#50- KAPE 2.0

656 22 3
                                    


GENERAL POV

Pagkaalis ng mga kaibigan ni Vice ay siya namang pagpasok ni Christian at asawa nitong si Karylle.

"Kuya Vice?" biglang tawag ni Christian kay Vice kaya nagulat ang bakla (lolx.)

"Ay pwet ng kabayong bakla!" nasabi ni Vice nang magulat siya at napahawak sa dibdib niya.

"Oops.. Sorry Kuya Vice." paghingi ng tawad ni Christian.

"Jusko! Chris! Akala ko naman kung sino.. Katok katok din pag may time?!" pabaklang sabi ni Vice.

"Sorry talaga Kuya." pag-uulit pa ni Christian. Inayos naman ni Vice ang sarili at humarap sa dalawa nang pormal.

"So... What brings you two here?" pormal na sabi ni Vice.

"Uhmm... Kuya Vice, sasabihin ko lang sana na si Karylle ang magiging Secretary mo. Don't worry Kuya, napag-usapan na namin ito ng asawa ko." pormal din namang sagot ni Christian.
Katabi niya naman si Karylle na hindi man lang umiimik.

"That's all?" Vice said with a fake smile then Christian just nodded.
"Okay."

"Ah! Siya nga pala... Next week, you are the one that chose to be the event organizer for a wedding. But, I can't come with you." sabi ni Christian na ngayon lang naalala ang sinabi.

"Ha? Pa'yo yan? S-sino makakasama ko?" nagtatakang tanong ni Vice.

"Sino pa ba? My Wife... Karylle." nakangiting sagot ni Christisan. Nabigla si Vice nang marinig ang mga kagatang iyon pero hindi niya pinahalata.

"Ahhh. Sige. May gagawin pa ko eh." tanging nasabi nalang ni Vice.

"Okay Kuya Vice... Iwan ko muna sa'yo ang asawa ko at diba magkaibigan kayo?" tanong ni Christian at tumango naman si Vice. "I think you two need to talk. Obvious naman na namiss niyo ang isa't isa. Right, Honey?" tanong naman ni Christian kay Karylle na kanina pa tahimik.

"A-ahh. Oo, Bee." nakangiting sabi naman ni Karylle. Tila pumintig ang tenga ni Vice nang marinig ang endearment na ginamit ng dalawa kaya lalo naman siyang nainis pero hindi parin niya iyon pinahahalata.

"Mauuna na muna ko." paalam ni Christian at nakipagbeso pa kay Karylle. They're not use to kiss each other's lips dahil ayaw ni Karylle.

Pagkalabas ni Christian ay tumingin si Karylle kay Vice.

"Baka Matunaw ako." biglang sabi ni Vice nang hindi tumitingin kay Karylle. NagLooked away naman siya agad at mauupo na sana.
"Get me coffee." simpleng utos ni Vice.

"H-huh?" nagtatakang sabi ni Karylle kaya tinignan naman siya ni Vice nang malamig.

"Sabi ko, Get me coffee. Anong mahirap intindihin dun?" walang kaemo-emosyon na pag-uulit ni Vice.

"Sure ka? Tanghaling tapat, magkakape ka?" pagpunang sabi ni Karylle.

"Ano bang pake mo? Diba secretary ka? Gawin mo nalang. Ang daming Arte." sabi ni Vice sabay irap.

"Makairap toh! Tusukin ko mata mo eh." pabulong na sabi ni Karylle.

"May sinasabi ka ba?" sabi ni Vice at ngumiti pa sarcastically.

"Wala. Sabi ko, ititimpla na kita ng kape." sabi ni Karylle at agad nang lumabas ng opisina.

"Susunod naman pala eh. Dami lang dakdak. Gusto lang yata akong makausap nun eh." Vice said to himself then smirked.

•~•~•~•~•~•~•~•

Maya maya ay pumasok na ulit si Karylle dala dala yung kapeng tinimpla niya para kay Vice. Pinatong niya iyon sa lamesa at napatingin naman siya sa kape at kinuha iyon para inumin na.

"Thank you ha." bulong ni Karylle sa sarili at umupo sa may kaharap na upuan ng desk ni Vice.

"Vice..." pagtawag ng atensyon ni Karylle sa busy-busyhan na si Vice. Ngunit hindi niya nilingon si Karylle.

"Pssst." muling pagpukaw ni Karylle ng atensyon ni Vice pero this time tinignan siya nito.

"What?" walang kaemo-emosyon na tanong ni Vice.

"Usap naman tayo." sagot naman ni Karylle.

"Busy ako... Matatalo ako sa scrabble eh." sabi ni Vice at napapoker face naman si Karylle.

"Busy ka nga..." she paused. "... Edi mag-usap tayo habang busy-busyhan ka maglaro ng scrabble."

"Ayoko." walang kaemosyon paring sabi ni Vice.

"Sige na.." pagpupumilit ni Karylle kaya tinignan siya ni Vice nang matalim.

"Ano bang mahirap intindihin sa salitang A.YO.KO?" pabulong pero madiin na sabi ni Vice.

"Sa Ganda kong to? Hindi ako tumatanggap ng salitang yan." Karylle said while painting a sad smile to her face.

"Kape pa Girl. Kabahan ka naman." sabi ni Vice sabay irap.

"Irap ka nang irap. Mahipan ka ng hangin niyan." sabi ni Karylle na kunwaring natatawa pero binatuhan lang siya ng isang matalim na tingin ni Vice.

"Vice, mag-usap na kasi tayo." pagpupumilit parin ni Karylle.

"Pwede ba Karylle? Ayoko nga. AYOKO!" medyo inis nang sabi ni Vice.

"Gusto lang naman kasi kitang makausap... Yung TAYO." teary eyed na sabi ni Karylle.

"Karylle... Ang tagal nang WALANG TAYO. Simula nung nagdesisyon ka na pakasalan ang kapatid ko! Kaya pwede ba? Do your job." inis na sabi ni Vice. "Kung gusto mo ng kausap.. Kausapin mo yung asawa mo."
Vice said once again. Tears fell down on Karylle's face na agad namang pinunasan nang huli.

"Vice please nama------"

"Karylle, tama na. Hindi pa ko handang kausapin ka ngayon. Pabayaan mo muna ko." mahinahon nang sabi ni Vice.

"S-sige. Labas muna ko. Tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka." Karylle said while detaining her sobs. Tumango nalang naman si Vice at hindi nakatingin kay Karylle.

Tinignan niya lang si Karylle nung lalabas na ng pinto.

"I'm sorry Karylle. I want to move on." bulong ni Vice sa sarili at pinunasan ang tumulong luha sa mata niya.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 29,2015

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon