#3- ACCEPT the job and MOVE ON

967 36 0
                                        

General POV

Kinabukasan maagang

si Vice dahil nga baka maubusan sila ni Vhong ng pwesto sa palengke.

"Aga mo yatang nagising ngayon, Brad?" may panunuksong sabi ni Vhong kay Vice.

"Alam ko naman kasing kukulitin mo nanaman akong lalaki ka! Ayaw mo bang maaga akong nagigising? Matutulog nalang ulit ako." sabi ni Vice at akmang mahihiga na ulit sa kanyang ... papag.

"Uy uy, joke lang.. To naman!" pagpigil ni Vhong kay Vice na hindi na natuloy humiga pang muli. "Ayy, napansin ko wala yatang Karylle ang pumupunta ngayon dito ah." palinga-lingang sabi ni Vhong na tila may hinahanap.

"Wala na kami." simpleng sabi ni Vice tsaka tumayo.

"WHAAAAT? BAKIT NAMAN? AKALA KO BA-----ASDFGHJKL" natigil si Vhong ng pagsasalita nang takpan ni Vice ang bibig niya gamit ang kanyang kamay.

"Pwede ba! Wag kang maingay. Nambubulabog ka ng ibang kapitbahay eh!" naiiritang sabi ni Vice at tinanggal na ang pagkakatakip nito sa bibig ni Vhong.

"So, bakit nga kayo nagBreak?" malumanay na tanong ni Vhong.

"Dare lang naman lahat yun." simple at walang emosyong sabi ni Vice habang nag-aayos na ng kanyang sarili.

"WHA-----"

"Sige! Try mong ituloy yang sasabihin mo! Patatalsikin kota rito sa bahay ko!" pagputol ni Vice sa pagsigaw ni Vhong.

"Teka Brad! Tama ba yung rinig ko? DARE? as in D-A-R-E?" pagsisiguradong tanong ni Vhong.

"Oo, pajulit julit lang? DARE as in D-A-R-E okay? Nung birthday kasi ni Archie yun nagsimula eh. Dinare ako nung baklang yun! Ako naman tong shonga, pumayag!" pagpapaliwanag ni Vice.

"Ayy grabe ka Brad! Sure akong sobrang nasaktan mo si Karylle. Tsktsk! Pinaikot-ikot mo yung tao sa palad mo!" sabi ni Vhong with matching hand gestures. "Dapat ginawa mo nalang isang linggong pag-ibig pinaabot mo pa ng isang buwang pag-ibig ehh." pailing-iling na sabi ni Vhong.

"Hindi ko naman kasi sinasadyang gawin yun. It's just a Dare after all." habang nagsusuklay na sabi ni Vice.

"Yun na nga brad eh. Sabihin na nating DARE, pero nakasakit ka ng taong wala namang ibang gustong gawin kung hindi MAHALIN KA. Ang gusto lang din niya, Mahalin mo siya pabalik" sumeryosong sabi ni Vhong.

Natahimik naman si Vice sa mga narinig mula sa kanyang kaibigan dahil nilalamon nanaman siya ng kaniyang konsensya..

'Sorry Karylle' bulong pa ng kanyang isip.

-------------------------------------------
Karylle's POV

Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko parin kung tatanggapin ko ba o hindi ang alok saking pagmomodel ni Mr. Yuzon. Hindi lang malakimg opportunity 'to, makakatulong din ako sa Mama ko na pag-aralin ang mga kapatid ko.

"Anak? Gising ka na ba?" pagtawag ni Mama mula sa labas habang kumakatok.

"Kung gising ka na, kumain ka na. Nagluto ako. Sumunod ka na sa babà ah!" pagpapaalalang sabi ni Mama.

Napangiti ako sa mga simpleng salita lsmg nayun mula sa Mama ko. Simula pa nung iniwan siya ni Papa, siya na ang tumayong mga magulang ko at dalawa kong makukulit na kapatid, hindi pa magtino mga dalaga na..

Napatingin ako sa callind card ni Mr. Yuzon. Huminga ng malalim.

Pagbaba ko, halos patapos na silang mag-agahan.

"Good Morning." bati ko sa kanila sabag upo para makakain na rin.

"Sure ka bang Good ang Morning mo ate?" parang nang-aasar na sabi ni Zia... Bunso kong kapatid. Agad naman siyang sinuway ni Mama.

"Hala sige 'Nak. Kumain ka na, wag mo nang pansinin tong kapatid mo." pag-aanyayang sabi ni Mama.

"Ma, may Good News nga pala ako." excited kong sabi, and yes.. I accept Mr. Yuzon's proposal. To be a Model to their company. Hindi naman ito para sakin, para naman sa pamilya ko ito.

"What the good news ate? May new jowa ka na ba?" tila mas excited niyang tanong.

"Kung batuhin kaya kita nitong pandesal? Wala akong bagong jowa. Wala na kong plano." huminto ako sa Pagsasalita at pinalamanan ang pandesal kong hawak.

"My good news is, may bagong trabaho na ko!" nakangiti kong sabi.

"Talaga ate? So, lalaki na yung allowance namin?"-Zia

"Ohmyygee, mukhang mabibili ko na yung gusto kong Jansport Bag! Omgg!"-Coco

"Oo nga tapos yung nakita ko nung nakaraan sa Mall? Yung High heels! Omgg!"-Zia

"Tapos----"-Coco

"Tapos.. Tapos na! Wala pa nga yung trabaho ng ate niyo kung ano ano nang mga hinihingi niyo!" pagsaway ni Mama sa mga kapatid ko.

"Teka Anak, ano ba iyang bagong trabaho mo?".

"Model." sabi ko sabay kagat ng tinapay ko.

Walang umiimik.

Tinignan ko naman sila na nakatingin sakin at parang hindi makapaniwala?

"Hahahahahaha Ate, wag ka ngang magjoke!" natatawang sabi ni Zia.

"Ate ha! Ang aga aga pa para sa mga jokes na ganyan!" natatawa ring sabi ni Coco.

"Ako? Nagbibiro? Totoo sinasabi ko." pagtatanggol ko sa sarili ko. Ayaw maniwala ng makukulit kong kapatid.

"Seryoso ka Ate?" tanong pa ni Zia, tumango nalang ako.

"Tayo ka nga Ate." pag-uutos ni Coco. Ano bang trip ng mga toh? Tumayo naman ako.

Tinignan nila ako mula ulo.

Parang iniiscan nila yung katawan ko.

"Turn around, Ate." sabi ni Coco kaya tumalikod ako.

"Pwede na.."rinig kong sabi ni Zia. "Upo na na Ate."

Bumalik ako sa pagkakaupo at kumain ulit.

"Ngayon ko lang nalaman, pwede ka palang pangModel Ate." natatawang sabi ni Coco.

"Oo nga Ate, yung curves mo! Perfect!" papuri namang sabi ni Coco.

"Tama na nga yan, kumain nalang kayo." pagsaway ulit ni Mama kaya kumain nalang kami.

Inaamin ko, isa sa mga dahilan kung bakit ko kinuha ang pagiging model dahil sa gusto kong mabigay yung mga gusto ng kapatid ko at ni Mama.

At hindi ko maitatanggi na gusto kong makalimutan si Vice, yung baklang minahal ko nang todo at buo pero pinaglaruan lang ako.

Gusto kong makaMove-On sa sakit na dinulot niya...
At kapag naabot ko na ang pangarap ko, babalikan ko siya. Pero hindi para mahalin at magpakatanga ulit sa kanga kundi para ipamukha sa kanya na MASAYA AKO KAHIT WALA SIYA SA BUHAY KO.

XXXXXXXXXXXXXXXXXX
(A/N: Ayyy ang fierce ni Karylle XD HAHAHAHA Vote and comment nemen dyen XD gebabush.)


Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon