#23- I'm Sorry.

854 28 1
                                        

VICE's POV

2:30PM

"Vice, let's go."

Napatingin si ako sa nagsalita.

"Pwede po bang wag muna kong sumama?" medyo naiirita ko pang sabi.

"Why not?" nakakunot noo nanaman niyang sabi.

"Ayoko lang." simple kong tugon.

"Who are you telling me na Ayaw mo lang? Ako ang boss sa ating dalawa kaya wala kang karapatang umangal!" madiin niyang sabi.

Nakakainis tong BruKang toh eh.. Napansin kong nakatingin na saamin halos lahat ng katrabaho ko.

"You will come with or I will fire you!" medyo pasigaw niyang sabi.

Naririnig kong nagbubulungan nanaman ang mga kasamahan kong chismosa.

"Ito na nga PO ohh. Hinahanda ko lang PO yung mga gamit ko PO oh." sarkastiko kong sambit habang inaayos ang mga gamit ko.

"Dalian mo, baka maLate na ko." mataray pero pormal niyang sabi sabay talikod at dumeretso sa opisina niya.

Nakakainis! Bakit di siya kay Mr. Yuzon magpasama sa pesteng Photoshoot na yun? Oo nga naman, siya ang boss at siya nang nagsabi na bawal magharutan kapag oras ng trabaho pero makikita mo siya yung nakikipagharutan sa opisina pa niya. Nakakainis talaga!

"Huy, Viceral! Anyare sayo? Kanina pa nakakunot noo mo ah? Baka mapadali lalo pagtanda mo niyan?" tumingin ako sa nagsalita.. Si Billy.

"Siguro naman, nasabi na sayo ni Kaye. Nagtatanong ka pa." masungit kong sabi. Tumayo na ko at inayos nang konti ang sarili.

"Hahahahaha. Alam na alam mo na talaga ah." natatawa niyang sabi. Tinignan ko naman siya nang nakakunot parin ang noo.

"Oyy, sorry na Viceral. Sige mag-aayos na muna ko." pigil tawa niyang sabi. Tumango nalang ako.

------------------

Nakakairita man pero katabi ko sa loob ng company car si BruKa. -,-

"Pssst Viceral." napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sakin.

"AWKWARD." pang-aasar pa nila saakin. Plinano nila toh eh. Dapat tabi kami ni Kaye kaso, mga impakto at impakta mga kasamahan ko eh. Napatingin ako sa katabi kong BruKa. Akala mo ang bait bait eh.. Sana tulog nalang toh lagi para laging mabait.

Kung iisipin ko naman, talaga namang mabait si BruKa kaso nangyari yung sa amin. Ang laki ng pinagbago nito kesa noon. Kasalanan ko ba kung bakit siya nagbago? Bakit feeling ko, ako ang dahilan?

----------

Photoshoot started.

Nagsimula ang photoshoot, hindi kami nagpapansinan ni BruKa, depende nalang kung may iuutos o sasabihin siya.

Buti nalang at may make-up artist na siya ngayon.

Ang ganda niya kapag nakangiti, sana ako ang dahilan kung bakit siya nakangiti parang dati. Pero ibang iba na siya ngayon. Ang taas na niya. Hindi ko na siya maaabot kahit kailan. Sa tingin ko, langit na siya. Lupa nalang ako.

Sa dalawang taon, inaamin ko namang minahal ko siya pero masyado lang akong nacoconfused. Sa tingin ko napakalaki kong gago dahil sinaktan ko ang tulad niyang sobra sobra akong minahal.

-------------

6:30PM na natapos ang photoshoot ni BruKa. Akala ko hindi na ko

"Mauna na kayo. Susunduin pa ko ni Yael." nakangiti niyang sabi sa mga kasamahan ko. Kapag sa iba ang laki laki ng ngiti pero pagdating sakin. Anyare?

"Viceral, sasabag ka ba sa amin?" bigla akong nabalik sa wisyo nang tanungin ako ni Billy.

Tumingin muna ko kay BruKa bago sumagot. "Ah."

Napatingin din si Billy na tinignan ko.

"I think what's your answer. Go. Samahan mo muna dito si Ma'am K." sabi niya sakin. Minsan naiisip ko mind reader ang mga kasamahan ko eh. "Papabalikin nalang namin yung company car pa balikan ka."

"Hindi na. Magcocommute nalang ako. Sisiguraduhin ko munang masusundo ni Mr. Yuzon si Br---- Ma'am Karylle." nakangiti kong sabi.

"Sure ka ha? Sige. Ingat ha. Una na kami."

Pagpapaalam ni Billy.

Pagkaalis nila. Napansin kong tahimik si BruKa na nakaupo sa isang tabi.

Linapitan ko naman siya na halatang ikinabigla niya nang huli.

"Why are you here? I thought---"

"Eh, ano. Mag-isa ka lang po kasi Ma'am. Baka pwedeng sama----"

"No. You shall go home." pautos niyang sabi habang hindi nakatingin sakin.

"Eh mag-isa ka lang kasi d---"

"I can handle myself." simple niyang sabi at tumingin sa akin.

"Karylle." pagtawag ko sa kanya suot ang pinakaseryoso kong mukha.

"Ma'am Ka-----"

"I'm Sorry." pagputol ko sa sasabihin niya. Dapat dati ko pa sinabi sa kanya yung mga katagang iyon.

"Okay. You can go now." walang kaemo-emosyon niyang sabi.

"Ka----"

"I said, you can go now." pautos niyang sabi.

"Karylle, sorry talaga sa lahat."paghingi ko pa rin ng tawad.

"Yan lang ba ang sasabihin mo? Umuwi ka na.  Maya maya darating na si Yael."

"Karylle, mag-usap naman tayo."

"Ano bang ginagawa natin ngayon?" sabi niya habang naTeary eyed na siya.

"Sorry sa lahat.. Sa lahat nang nagawa kong mali sayo. Alam kong hindi ko dapat ginawa yun."

"Sana naisip mo muna yan bago mo gawin yun."

Nakita kong pinunasan niya ang luha niya na di niya napigilang pumatak.

"Karylle, maniwala ka man o sa hindi. Minahal kita." seryoso kong sabi

Natigilan siya bigla kaya lumapit ako sa kanya. Lumuhod ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ko pero hindi ko pinakawalan ang mga kamay niya.

Umiiyak na siya sa harap ko.

"V-vice, s-sobra kitang m-minahal. G-ginago mo k-ko. P-pinaniwala mo kong, u-una palang m-minahal m-mo na ko. Masyado a-akong n-nasaktan." humahagulgol niyang sabi. Parang bumaluktot ang dila ko dahil sa mga sinabi niya.

Tinignan ko siya straight sa mga mata niya. Nakikita ko ang Karylle na nakilala ko.

Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Naglapat ang mga labi namin sa isa't isa.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"What the hell is happening here?"

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 17,2015
(A/N: 2 years na ang nakararaan nung 3rd kiss ng VICERYLLE. Emerghed!! :D LOVEYOUUU ALL.. #VICERYLLE)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon