#47- NiceToMeetYou AGAIN.

739 21 5
                                    

VICE's POV

"Anakkkk, Gising naaaa!!"
Napanulat ako nang biglang may tumawag sakin mula sa labas at kumakatok pa.
"Jose Marie Viceral Jr, malalate na tayo!"

Tumayo na ko at binuksan ang pinto.

"Akala ko naman hindi ka pa gigising. Magbihis ka na 'Nak at baka maLate pa tayo." bati agad ni Tatay nang makita niya ko.

"Ha? Saan tayo pupunta? Maaga pa ehh." pabakla kong pag-iinarte.

"Sa office.. Ipapakilala na kita as the CEO of V-Events Corporation." nagagalak niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.

"C-CEO?" nagtataka kong tanong.

"Oo, matanda na 'ko kaya kailangan nang may pumalit sakin.. Kaya bilang panganay na anak ko.. Ikaw ang papalit sa akin as CEO." paliwanag niya sa akin.

"Wait 'Tay, panganay? M-may iba ka pa bang anak?" may pagtataka ko pa ring tanong. Rinig na rinig ko kasi yung word na panganay? So it means...

"Oo Anak... Si Christian."

---------------

Kasalukuyan kaming nasa loob ng Board Room ni Tatay. Hinihintay pa namin yung ibang employees dito sa kompanya ni Tatay. Medyo hindi pa rin nagSisink-in sa utak ko na may kapatid ako. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin yung napag-usapan namin kanina.

"Christian?" nagtataka kong tanong.

"Si Christian Ismo. Ampon ko lang siya. Masyado kasi akong nalungkot nung mga panahon na wala ka pa, yung nalaman ko na buntis ang Nanay mo sa'yo.. Masyado akong nag-iisip ng kung ano-ano, kung buhay ka pa o tuluyan ka nang inilayo sakin ng Nanay mo. Hanggang sa makita ko si Christian na palaboy-laboy sa kalsada. Dahil nga masyado kitang iniisip, hindi ako nagdalawang isip na kunin siya at alagaan." pagpapaliwanag niya sa akin. "Makikita mo siya mamaya, kasama ang asawa niya."

"M-may asawa na siya?"

"Oo, kinasal siya nung umalis tayo papuntang ibang bansa."

"S-sino po yung napangasawa niya?"

"Sa pagkakaalam ko yung Anak ni Modesto Tatlonghari na isa sa mga kaibigan ko rin naman. Humingi siya sa akin ng tulong dahil ayaw niyang bumagsak ang kompanya niya, kapalit noon ay ipakakasal niya ang panganay na anak niyang babae kay Christian bilang katunayan ng kasunduan namin."

"K-kilala niyo po ba y-yung babae?"

"Sa pagkakatanda ko.. Si.. Uhmm. Karylle.... Karylle Tatlonghari."

---------------

Nabalik ako sa ulirat nang may biglang pumasok sa pintuan. Agad naman silang sinalubong ni Tatay. Pero hindi ako tumitingin sa kung sinong pumasok.

"Good Morning 'Pa." rinig kong bati ng isang lalaki.

"Good Morning po." rinig ko ring bati ng isang babae.

"Good Morning Hijo at Hija." bati sa kanila ni Tatay pabalik.
"Upo muna kayo." anyaya pa sa kanila ni Tatay. Nakita kong bumalik sa kanyang swivel chair si Tatay at umupo sa may kaharap sa upuan yung bagong dating. Sila nga.

"Hangga't wala pa ang iba.." napatingin ako kay Tatay nang magsalita siya. "Christian... Yung sinasabi ko sayong anak ko. Nandito na siya."

"Nasaan si Kuya?" tanong niya kay Tatay kaya tumingin ako sa kanya.

"Ito na siya.. si Jose Marie Viceral Jr..." pagpapakilala ni Tatay sakin sa kanya. "Vice, si Christian." pagpapakilala naman ni Tatay sa kanya.

"Hi Kuya.. Christian." nakangiti niyang sabi at naglahad ng kamay. Agad ko naman yong inabot sabay ngiti. "Pwede mo kong tawaging Kuya Vice, kung gusto mo."

"Okay, Kuya Vice.. Uhmm I would like to introduce to you my wife.. Karylle.." sabi niya sabay kalas sa shake hands at tumingin kay Karylle. Tumingin din naman ako sa ASAWA niya.

"H-hi." nauutal niyang sabi at ngumiti.

"Hello." matapang kong sabi at nginitian din siya pero isang Fake Smile.
"Nice to meet you....... Again."

"N-nice to meet you too... Again." medyo nauutal pa rin niyang sabi pero hindi nawawala ang ngiti niya sa labi niya.

"Wait Kuya Vice, Again? So it means?" nagtatakang tanong ni Christian.

"Yes. We're friends. Long lost friends. Long Time No see, Karylle." nakangiti ko paring sabi. Halata namang nagulat siya sa mga nangyayari ngayon sa loob ng board room.

"Long time no see." nakangiti niya pa ring sagot.

"A small world after all." singit naman ni Tatay kaya napatingin kami sa kanya. "Magkakilala na pala kayo.. Hindi mo nakwento sa akin Anak ha." sabay tapik sa balikat ko. Nginitian ko nalang naman siya.

.
.
.

Maya maya ay dumating na ang ibang employees dahil nga ipakikilala na niya ko bilang kapalit niya sa pagiging CEO ng kompanya. Never in my Wildest Dreams na magiging CEO ako ng isa sa pinakamalaking kompanya sa Pilipinas.

"And now, I would like you to intoduce my Real Son... Jose Marie Viceral Jr. I would like you to know all, that he will be the new CEO of V-Events Corporation. Don't worry because Christian will help him to manage this company." nakangiting pagpapakilala sa akin ni Tatay ay pumalakpak sila habang nakangiti kaya tumayo naman ako sa tabi ni Tatay.

"Thank You po." nakangiti kong pasasalamat sa mainit nilang pagtanggap sa akin. NakakaOverwhelemed.

"Congrats Kuya Vice." bati sa akin ni Christian.

"Thank You, Christian." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Pwede mo naman akong tawaging Chris." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Okay Chris. Thank You." pagtatama ko.

"Congrats Vi--- Kuya Vice." napatingin ako kay Karylle nang bigla siyang magsalita. Tinignan ko naman siya.

"Thanks." sabi ko sabay isang pekeng ngiti. Nginitian niya rin ako na parang okay lang ang lahat.

Sa pagngiti niya parang wala lang nangyari, parang nakalimutan niya na ang lahat. Parang wala nalang sa kanya? Ganun nalang ba kadaling kalimutan ako? Ganun nalang ba niya kadaling kalimutan na kahit minsan sa buhay niya may minahal siyang katulad kong bakla? Ganun nalang ba kadali yun? Okay lang sana kung nagpakasal siya pero ang pinakaiinis ko sa kapatid ko pa.. Sa ampon pa ng Tatay ko.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 28,2015

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon