Last Na :)))

1.3K 37 4
                                    

#EverythingHasChangedFinale

GENERAL POV

Habang tinititigan ni Vice ang kanyang asawa na natutulog ay hindi niya maiwasang magbaliktanaw sa mga pangyayari sa buhay nila bago pa man sila tuluyang naging 'isa'.. Ngayon ay bubuo sila ng panibagong buhay kasama ang kanilang mga anak na binuo sa pamamagitan ng pagmamahal... Pagmamahal na kay tagal nilang inasam.. Maraming naging hadlang pero nanatili parin.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Vice nang may kumatok mula sa labas.. Agad naman niya itong binuksan at nakita ang mga magulang at mga kapatid ni Karylle kasama pa ang kaniyang Ama.

"Pasok ho kayo." magalang na aya ni Vice at nauna na muling pumasok at naupo sa katabing upuan ng hospital bed ni Karylle.
Pumasok naman na ang mga kapamilya nila at pumalibot kay Karylle na mahimbing pang natutulog.

"Nasaan na ang mga apo namin?" nagagalak na tanong ng Tatay ni Vice.

"Nilinisan lang po Tay.. Baka maya maya dadalhin na rin po sila dito.. Makikita niyo na po sila." nakangiting sagot ni Vice.

"Oww, speaking of!" magiliw na pasigaw na sabi ni Zia. Tinignan naman siya ng lahat. "Why?"

"Natutulog pa ang Ate mo." umiiling na sabi ng ina ni Karylle. Tila naalimpungatan naman ito kaya unti-unti nang dumilat ang mga mata. "Ang ingay mo kasi Zia."

"Oops, sorry. Naexcite lang ako kasi nandito na ang babies nila Ate." nahihiya pero masayang sabi pa rin ni Zia.

"Sakto Honey ang gising mo.. Nandito na sila Baby.." pabulong pero malambing na sabi ni Vice sa kanyang Asawa na bakas ang kaligayahan sa mga mata nito.

Lumapit sa kanila ang dalawang nurse na kalong kalong ang kambal nila.
Dahan dahang inilapag ng mga nurse ang baby nila sa magkabilang side ni Karylle..

"Wah... Ang cute ng mga pamangkin ko." nanggigigil na puna ni Zia at akmang kukurutin ang pisngi ng Baby Boy pero pinigilan agad siya ng kanyang ina. "Bakit nanaman po?"

"Zia, new born baby palang sila.. Maselan pa ang mga buto at balat nila.. Kaya magtiis ka muna.. Tsaka baka mausog mo agad sila." pangangaral ng kanyang ina.

Wala namang mapaglagyan ng kasiyahan ang mag-asawang Vice at Karylle dahil sa nakikitang mga munting anghel nila.

"Anak, ano nga pala ang mga pangalan nitong mga apo ko?" tanong ng Ama ni Vice na hinihimas himas ang munting braso ng kanyang apo.

"Emmanuel po si baby boy at Joana Marylle naman yung baby girl." nakangiting sagot ni Vice.

"Wow. Sino nakaisip ng names?" manghang tanong ng Ama ni Karylle.

"Ako po.. si Karylle lang po nakaalala." pabirong sabi ni Vice.

"Talaga lang ha." pagpuna ni Karylle na medyo nanghihina pa.

"Charot lang po. Si Karylle po talaga nakaisip ng names." pagbawi naman agad ni Vice kaya kapwa natawa ang kanilang kapamilya.

"Ikaw talaga..." nakangiting sabi ni Karylle.

"Kaya sa'yo magmamana ang mga anak natin eh." kunwaring nagtatampong sabi ni Vice.

"Speaking of 'namana'. May napansin ako dito kay Baby Boy Emmanuel." nagagalak na sabi ni Coco.

"Ano naman yun Coco?" nagtatakang tanong ng kanilang ina. Lumapit naman si Coco sa Baby Boy.

"Sabi na eh...." nakangiting sabi ni Coco, tinignan na lamang siya ng mga nakapaligid sa kanya. "....Take a look at this cute little curly tiny hair of this Baby boy."

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon