KARYLLE's POV
Pagkalabas ni Vice ng opisina, biglang tumunog ang cellphone ko.
Yael Calling...
Ano nanaman bang kailangan nito? Sinagot ko ang tawag.
"Karylle, Please. Don't get mad at me. Please, wag mo naman akong paalisin sa Kompanya!" may pagmamakaawa niyang sabi sa kabilang linya."Pwede ba? Wag ka nang babalik dito. I don't want to see you anymore." I answered.
"I'm Really sorry K. Alam mo namang nirerespeto kita. Promise.. Pinigilan ko ang sarili ko."
"Respeto? Pinigilan ang sarili mo? What the Fvck? Kailan ka pa nagkaroon niyan?"
"Pero K, alam mo namang minahal kita at hanggang ngayon mahal pa rin kita."
"Oo, minahal mo ko pero binaboy mo ko. At utang na loob, wag ka nang magpapakita dito."
"Bakit parang mas gusto mo pa yung bakla kesa sakin? Karylle. I badly want you."
"Oo, mas gusto ko pa si Vice kesa sayo. Kahit bakla siya marunong siyang rumespeto ng babae."
"Respeto? Eh ano yung naghahalikan kayo?"
"Nung nakita mo kaming naghahalikan, wala yun at tsaka ano bang paki mo? Pinaiinit mo lang ang ulo ko eh."
"May paki ako dahil MAHAL kita. Karylle, alam mong marami akong komunikasyon. Kaya ko paring gawin ang gusto kong gawin. Lalo na sa PAMILYA mo."
"Don't you dare do that!"
"Kayang Kaya kong gawin yun Karylle. Kung hindi man lang mapapasaakin."
"Utang na loob, wag mo silang idadamay."
"Hindi ko naman sila idadamah kung itutuloy mo ang paghihiganti mo sa baklang Vice na yun. Magkakasundo tayo, K. Patunayan mong hindi mo na mahal si Vice."
"Oo, sige itutuloy ko yung paghihiganti ko. HINDI KO NA MAHAL SI VICE."
Ang dami naming napag-usapan. Yeah you read it right, itutuloy ko ang paghihiganti kay Vice kahit medyo labag sa kalooban ko. Para sa kaligtasan ng pamilya ko alam kong kayang gawin ni Yael ang gusto niyang mangyari. Napatingin ako sa wall clock. 12:42PM na pala.
Lumabas ako ng opisina at konti nalang ang nasa labas. Hinanap ko si Vice pero wala siya. Siguro hindi na ko hinintay, kumain na siguro agad. Hindi na muna ko maglaLunch. Wala naman na kong gana.
Pumasok ulit ako sa opisina at nagpadeliver na ng PIZZA para sa lahat.
------
Maya maya, may kumatok mula sa labas.
"Come in." pasigaw at pautos kong sabi. Pumasok si Vice na parang iba siya kesa kanina.
"Ma'am nandyan na yung pinaorder niyong Pizza." sabi niya na ramdam kong ang cold niya sa akin.
"Okay sige. Dun nalang sa may meeting room." pautos kong sabi sa kanya.
"Okay." huling sinabi niya at lumabas na muli ng opisina.
-------------
GENERAL POVMagkakasamang kumakain ng pizza ang lahat maliban kay Vice na tinititigan ang ang mga kasamahan na kumakain, tila wala kasi siya sa mood para kumain.
"Psst, Vice. Bakit hindi ka kumakain? Mauubusan ka." pabulong na sabi ni Billy sa tahimik na si Vice.
"Hindi naman ako nagugutom, sige na kumain ka na nang kumain diyan alam kong kanina mo pa gusto yan." pabulong ding sabi ni Vice na halatang wala sa mood.
Napapansin din naman ng ibang empleyado ang pagiging tahimik ni Vice.
"Vice, bakit hindi ka kumakain diyan?" pagpansin ni Eric kay Vice at pasigaw pa niyang sinabi kaya napatingin ang halos lahat sa kanya.
"Oo nga Vice."
"Kumain ka na Gurl oh."
"Kanina ka pa tahimik diyan."
"Okay lang ako." sabi ni Vice at sinuot ang pekeng ngiti.
"What's happening here?" singit ni Karylle na kapapasok lang dahil kumuha ng maiinom.
"Eh Ma'am, hindi kumakain si Viceral oh." pagsusumbong naman ni Dingdong kay K.
"Bakit naman Mr. Viceral?" pagtatanong ni K kay Vice.
"Okay lang naman po ako." medyo cold paring sabi ni Vice.
Pansin naman iyon ng mga kasamahan niya at si Karylle.
Nagulat ang iba na kumuha si K ng isang platito at nilagyan ng isang slice ng pizza at dinala sa kung saan nakaupo si Vice. Nilapag niya ang platitong may pizza sa may harap ni Vice. Nabigla ang lahat lalo na si Vice sa ginawa ni Karylle na boss niya.
Bumalik naman si K sa kinauupuan niya bago magsalita.
"Eat." sabay kagat sa pizza niya.
Maraming kinilig pero may nainis din lalo na si Jhong. Habang si Vice ay lihim na napangiti dahil sa ginawa ni K.
"Pabebe." pabulong na pang-aasar ni Billy. Agad naman siyang siniko ni Vice.
XxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Ang waley ng TITLE nitong Chapter XD serrne HAHAHA. loveyouuu all <3 December 18,2015.)