#11- KAPE.

779 28 2
                                    

Vice's POV

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ko sa trabaho.

Ewan ko kung anong mangyayari ngayon sa unang araw ko. Medyo kinakabahan pero okay na rin, ito rin naman ang gusto ko para sa sarili ko. Malapit ko nang maabot ang pangarap ko. Ito na yun. One step closer, kung baga sa kanta.

4:00AM palang gising na ko, hindi sa excited ako kundi dahil sa matagal akong maligo at magbihis.. Kakain pa ko at babyahe. Delikado, baka mamaya malate pa ko. First day ko pa naman.

Pagkatapos kong maligo, nakakain narin ako.

Nagbihis ako ng hindi naman gaanong pormal, hindi pwedeng babakla-bakla ako sa harap ng boss ko at mga kapwa empleyado.

"Braaaad!" napatingin ako sa may pintuan.... Si Vhong. Agang mambulabog ng damuho na 'to ah. At.. Pormal na pormal ang outfit?

"Oh, aga mo ah? Tsaka saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya habang naglalagay ng light make-up at pink lipstick.

"Sasama sayo." magiliw niyang sabi. Tumingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo.

"Hey, hindi ako sasama sayo para makita lang si Ms. Beautiful, tinext kasi ako ni Mr. Yuzon kagabi lang."

"Ano namang sabi sayo?" usyoso ko pang tanong.

"Sabi niya samahan daw muna kita, tapos sabi niya pa magbabakasyon daw siya with his family.. At Brad, sabi pa niya. Si Karylle daw muna ang boss mo for a week." may pananakot na sabi niya sakin.

"Ah okay." simpleng sabi ko lang kahit ang totoo parang kinakabahan ako.

6:30AM.

Bumyahe na kami ni Vhong. Buti hindi pa gaanong traffic.

Madali kaming nakapunta sa building ng YMC. Dumeretso si Vhong dun sa 'Ms. Beautiful' niya daw.

Ako naman ay nasa labas ng opisina ni Mr. Yuzon.

Sinabi sakin ng sekretarya ni Mr. Yuzon na nasa loob daw si Karylle. Nag-aalangan ako kung papasok ako o hindi. Kakatok ba o hindi?

Himunga ako ng malalim at akmang kakatok na sana.

"Ikaw pala." nakangiti niyang sabi pero alam kong pilit lang.

"Hi Ka--- Ma'am." nakangiti kong sabi.

"7:01 na? Diba sabi ni Yael, 7AM sharp? You are late for 1 minute." sabi niya nang nakataas ang kilay. BruKa Mode ON.

"S-sorry Ma'am." paghingi ko nang paumanhin.

"Good Morning Too." sabi niya sabay talikod.

"Good Morning Three." pabiro kong sabi sa kanya sabay sumunod sa loob.

"Bakit ka nandito?" taas kilay parin niyang sabi.

Hindi naman ako nakasagot agad.

"Nasa labas lang ng office na to ang table mo. Gusto mo bang ituro ko pa?" sarkastiko niyang sabi.

Lihim naman akong napairap sa inaasal niya.

Tatayo na ko at akmang lalabas na sana.

"Get me Coffee first." simple at walang emosyon niyang sabi habang nakatingin sa laptop niya.

"Ha? Eh Ma'am.. Tatawagin ko nalang si Anne, wit lang." pagpapaalam ko sa kanya pero muli niya kong pinigilan.

"I said, i want you to get me Coffee, right now! I'll just giving you 2 minutes to give me what I want. And that 2 minutes start now." nakatingin niya saking sabi.

"Pero Ma---"

"1 minute and 50 seconds."

"Si Anne nala---"

"1 minute 45 seconds."

"Designer ako hin----"

"1 minute 40 seconds."

"Urggh, fine!" pagsuko kong sabi at lumabas ng opisina para ikuha si BruKa ng kape niya. Hindi ko alam kung anong gusto ng babaitang yun. Nilagyan ko ng creamer at asukal yung kape niya. Malay ko ba sa taste nun.

Pagbalik ko sa opisina, tutok parin siya sa laptop. Nilapag ko naman ang kapeng ginawa ko sa table niya.

Nakatayo lang ako sa harapan niya pero parang hindi naman niya ko nakikita.

Ininom niya ang kapeng ginawa ko para sa kanya pero parang nag-iba nanaman ang timpla ng mood niya. Kumunot nanaman ang noo.

"I don't want this. Ayoko ng may creamer. Asukal at black coffee lang. Itapon mo ito. Pero kaltas sa sweldo mo yan." mataray na sabi ng BruKang kaharap ko ngayon.

"Ilang beses ko po bang kailangang sabihin na Designer ako at hin----"

"Just give me coffee.. Without creamer. Little sugar." pagputol niya sa sinabi ko.

"1 minute 25 seconds." nagsimula nanaman siga magcountdown. Matagal pa bago magbagong taon. -,-

Kinuha ko yung una kong gawang kape. Katulad ng sinabi niya, tinapon ko yun at gumawa ng panibago.

" "I don't want this. Ayoko ng may creamer. Asukal at black coffee lang. Itapon mo ito. Pero kaltas sa sweldo mo yan." " panggagaya ko sa kanya habang gumagawa ng panibagong kape para sa BruKang yun.

"Sino kausap mo dyan Brad?" nagulat ako nang biglang may nagsalita. "Oops, sorry. Nagulat yata kita." sabi niya sabay peace sign.

"Hindi, okay lang." nakangiti ko namang sabi. Friendly ako noh.

"Bago ka? By the way, I'm Billy.... Billy Crawford. A photographer in this company." pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

Inabot ko naman yun at nagpakilala din.

"Jose Marie Viceral. But pwede mo kong tawaging Vice." nakangiti kong sabi.

Shake hands. Kumalas naman agad siya.

"Kaya pala ang tagal ng kape ko." napatingin kaming dalawa nang may BruKang nagsalita.

"Oras ng trabaho. Diba dapat nagtatrabaho kayo. Ikaw din Billy. Dapat tinutulungan mo yung GIRLFRIEND mong si Coleen." mataray niyang sabi. Emphasizing word GIRLFRIEND.

"Sige, Mam K. sige Vice. Balik na muna ko dun." paalam niya at tinanguan ko lang naman siya.

"Where's my coffee.?" mataray niyang sabi.

Kinuha ko naman ang ginawa kong kape na lumamig na pala.

"Ayoko nito. Dapat mainit. Itapon mo to. Inuuna kasi kaharutan.. Unang araw palang sa trabaho." sabi niya sabay talikod sakin at bumalik sa opisina niya.

Promdatap nanaman si wakla ng Paggawa ng kape ni BruKa.. Walang creamer. Konting sugar. Dapat sobrang init para mapaso dila nung babaeng yun.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: sorryyyyy late updateee.. Ang dami kasing gawain sa school eh. Babawi ako sa next uds. Vavushh.)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon