GENERAL POV
"Anak, kwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkakilala ng asawa ni Christian?" maawtoridad na tanong ni Tatay ni Vice sa kanya. Kasalukuyan silang nasa sala.
"Siya yung sinasabi kong naging girlfriend ko dati." tuloy tuloy na sagot ni Vice.
"Ahh." pagsang-ayon nalang ng kanyang Ama.
"Ako naman ang magtatanong, Bakit hindi po kayo pumunta nung kasal ni Christian?" pagtatanong ni Vice.
"Isa lang ang sagot ko diyan, dahil mas pinili kitang kasama kesa sa kanya. Bago pa man kita mahanap.. Pinaimbestigahan kita dahil para makasigurado akong ikaw talaga ang anak ko, isa sa napag-alaman ko na nagkaroon ka ng Nobya. Nalaman ko lang kung sino ang naging nobya mo noong oras na nagpunta ka sa simbahan bago tayo umalis." seryosong sagot ng kanyang Ama na kanyang ikinabigla nang huli.
"H-hindi ba siya n-nagtampo s-sayo dahil k-kasal niya yun a-at wala k-ka?" nauutal pang tanong ni Vice.
"Hindi. Dahil naiintindihan niya kong mas pinili kita dahil ikaw ang tunay kong anak. Masasabi kong mabait si Christian dahil pinayagan niya kong makasama ka." seryoso paring sagot ng kanyang Ama. Vice nodded and Smile to his Father.
"Ganyan kita kamahal, at alam kong mahal ka din ng kapatid mo. Sana ituring mo siyang totoo mong kapatid kahit hindi kayo magkadugo...." seryoso niyang sabi. "......at hindi kayo parehong nanggaling sa akin." pabirong pagpapatuloy niya kaya medyo natawa si Vice.
"Kayo talaga." tanging nasabi nalang ni Vice habang nakangiti.
"Oh, paano ba yan.. Matulog na tayo at maaga pa ang pasok mo bukas. Welcome sa VEC! Congrats my Son!" nagagalak na bati ng Kanyang Ama.
"Nakakaloka naman yung 'Son'. Hahahaha. Thank You 'Tay, pinagkatiwalaan mo agad ako para maging CEO ng kompanya mo." nakangiting sabi ni Vice.
"Nagtitiwala ako sayo dahil Anak kita at wala naman akong nakikitang mali kung ikaw ang magmamanage ng kompanya ko... I mean NATIN. Tutulungan ka naman ni Christian." nakangiting paliwanag ng kanyang Ama.
"Ohh sige na ha, Good Night! Bukas ha!""Sige 'Tay, Good Night din.. Sweet dreams." pabalik na sabi ni Vice at yinakap ang kanyang Ama.
Pagkakalas sa yakap ay umakyat na si Mr. Viceral Sr. At pumunta sa kwarto.Naiwan naman si Vice na nakaupo sa sofa at hawak hawak ang kanyang cellphone na iPhone.
*1 message receive*
Agad niyang tinignan kung sino ang nagtext at nabigla kung sino ang nagtext. Akala niya nabura na ang number niya sa kanya hindi pa pala.
From: BruKa
Hi. It's me again! It's been a long time! Active pa ba tong Number mo KuTe?
Out of the blue moon, hindi maiwasan ni Vice na mapangiti dahil hindi nga pala alam ni Karylle na siya ang may ari ng number na laging tinetext ng dalaga. Nagdadalawang isip siya kung rereplyan niya ba o hindi pero naisipan nalang din niyang replyan dahil alam niya naman sa sarili niya na gusto niyang makausap kahit man lang sa text ang dating nobya at minahal.
*reply*
To: BruKaYup. I'm Here. How are you na Ate?
*1 message*
From: BruKa
I'm okay but I saw him again. I felt nervous when I saw him. Nagbago na siya. Yung pananamit niya. Pero feel na feel ko. Siya parin yung dating minahal ko. Btw, kasal na nga pala ko.
*reply*
To: BruKa
Wow, congrats :)))
*1 message*
From: BruKa
Thanks pero wala lang yun. Mas mahal ko parin yung ex-bf ko.
*reply*
To: BruKa
Oww, tanong lang teh.. Kung may sasabihin ka sa ex mo ano yun? Kunwari ako siya?
*1 message*
From: BruKa
Simple lang ang gusto kong sabihin sa kanya....
Hanggang ngayon Mahal na Mahal ko siya.. Sana patawarin niya na ko sa lahat lahat ng kasalanan ko sa kanya. Sana patawarin niya na ko dahil sa maling desisyon ko. MAHAL NA MAHAL KO SI VICE. ♡♡♡Pagkabasa ni Vice ng mga iyon ay ibinaba na lamang niya ang cellphone niya dahil hindi niya na alam kung ano ang dapat iReply doon. Pinili na lang ni Vice na matulog kaya kinuha niya ang cellphone niya at umakyat at tumungo sa kwarto niya para matulog.
------------------------
Someone's POV
Kasalukuyan akong nasa isang night bar, tutal wala namang pake sakin ang asawa ko. Kaya rin ako nandito dahil sa malaking problema!
"Grade Pre! Naungusan ka agad ng tunay na anak nung baklang inampon ka! Papayag ka ba nun?" sabi ng isa kong kabarkada.
"Tsk. Hindi. Dapat ako ang maging CEO ng kompanya! Ako ang dahilan kung bakit lumago lalo ang kompanyang yun! Hindi ako papayag na mapunta sa wala ang pinaghirapan ko." sagot ko sabay tungga ng beer.
"Kamusta na yung asawa mo?" tanong niya pa ulit.
"Ayaw pa rin niya..." tanging nasagot ko nalang sa kanya.
"Bakit naman? Baka mamaya may ana----"
Bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya ay tinignan ko na siya ng masama.
"Teka Pre, mahal mo ba yung asawa mo?"
"Papayag ba kong magpakasal sa kanya kung hindi? Siyempre, ginusto ko rin yun... Sa katunayan ako ang dahilan kung bakit muntikan nang bumagsak ang kompanya nila." nakangisi kong sagot sa kanya.
"Iba ka talaga 'Pre!" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
"Ako pa ba?" I said the gave him a smirk.
Papatunayan ko sa baklang hukluban na yun na ako karapat-dapat na maging CEO ng kompanya! Ako lang.. Wala nang iba! *evil laugh*
XxxxxxxxxxxxxxxxX
December 28,2015