#63- Proposal♡

1K 32 7
                                    

GENERAL POV

Matapos ang makapagbagbag damdaming senaryo sa aiport ni Vice at Karylle ay nagsimula silang muli ng panibagong relasyon. Nakapagdesisyon din sila na magkakasama nang muli sa trabaho. Patuloy ang magandang relasyon sa pagitan nilang dalawa. Minsan lang naman sila nagkakaroon ng problema na naayos din naman nang huli.

"Vice?" pagtawag nang pansin ni Karylle sa nobyong busy busyhan lang. Kanina pa kasi siya nito hindi pinapansin sa hindi malamang dahilan.

"Babe?" pagtawag niyang muli using her 'malambing' tone.

"Bee?!" malambing na pagpapansin ni Karylle. Napatingin naman sa kanya si Vice.

"Lunch na tayo." malambing pa rin niyang sabi.

"Karylle, kung gusto mo nang magLunch.. Mauna ka na." tila malamig na sabi ni Vice.

"Eh gusto ko ikaw ang kasabay ko eh." malambing na sabi ni Karylle sabay pout.

"Karylle, hindi mo ba naintindihan? Ayoko pa nga kumain... Nandyan si Coco ohh. Siya nalang isabay mo. Tutal masaya naman kayo kapag magsama kayo." seryoso at malamig na sabi ni Vice. Tila nabuo ang puzzle sa utak ni Karylle kung bakit malamig ang pakikitungo ng kanyang nobyo sa kanya.

"Don't tell me, nagseselos ka kay Coco?" pigil tawang sabi ni Karylle.

"Hindi ako nagseselos. Ano ka Chixx?" medyo inis na sabi ni Vice sabay irap.

"Luh luh.. Tong Boyfriend ko ohhh... Ang cute mo talaga magselos." sabi ni Karylle na di na mapigilang matawa.

"Wag kang tumawa.. Seryoso ko." halatang seryosong sabi ni Vice.

Magsasalita pa sana si Karylle nang may narinig siya mula sa ilalim ng lamesa kaya agad niya itong tinignan. Matawa-tawa si Karylle nang makita kung ano ang nasa ilalim ng lamesa.. May tinatapakang bottle of mineral water si Vice. Agad niyang binalik ang tingin sa nobyo.

"Hindi pala nagseselos ha?" nakangising sabi ni Karylle.

"Hindi naman talaga eh." naiinis paring sabi ni Vice habang tuloy tuloy na tinatapakan nang madiin ang plastic bottle.

"Hindi? Sure ka? Kulang na nga lang masira yung plastic bottle na tinatapakan mo." matawa-tawang sabi pa ni Karylle.

"Bakit? Masama bang tapakan ang plastic bottle?" seryoso paring tanong ni Vice.

"May nakwento kasi sa akin si Anne..." huminto si Karylle at ngumisi kay Vice. "... Kawawang kawawa daw yung bote ng tubig dahil nagseselos ka daw nun kay Paolo.. Yung baklang nakapartner ko dati sa photoshoot. Ngayon, sabihin mo saking hindi ka nagseselos." taas kilay at nakacross arms na sabi ni Karylle.

"Okay Fine.. Nagseselos na kung nagseselos.. Happy now?" sabay irap na sabi ni Vice.

"Bakit ka naman nagseselos kay Coco?" maawtoridad na tanong ni Karylle.

"Ehhh kasee eh!!!!" pabaklang pag-iinarte ni Vice. "Kung makadikit sayooo." poker face na sabi ni Vice.

"Oh.. Anong problema doon?" natatawang sabi ni Karylle.

"Naiinis ako kapag may lumalapit lapit lang sayo.. Gusto ko ako lang." sabi ni Vice sabay pout.

"Ang arte naman ng jowa ko ohh." natatawang sabi ni Karylle at tumayo sabay lapit kay Vice.

"FYI, Mr. Viceral... Meron nang girlfriend si Coco." paliwanag ni Karylle at umupo sa lap ni Vice sabay akbay. Hinawakan naman ni Vice ang bewang ni Karylle.

"I love you.. Bee." malambing na sabi ni Karylle at nilapit ang mukha sa mukha ni Vice. 

"I Hate you.." sagot ni Vice kaya napapout naman si Karylle. "...I hate you for making me jealous. Ikaw lang nagpadama sa akin ng ganto.."

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon