#7- Walang taytel

848 26 2
                                    

Karylle's POV

"Karylle!!!" napalingon ako kung saan nanggaling ang boses.... Si Vice. Kilala pa pala niya ko.

Napakunot ang noo ko dahil may parang tumusok sa underarm ko.

Nakatingin parin ako sa direksyon nila Vice kasama ang kaibigan niyang si Vhong.

"Who You?"

Bigla nalang lumabas sa mga bibig ko yung dalawang salitang 'yun. Kung baga, hindi ko mean na sabihin yun. Kahit medyo malayo siya mula sa kinatatayuan ko. Alam kong nabasa niya ang mga labi ko.

Nakita ko kasi siyang parang nalungkot? At tinapik pa siya ni Vhong.

"Tama na muna yan mga kababayan." nakangiting sabi ni Mama sa mga nagpapapicture sakin.

"Thank You guys." nakangiti kong sabi sa kanila.

Agad naman silang umalis pati narin yung mga nagkukumpulan at hindi ako nagawang lapitan dahil may mga body guards kami.

Tuluyan kaming nakapasok sa palengke. Namiss ko 'tong palengke na ito.

Si Mama ang namimili ng mga kakailanganing gulay at karne. At ako naman ang nagbabayad. May ibang tindera ang gustong makipagpapicture na agad ko namang tinutugunan.

Hindi ko maikakailang, napapatingin ako sa kung saan ang pwesto ni Vice.

Doon parin pala siya.

"Anak, Okay na ito. Umuwi na tayo." nakangiting sabi ni Mama.

"Sure ka Ma? Ayos na yan?" paninigurado kong tanong sa kanya. Tumango nalang naman siya bilang sagot.

Lumabas na kami ng palengke at pumasok sa kotse. Binuksan ko naman sandali yung bintana ng kotse at nagpaalam sa mga kababayan namin.

Pagkatapos ay umuwi nalang din kami kaagad.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX

Vice's POV

"Who You?"

Sino nga ba ako?

Pati ako, hindi ko narin alam kung sino ba ako?

Siguro nga kinalimutan niya na ko.. After Two years?

Masasabi kong napakalaki na ng pinagbago ni Karylle.

Sabagay, sikat na sikat na nga naman siya. Kaya malamang, kinalimutan niya na yung mga masasama at masasakit na nakaraan.

"Uy Brad, ang gaganda ng mga designs mo ah." pag-uusisa ni Vhong habang isa isang tinitignan yung mga designs sa gowns na sana balang araw maging totoo.

Nginitian ko nalang siya sa sinabi niya habang nagdadrawing parin.

"Kailan kaya to magiging totoo?" tanong niya pa habang tinitignan parin yung mga papel na puro designs.

"Hindi siguro mangyayari yan." medyo malungkot kong sabi.

Maaga nga akong umuwi kanina galing palengke, sobrang tumal kasi. Lalo na nung pumunta si Karylle, halos lahat ng mamimili doon bumili sa mga binilhan ng BruKang yun!

"Ayyyy!! May naalala ko." napatingin naman ako sa kanya. "May kakilala akong pwedeng pwede mong pagbigyan ng mga designs mo.. At alam ko nangangailangan siya ngayon."

"Talaga ba? Kailan ka pa nagkaroon ng kakilalang ganyan?" natatawa kong sabi.

"Grabe ka Brad. Ako pa ba?" pagmamalaki pa niya.

"Ewan ko sayo." tumingun ulit ako sa dinodrawing ko.

"Oo nga Brad! Si Mr. Yuzon ng Yuzon Modeling chuchu yata yun? Basta. Kaibigan ko yun." nagmamalaki pa niyang sabi.

"Gago ka pala eh. Modeling pala eh. So it means, hindi nila kailangan ng designs ko kasi malamang ang mas kailangan nila ... Mga model." suwestyon ko sa kanya.

"Hindi Brad. Promise! Sinabi niya pa nga sakin yun eh. Tsaka ayaw mo ba nun? Once na macover yung mga designs mo, hindi lang yun ang sisikat pati ikaw! Makikita na sa mga tabloids ang pangalan mo! 'Jose Marie Viceral, pinakamagaling na Designer sa buong mundo.'" tila namamanghang sabi niya.

Natawa nalang ako sa mga sinabi niya at panandaliang nag-isip sa mga sinabi ni Vhong.

"Okay Sige. Bukas? Pwede ba?" tanong ko sa kanya at parang nagliwanag ang mukha niya.

"T-talaga? Oo brad! Bukas na bukas! Maaga ha? Tatawagan ko na si Mr. Yuzon." nakangiti niyang sabi sabay tango.

Nakita ko siyang kinuha ang cellphone niya at may dinial. Siguro si Mr. Yuzon.

"Loudspeaker ko Brad ah." sabi niya kaya tumango nalang ako. Nakinig ako sa pinag-uusapan nila habang tinatapos ang ginagawa ko.

Vhong: Hello Mr. Yuzon?

Mr. Yuzon: Yes Ferdinand?

Vhong: Diba naghahanap ka ng fresh and new designs?

Mr. Yuzon: Yes! Yes! Meron na ba?

Vhong: Yes Mr. Yuzon. Yung kaibigan ko. I assure you, sobrang ganda ng mga designs niya.

Mr. Yuzon: Owww, gusto ko siyang makausap at makita yung mga designs niya. Kailan ba siya free?

Vhong: Bukas?

Mr. Yuzon: Tomorrow.... Hmm.. Okay okay. I want to see him or her?

Vhong: HIM.

Mr. Yuzon: okay? Him, I want to see him tomorrow. I think morning? 8 AM sharp.

Vhong: Okay. Copy Mr. Yuzon.

Mr. Yuzon: Okay bye.

Inend na ni Vhong ang call at tumingin sa akin.

"Gago ka talaga ano? Inemphasize mo pa yung 'HIM', nakakaloka toh!" bulyaw ko sa kanya at binato siya ng lukot na papel.

"Eh Him ka naman talag Brad ehh. Him ka kasi may 'Ano' ka pa naman diba?" pang-aasar niya pa.

Binato ko ulit siya ng lukot na papel.

"Oh, Brad. Bukas ah. 8AM sharp daw!" pagpapaalala niya. "Sige na, uuwi na ko. Malamang bubulayawan nanaman ako ng magaling kong nanay." paalam niya.

"Sige lang. Pero uy. Samahan mo ko bukas ah.." sabi ko sa kanya.

"Sige lang. Wala man lang 'Thank You Vhong'" sabi niya pa sakin.

"Bukas nalang pag natanggap nung Mr. Yuzon yung mga designs ko. Tsupee naaa!" pagpapalayas ko sa kanya.

"Yan tayo ehh. Sige Babye!" sabi niya at umalis na.

Oh My ghad. Ramdam ko. Ito na ang chance ko para mapakita sa buong Pilipinas o buong mundo ang talento ko.

Sana bukas na agad.. EmZo Eggzoiteddd.. ^o^

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Sorry kung Laging maikili yung updates ko Guys, mahirap kasi magtype ditey sa cellphone ko ehh. MaLog kasi... Yun lang.. Byee. :)) )

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon