#20- Revenge is Near

809 31 2
                                    

VICE's POV

Naglalakad palang ako papunta sa table ko. Parang pinagtitinginan ako ng ibang empleyado. Nakakailang naman.

Nakita kong nagkukumpulan sila Billy sa may desk ko.

"Hoy, anong ginagawa niyo dyan?" medyo iritado kong sabi.

Tinignan naman nila ko na parang kakaiba ang pinapahiwatig. Nabigla ako nang bigla akong hatakin ni Billy sa braso at pinaupo sa swivel chair ko kaya medyo nahilo ako.

"Paki-explain. Labyu." paninimula ni Billy.

Napatingin ako sa desk ko. May alarm clock na parang bagong bili lang, may susi rin ng kotse? Siguro yung sinasabi ni BruKa kanina na Brand New Car. Nakapatong ang susi sa picture ng kotse. Wow. Tsaka ang pinakaikinabigla ko ay yung isang box na hindi gaanong kalakihan na naglalaman ng iPhone5 at dual sim pa.

"Ano Viceral? Nganga?"

Napatingin ako kay Billy.

"Ano bang ieexplain ko?" natatawa kong sabi.

"May favoritism yatang nangyayari eh." singit naman ni Jhong... isang empleyadong patay na patay kay BruKa.

"Ha? Favoritism?" medyo nagtataka kong tanong.

"Oo, FAVORITISM. Sa tagal namin dito, ni hindi kami nagawang bigyan ng ganyan ni Ma'am K. Nakooo. Special Treatment." tila nang-aasar na sabi ni Dingdong.

"Anong favoritism at special treatment? May dahilan kung bakit niya ako binigyan ng ganito noh. Tsaka babayaran ko sa kanya yan." may pangungumbinsi kong sabi.

"Babayaran? Nakooo. Wala Favoritism." pang-aasar pa ni Billy.

"Tse nga kayo! Dun na kayo. Baka masabon pa ko ni Br---- Ma'am Karylle kapag nakitang nagkukumpulan kayo rito. Tsuuupiii!" pagpapalayas ko sa kanila.

"Favoritism!" natatawang pahabol pa ni Billy kaya binato ko siya ng lukot na papel.

Pagkalayas nila, napatingin ako sa lamesa ko na nakapatong pa rin yung alarm clock, susi at iPhone5.

Agad kong kinuha yung lumang nokia kong cellphone.

Agad kong tinanggal ang sim ko mula doon at nilagay sa bagong cellphone na bigay ni BruKa. Lalo akong nasurprise nang may kasama iyong simcard at note pa.

"Palitan mo na ang cellphone mo, ang pangit tingnan na SECRETARY ko.. Nokia ang gamit na cellphone. Nandyan din ang alarm clock. May extra battery na rin yan. Para hindi ka na malate dahil kung malate ka pa ulit. Goodbye work ka."

Aww, naTouch naman ako sa note ni BruKa. Kahit napintasan ang Luma pero matibay kong nokia phone.

Tinabi ko yung note at nokia phone ko sa may mini cabinet ko sa table.

Sinalampak ko ang sim ko at yung sim na binigay ni BruKa. Nagagalak kong binuksan yung iPhone5.

Grabe. Dati pangarap ko lang makabili nito. Ngayon, hawak hawak ko na.

Habang hawak ko itong cellphone, hindi ko mapigilang mapangiti at kinakalikot ang hawak hawak kong cellphone. ^^,

----------
KARYLLE's POV

Mula dito sa bago kong opisina, tanaw na tanaw konh pinagkakaguluhan ng ibang empleyado ko ang table ni Vice. Para sakin, ang ginagawa ko lang ngayon at para matulungan siya at sa kabilang banda, makapaghiganti nang hindi niya nalalaman. Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang kalimutan ang nangyari saamin 2 years ago. Ganoon ba talaga kadaling hindi kalimutan yun? Pero bakit siya? Parang wala na?

Natanaw  ko siyang napapangiti habang hawak yung iPhone5 na binigay ko sa kanya. Nakakaawa kasing bakla eh. Hanggang ngayon, pinagtyatyagaan parin niya yung nokia niyang sobrang luma na.

Kanina habang kausap ko siya, naramdaman kong ikinabigla niya yung sinabi ko.

Ako na ang bagong CEO nitong kompanya. Sa mga susunod na araw papalitan ko na ang pangalan ng company na ito. Si Yael naman ang COO ko kaya matutulungan parin niya ko sa pagdedesisyon para dito. Tutal, siya naman ang dahilan kung bakit lumago nang sobra ang company.

Kinuha ko si Vice bilang secretary, dahil una sa lahat gusto ko siyang paghigantihan sa lahat. Hindi ko alam kung paano sisimulan pero gusto ko nang mawala at tuluyang maglaho ang nararamdaman ko para sa kanya. Inaamin ko. May konting pagmamahal parin ako para sa kanya pero ayoko nang magpakatanga sa isang taong ayaw naman sakin dahil sa huli, ako rin naman ang masasaktan.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 15,2015
(A/N: Ang corny, ang corny corny corny XD sorrnaaaa. Thanks sa mga silent readers at higit sa lahat ang active voter.. Emeghed XD HAHAHA. Gebye.)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon