#54- 2nd Day in Subic!

802 27 10
                                    

GENERAL POV

Kinabukasan, nang magising si Vice ay nakita niyang kalalabas lang ni Vhong sa cr at si Billy naman ay hawak hawak ang cellphone niya.

"Good Morning, Viceral." bati ni Billy nang mapansin si Vice pero nanatiling nakatingin sa cellphone.

"Good Morning." bati pabalik ni Vice at tumayo na mula sa kama.

"Good Morning Brad! Anong nangyari sa'yo kagabi? Sinundan ka ni Karylle diba? Nagkausap ba kayo?" sunod sunod na tanong ni Vhong habang kinukuskos ng tuwalya ang basang buhok niya.

"Sinundan ako ni Karylle?" nagtataka at kunot-noong tanong ni Vice na papasok na sana sa banyo.

"Oo Brad, akala ko nagkausap na kayo eh. Saan ka ba galing kagabi at sabi ni Karylle, busy ka daw?" sagot at tanong pabalik nalang ni Vhong.

"Siguro nakita niyang kasama ko sa may buhanginan si Josh." sagot naman ni Vice

"SINONG JOSH?" sabay na tanong ni Billy at Vhong.

"Kaibigan lang." simpleng sagot ni Vice.

"Kaibigan lang ba talaga?" nakangising sabi ni Vhong. Inirapan naman siya ni Vice dahil wala pa siya sa mood makipagtrip sa mga kaibigan.

"Kaya siguro pag balik ni Karylle dito kagabi parang nawala sa mood." biglang sabi naman ni Billy.

"Oo nga, pansin ko rin yun." pagsang-ayon naman ni Vhong.

Hinayaan nalang muna ni Vice sila Vhong at Billy. Pumasok na siya sa banyo at nagtoothbrush. Hindi naman maalis sa isip niya ang sinabi ni Billy.

"Kaya siguro pag balik ni Karylle dito kagabi parang nawala sa mood."

Umiling iling na lamang siya at tinuloy anh pagtootoothbrush at naghilamos bago lumabas ng cr upang magbihis pa. Nang biglang may kumatok. Agad naman iyong binuksan ni Vhong at tumambad ay si Karylle na halatang wala sa mood.

"Dalian niyo na daw, hinihintay namin kayo.. Para sabay sabay na magBreakfast." simpleng bati ni Karylle.

"Sige, sunod na kami. Nagbibihis lang si Viceral." nakangiting sabi Vhong at tinanguan na lang siya ni Karylle at bumaba na ulit. Bumalik naman na si Vhong kung nasaan si Billy.

"Wala talaga sa mood si Karylle." pabulong na sabi ni Vhong kay Billy.

"Anong gagawin natin eh ayaw ngang kausapin ni Viceral si K eh. Naaawa ako para kay Karylle, gustong gusto niya nang makausap at magkabati sila ni Vice pero itong may ayaw eh.. Si Vice." pabulong ding sagot ni Billy na umiiling iling pa. Hindi nila alam ay naririnig sila ni Vice pero sinawalang bahala nalang niya iyon at patuloy na nagsusuklay ng buhok.

"Tara na." aya ni Vice sa dalawa at agad nang lumabas sa kanilang kwarto at bumaba na.

-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-

Habang kumakain ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni K na agad namang pinuna nila Anne.

"K, ang tahimik mo yata ah. Porket katabi mo si Vice." pang-aasar naman ni Anne habang kumakain. Binigyan naman siya ni Karylle ng death glare.

"Wag niyo nang asarin si Karylle. Nasa harap tayo ng pagkain eh." pag-awat naman ni Kaye sa mga kasama.

Nagpatuloy nalang sila sa pagkain dahil aasikasuhin pa nila ang paggaganapan ng kasal ni Mr. Ta-mad.

-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-

Pasado alas dyis na pero na sa may tabing dagat parin sila para asikasuhin si Mr. Ta-mad at ang Girlfriend nitong si Kath.

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon