Karylle's POV
Ang saya namang maramdaman muli ang simoy ng hangin dito sa Pilipinas.
Naayos ko na yung mga gamit ko sa walk-in closet ko dito sa kwarto kaya nakahiga nalang ako dito sa malawak kong kama.
Sa loob ng dalawang taon, nakabili kami ng malaking bahay. Sari-sariling kwarto na kami ngayon at malalawak na kama.
Masaya ako dahil guminhawa na ang buhay namin kesa noon.
Pero hindi katulad dati, tama sila.. Kapag sikat ka na, hindi ka na malayang gumala o kung anong gusto kong gawin.
"Anak??" kumakatok na sabi ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.
Agad naman akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Bakit po, Ma?" tanong ko kay Mama.
"May bisita ka.. Si Yael." sagot ni Mama sakin.
"Ahh, okay Ma. Susunod na lang po ako." nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti nalang naman sakin si Mama at muling bumaba.
Nag-ayos nalang naman ako ng sarili ko at bumaba na.
Nakita ko si Yael na nakaupo sa may sofa at kausap nila Mama habang may mga juice sa middle table.
"Hi K." bati niya sakin nang makalapit na ko. Umupo naman na ko sa bakanteng sofa.
"Hello Yael. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at napansin ko namang may hawak siyang bouquet of red roses.
"Ahh, I just want to visit you. Hindi kasi kita nasundo kanina sa airport. Busy rin kasi ako. By the way, flowers for you, K." nakangiting sabi ni Yael sabay abot ng flowers sakin na agad ko namang kinuha.
"Thanks." nakangiti kong sabi.
"Maiwan ko muna kayo, magluluto lang muna ako para sa hapunan." paalam ni Mama at agad na pumunta sa kusina.
"Uhmm, K." pagtawag ni Yael sakin agad naman akong tumingin. "I just want to know if I can court you to make you my girlfriend?" parang nahihiya niyang sabi.
"Yael a---" naputol ang dapat sasabihin ko pa nang magsalita siya.
"Okay lang naman kung hindi pwede. Tatanggapin ko." sabi niya sabay malungkot na ngiti.
"No, no. Pwede naman ehh. Pero kaya mo bang maghintay?" sabi ko naman sa kanya.
Lumawak naman ang ngiti niya sa kanyang labi.
"T-talaga?" paninigurado kong sabi. Tumango nalang naman ako bilang sagot. Wala namang masama kung bigyan ko siya ng chance. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit ako nagkatrabaho at kung bakit muli naming nakita si Papa.
Yinakap naman ako ni Yael na ikinabigla ko nang huli.
"Yael?" pagtawag ko sa kanya dahil sa pagkakayakap niya.
"Ay, sorry sorry K." tila nahiya naman siya at agad na kumalas sa pagkakayakap sakin.
"Okay lang." nakangiti kong sabi.
"Karylle, Yael.. Kain na muna tayo." pagtawag samin ni Mama kaya sabay kaming tumungo sa dining area.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
Vice's POV
Mag-isa akong naghahapunan ngayon. Well, lagi naman ehh.
"Braaaaaaadddddd!!!!!!!!" muntik na kong mabilaukan nang may nagTap sa balikat ko. Tinignan ko naman kung sinong demonyo ang tumapik sakin.
Nilunok ko muna yung nginunguya ko bago magsalita, "Walanghiya ka. Papatayin mo ba ko? Muntik na kong mabilaukan sa ginawa mo ha! Nakakaloka ka! Kung may sakit ako sa puso malamang inatake na ko."
"Sorry na Brad! May ibabalita lang naman ako sayo eh." sabi ni Vhong habang may hawak nang plato at umupo sa isa pang upuan at sumandok na ng kanin at kumuha ng ulam.
"May ibabalita ko makikikain ka lang? Kaloka toh. Pogi ko sana may pagkaPG ka lang." pang-aasar ko sakanya sabay subo ng pagkain.
"Moron ngo koso okong obobolosho shoyoh." sabi niya habang may laman ang bibig niya. "Bomhalok nha dyaw shi Koroll".
"Ha? Hindi kita maintindihan, ubusin mo na nga muna yang nasa bibig mo." sabi ko sabay subo ulit ng pagkain.
Nilunok niya muna yung pagkain na nasa bibig niya at uminom ng tubig bago magsalita.
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle."
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Bumalik na si Karylle, Bumalik na si Karylle, Bumalik na si Karylle. BUMALIK NA NGA SI KARYLLEEEEEEEE! XD HAHAHA Gebye. :***)