Author's NOTE
OPO! UULITIN KO PO ULIT ITONG CHAPTER 35 DAHIL PO KASI SA KATANGAHAN NG AUTHOR NG STORY NA ITO, NADELETE PO YUNG ISANG NAGAWA/NAPUBLISHED NA CHAPTER, ANG SAYA. GUSTO KO TULOY UMIYAK. :(((( SORRY GUYS, SISIGURADUHIN KO NALANG NA MAS NAKAKAKILIG ITO.. SORRY TALAGA, SANA BASAHIN NIYO PO PARIN. :-((((
"CHAPTER 35 VERSION 2.0"XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
VICE's POV
This is the Moment!! Charot lang. Kailangan ko munang ichill ang sarili ko kasi mamaya na!!! Jusko! Kung pwede lang umurong eh. Pero hindi pwede nakaSet na ang lahat, masasayang ang pera ko kapag di ko tinuloy toh, cheret leng.
Kinakabahan ako sa kung anong magiging reaksyon ni Karylle sa gagawin ko. Kasi naman eh, bakit ba kasi ako tuluyang nainlove kay BruKa. Pero dati naConfused lang naman ako pero ngayon siguradong sigurado na ko.. Truelala na talaga iteyy."Brad! Ang lalim ng iniisip mo ah?" bumalik ako sa ulirat nang biglang nagsalita at tumabi sa akin si Vhong.
"Eh kasi naman ehh. Kinakabahan ako mamaya." pag-amin ko sa kanya.
"Bakit naman Brad? Ikaw na nagsabi na Mahal mo na si Karylle ah?" tila nagtatakang tanong ni Vhong.
"Oo Navarro, mahal ko yung BruKang yun.. Mahal na mahal, natatakot lang ako kasi ang daming What ifs sa utak ko.. What if kung masaktan ko siya? What if maakit ulit ako sa lalaki? Hindi malabong mangyari yun."
"Hayy nako Brad, hindi pa nga kayo.. Kung ano ano na iniisip mo. Basta mapapanatili mo ang pagmamahal mo sa kanya at siya lang ang nasa isip at puso mo, yung mga what ifs na yan.. Mawawala."
"Paano yun? Kung hindi pa pala niya ko napapatawad?" nalungkot ako bigla.
"Hindi yan Brad, obvious naman na napatawad ka na nun at mahal ka parin niya." paninuguradong sabi ni Vhong sabay tapik sa balikat ko.
Nginitian ko nalang siya.----------
GENERAL POV
Nagsimula ang party na wala si Vice. Nasabi niya na ang plano sa ibang katrabaho niya lalo na kay Billy at Anne. Sinigurado niyang magiging maayos ang gagawin niyanh sorpresa para kay Karylle.
Nagsimula ang Exchange gift pero wala pa rin si Vice. Halata kay Karylle na medyo nalulungkot dahil hindi man lang nagpakita si Vice sa party na medyo naiinis.6:00PM natapos ang party at iyon na ang naging hudyat para simulan ang sorpresa.
"Karylle!"
Napatingin si Karylle sa tumawag sa kanya... Si Anne.
"Bakit?" halatang malamya si Karylle.
"Sumama ka sakin!" sabi ni Anne sabay hila kay Karylle.
"Saan tayo pupunta?" kunot noong sabi ni Karylle.
"Basta sumama ka sa akin! Masaya toh Promise!" excited na sabi ni Anne sabay tuloy tuloy na hinla si Karylle.
Nagitla siya nang makakita siya ng red carpet na punong puno ng red rose petals sa gilid. Hindi niya napansin ni Karylle na wala na si Anne sa tabi niya and she found herself walking through the red carpet.
Binuksan niya ang isang pinto ng isang kwarto at nasorpresa sa nakita... Si Vice na pormal na pormal ang ayos (Yung suot niya nung Grand Finals ng StarsOn45 yung kumanta siya ng Impossible Dream.) at may hawak na three red roses at wireless microphone. Nandoon ang iba niyang empleyado especially Billy and Anne. Nang makapasok si Karylle ay nagsimula nang iplay ni Vhong ang minus one pero I Kissed a Girl ang una niyang naplay.
"Huy, Navarro, hindi yan yung isa." pabulong na sabi ni Vice kay Vhong.
"Ayy, sorry, sorry " sabi niya sabay peace sign. Maraming natawa dahil sa scenario pati si Karylle. NaPlay na ni Vhong a g Minus one ng Mahal Naman Kita na kakantahin ni Vice na boses lalaki ang gamit.
"Talaga yatang walang pag-asa
Upang ako’y iyong ibigin pa..""Awww." sabay sabay na sambit ng kapwa empleyado ni Vice.
"...Pa’nong mangyari, ngayong ako’y di mo pansin?
Pano mo malalaman sayo'y
May pagtingin?Lagi ka lamang sa aking isipan..." turo sa sintido sabay kindat kay Karylle.
"....Sana nama'y iyong maramdaman..
masabi ko na sana na minamahal kita..
Dun mo lang malalaman pag-ibig ko’y hanggang....Pangarap ka na lang ba
O magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Ngunit di bale na, kahit mahal mo sya....
Mahal naman kita."Habang kinakanta ang chorus ay papalapit siya ng papalapit kay Karylle sabay abot ng flowers.
"Thanks." nakangiti nang sabi ni Karylle.
"Uhm, Hi Ma'am.. Sorry kung late ako ha. Una sa lahat, obvious naman na ako ang nakabunot sayo.. Pero wala kasi akong maisip na regalo sayo eh.. *kamot batok* Kasi alam ko lahat ng gusto mo nasayo na.. Isa nalang ang kaya kong ibigay sayo. Ang apelyido ko.... Karylle alam kong banban ako dati at masyadong na naconfused kaya hiniwalayan kita at nasaktan.. Sorry sa lahat lahat.. Karylle, maniwala ka't sa hindi.. Mahal na mahal kita. Ngayon, siguradong sigurado na ko. Ana Karylle Tatlonghari, Can you be my Girlfriend FOR REAL?" tuloy tuloy pero seryosong sabi ni Vice kay Karylle.
"OO NA YAAAAN!"
"YES! YES YES!"
"HUWAAAAH KARYLLE MYLOVES!"
"Parang kang ewan Jhong!"
"HINDI........."
Nabigla ang lahat sa sagot ni Karylle at biglang nalungkot si Vice sa narinig at napayuko.
"Hindi... ko kayang wala ka sa buhay ko Vice... Mahal na mahal kita.."
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 20,2015