan. Dalian niyo na at nakakahiya sa mga bisita."
"Sige."
Huling sabi ng Mama ni Karylle bago iEnd ang tawag."Anak, tara na." pag-aya ni Zsazsa sa anak na si Karylle.
Pinunasan muna ni Karylle ang tuloy tuloy na pag-agos ng luha niya bago tumayo at ayusin ang wedding gown niya.
--------------
"Manong pwede patabi muna?" sabi ni Karylle sa driver.
"Saan ka pupunta, 'Nak? Anong oras na. Mahuhuli na tayo sa kasal mo." paalala ng Mama niya sa kaniya.
"May dadaan po muna ko." pilit na nakangiting sabi ni Karylle.
"S-sige, dalian mo lang ha." paalala ng Mama niya at tumango nalang siya. Pinagbuksan naman siya ng driver.
Nasa tapat lang naman sila ng dating apartment na tinitirhan ni Vice.
"Nakuu Karylle, nahuli ka na ng dating.. Wala na dito si Vice nung makalawa pa yata. Nagulat nga ko nung sinabi niyang aalis na siya dito sa apartment ko at inabutan pa 'ko ng pera." medyo nanghihinayang na sabi ni Ate Edna na nagmamay-ari ng apartment.
"Ganun po ba Ate Edna. S-sige po. Mauna na rin po ako." malungkot na sabi ni Karylle pero ngumiti parin.
Matapos niyang makipag-usap kay Ate Edna ay lumabas na rin siya ng apartment at bumalik sa loob ng kotse na malamya, sinawalang bahala nalang muna iyon ng ina at mga kapatid niya dahil malalate na sila sa nakatakdang oras ng kasal.
Sa Kabilang Banda.
"Tay, pwede bang dumaan muna tayo sa simbahan?" paalam ni Vice sa kanyang ama. Kasalukuyan silang nakasakay sa kotse papuntang airport para makapagbonding.
"Anong gagawin mo sa simbahan 'Nak?" may pagtatakang tanong ng kanyang Ama.
"Ngayon po yung kasal ni Karylle." simpleng sabi ni Vice pero halatang malungkot ang tono ng pananalita niya.
"Ahh. Sige. Pero sure ka bang gusto mong makita na ikasal ang taong mahal mo?" seryosong tanong muli ng Tatay niya.
"Hindi po pero gusto ko lang siyang makita sa huling pagkakataon." matapang at malungkot na sagot ni Vice.
Tumango nalang naman ang tatay niya."Manong sa may simbahan ng *****." pautos na sabi ng tatay niya sa Driver.
Sumunod naman ang driver at nagdrive patungong simbahan.
Sakto ang dating ni Vice sa simbahan dahil naglalakad na sa aisle si Karylle na angat na angat ang kagandahan.(Yung suot niyang wedding gown yung wedding gown niya nung kinasal sila ni Yael. Btw, patugtugin niyo po yung nasa multimedia.^_^)
Nasa labas lang ng simbahan si Vice habang pinapanuod si Karylle na naglalakad at umiiyak... Hindi dahil sa tuwa kundi sa lungkot.
Ngayon ay monthsary nila, 2nd monthsary na sana pero nangyari nga ang hindi nila inaasahan. Kinuha namang wedding singer si Josh Santana na kumakanta ng revive song niya na "Mahal naman kita".
Hindi mapigilang maluha ni Vice dahil ang kantang yun ang kinanta niya para kay Karylle para mapasagot niya ito. May halong inis dahil ito pa ang ginawa nilang wedding song.'Aalis na ko, pero sa pag-alis ko.. Iiwan ko na ang lahat ng sakit na naramdaman ko nung minahal kita, Karylle. Sa pagbalik ko dito, okay na ulit ako. Magsisimula ng bagong buhay kasama ang Tatay ko. Magsisimula ng bagong buhay na wala ka sa buhay ko. Sana maging masaya ka sa desisyon na ginawa mo, sana maging okay ka na wala ako sa buhay mo dahil sa pag-alis ko.. Kakalimutan ko na lahat pati ikaw. Pero sana tandaan mo ang sinabi ko nung huli tayong nagkita. MAHAL NA MAHAL KITA."
Pinunasan ni Vice ang mga luha niya bago bumalik kung saan nakapark ang kotse ng Ama at pumasok na rito.
"Tara na 'Tay." sabi ni Vice na sumisinghot singhot pa dahil sa pagkakaiyak.
Yinakap naman siya ng kanyang Ama dahil sa nakikitang malungkot ang Anak at hinagod ang likod. Naiyak muli si Vice dahil sa ginawang pagcocomfort ng kanyang Ama.
"Tahan na Anak, nandito lang ako para sayo ha. Nandito ko para maramdaman mong may nagmamahal sayo." pag-aalo ng Ama ni Vice sa kanya. Kumalas na si Vice sa yakap at pinunasan ang mga luha niya at huminga ng malalim.
"Tara na 'Tay, diba dapat masaya lang? Magbabakasyon pa tayo oh. Eggzoited na si wakla." pabaklang sabi niya sa Ama niya at ngumiti kahit pilit at peke.
"Tara na Manong, sa airport." utos ng Ama ni Vice sa driver.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: MERRY CHRISTMAS!!!! Sorry isang beses lang nagUD! Busy si Author eh. Hehehe. Loveyouuuu reader especially VICERYLLE BABIES! CONGRATS DIN KAY DADDY VICE! GRABE! FIRST DAY NG BEAUTY AND THE BESTIE NAKA 7.5MILLION AGAD! CLAP CLAP CLAP CHAMPION!!!!!!!! December 25,2015.)