GENERAL POV
Pagkatapos ayusin ang kani-kanilang gamit ay pumunta na silang lahat sa kanilang sasakyan. Ang katabi na ng driver ay si Liz dahil nagpaiwan pa si Billy sa Subic kasama si Coleen dahil ginagawa pa nito ang trabaho niya bilang photographer. Nasa pangalawang linya naman ng upuan ng sasakyan si Vhong at Anne. At sa huli ay si Christian, Karylle at Vice. Si Christian mismo ang nagsabi na gusto niyang katabi si Vice pero nakapagitna si Karylle. #MedyoAwkward.
"Kuya Vice, tumabi na nalang samin ng asawa ko. Bayaan mo nalang magmoment si Vhong at Anne dyan." pabirong sabi ni Chris.
"Ehh.. Ano.. Uhmm, ma.. Mas gusto ko kasing ka-katabi sila Anne. For sure namiss niyo ang i-isa't isang mag-asawa." pagsisinungaling pa ni Vice.
"Hindi naman Kuya Vice. Okay lang.. Diba Hon?" ngiting asong sabi ni Chris kay Karylle at hindi pinahalatang pinandilatan pa si Karylle.
"O-oo, okay lang." pekeng ngiting sabi ni Karylle.
"Sige na Kuya Vice." pag-aaya pa ni Chris kaya napatango nalang si Vice at ngumiti.
Katulad nang napag-usapan nila, magkakasama sila Chris, Karylle at Vice kahit masyadong awkward para sa dalawa.
Nakatulog lahat sa biyahe pwera lang kay Christian at Karylle.
"Aren't you happy now?" biglang bulong ni Christian kaya napatingin sa kanya si Karylle.
"He's beside you.""What do you mean? I don't understand what's your talking about?" medyo natatakang tanong ni Karylle. Tumingin naman sa kanya si Christian.
"What I mean is, katabi mo si Kuya Vice. Are you happy? Ang gusto ko lang naman masaya ka eh.Siguro nga it's time to make you so much happy." nakangiting sabi ni Christian at umayos ng upo sabay sandal at pumikit. Hindi nalang muna inintindi iyon ni Karylle kahit masyado niyang naguguluhan sa sinasabi ni Christian.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
Umabot ng mahigit tatlong oras ang byahe nila dahil medyo traffic sa daan. Hinatid isa-isa ng company driver ang lahat. Huli nitong hinatid si Vice kasama sila Christian at Karylle.
"Tay, nandito na po kami." tawag ni Vice sa kanyang Ama habang kumakatok sa pinto nito. Agad namang binuksan ng kanyang Ama ang pinto at parang biglang nagningning ang mga mata.
"Anaaak.. Namiss kita." biglang sabi ng kanyang Ama at biglang yinakap si Vice kaya yinakap niya pabalik ang Ama.
"Si Tatay ang drama eh. Namiss din kitaaa." nakangiting sabi ni Vice.
"Ako ba hindi mo naMiss, Papa?"
Napakalas sila sa yakap nang biglang may magsalota... Si Christian. (-,-)
"Oh Christian..." sabi ni ng kanilang Ama.. "Siyempre naMiss din kita."
"aww, natouch naman ako Papa." nakangiting sabi ni Chris at lumapit sa Ama at yinakap. Yinakap naman siya nito pabalik.
"May sasabihin lang po sana kami nh ASAWA ko sa baba." pabulong na sabi ni Chris habang nakayakap parin.
Pagkakalas sa yakap ay bumaba naman na sila at tumungo sa sala kung nasaan si Karylle na nakaupo sa sofa. Naupo naman agad sila sa bakanteng sofa.
"So, anong sasabihin niyo?" nakangiting sabi ng Ama nila.
"I just want to say that.... I want to file an Annulment." simpleng sagot ni Christian at nawala ang ngiti ni Mr. Viceral Sr. At nagtatakang tinignan sj Chris.
"Napag-isipan ko na po ito... Alam naman po nating lahat na arrange marriage lang ang lahat ng ito.. Pareho lang kami ni K na hindi masaya para dito.. Well, Ginusto ko ito..." huminto sandali si Chris at huminga ng malalim. "I'm sorry K, Papa... A-ako ang dahilan kung bakit muntik nang bumagsak yung... Yung kompanya ni Mr. Tatlonghari, inaamin ko naging selfish ako dahil inuna ko yung sarili kong kagustuhan.. Kagustuhan makasal sa'yo K at... At makuha ang Kompanya. Until, nahanap mo na Papa ang tunay mong anak.. Inaamin ko din na pinlano kong patayin ka Kuya Vice. I'm sorry.. I'm so sorry." seryosong pagpapaliwanag ni Christian.
Tila nagulat at natulala ang Ama ni Vice, si Vice at si Karylle.
"Pagkatapos ma-Annul ng kasal namin, magbabakakasyon muna po ako at susubukang hanapin ang tunay kong mga magulang na dapat ginawa ko na dati pa." nakangiting sabi ni Christian.
"Don't worry K, tell your Dad na hindi mapuputol ang pagshare namin sa kompanya niyo." dagdag pa niya."T-teka.. Sure... Sure ka na ba talaga dyan Chris? T-totoo ba lahat ng sinabi mo?" nauutal na tanong ng kaniyang itinuring na Ama.
"Opo.. I think this is the right time to make things right." nakangiting sabi ni Chris.
"Karylle..." tawag ni Chris at tumingin kay Karylle sabay hawak sa kamay nito.
"I'm sorry... I planned all of this. I'm really sorry.. Nung sinabi mong Mahal na mahal mo si Kuya Vice at walang makakapalit sakanya sa puso mo.... Nasaktan ako.. Pinag-isipan ko lahag.. I want to make you happy... And that happiness ay maibibigay lang sayo ni Kuya Vice." nakangiting pagpapatuloy ni Chris. Tumingin naman siya kay Vice.
"Kuya Vice.... Alam kong nakahadlang ako sa love story niyo.. I'm sorry, pinagplanuhan pa kita.. Ngayon, I'm letting you Guys to be Happy.." nakangiting sabi ni Chris.
"Kung yan ang desisyon mo Chris... Go.. Mukhang nakapagdesisyon ka na."
"No, wag Chris......."
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
January 1,2016
A/N: happy new year!!!!! Thank you! Thank you! Thank youuuu!?!!!!! SOON TO END.