VICE's POV
Bukas kasal ng kliyente namin. Natapos na namin lahat ng preparations mula sa paggaganapan hanggang sa reception nila. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Karylle simula nung nangyari yung gabing iyon. Hindi ko alam kung anong mangyayari once na may mabuo. Urgh! Kasalanan ko ito eh. Mabuti na rin siguro na iwasan ko siya, tutal ito naman ang gusto ko diba?!
"Brad!" nagulat ako nang biglang tumapik sa balikat ko... Si Vhong lang pala. "Mukhang malulunod ka na sa lalim ng iniisip mo ha!" dagdag niya pa at umupo sa tabi ko dito sa buhanginan.
"Wala toh. Inaalala ko lang kung may gagawin pa tayo ngayon. Nabobored kasi ako. Bukas, uuwi na tayo ulit sa Manila." pagsisinungaling ko sa kanya.
"Kilala kita Brad, sure akong hindi yan ang iniisip mo." sabi niya at tinignan ko. Nakatingin siya sa malayo.
"Sa tagal nating magkaibigan, ngayon ka pa magsisinungaling sakin! Bad ka!" parang batang sabi niya. Napakaisip bata talaga nito.
"Ano bang dapat kong sabihin sayo?" patay malisya kong tanong sa kanya at tumingin nalang din sa malayo.
"Yung iniisip mo kanina.. Hula ko yung nangyari sa inyo ni Karylle?" rinig kong sabi niya.
"Alam mo pala eh, nagtanong ka pa?" pamimilosopo kong sabi sa kanya.
"Siyempre.." sabi niya at panandaliang natawa. "Anong plano mo kung sakaling mabuntis siya?"
"Magtatatalon." pabiro kong sagot sa kanya.
"Tangina ka! Umayos ka Brad!" natatawang sabi niya kaya natawa nalang din ako.
"Kota ka na sa kamumura sakin ha! Nagsasabi lang ako ng totoo.. Magtatatalon ako!" natatawa kong sabi sa kanya.
"Magtatatalon sa saya?" tanong pa niya.
"Hindi... Magtatatalon ako.... Kasi malamang paluin ako ni Tatay." pabiro ko paring sagot sa kanya.
"Kahit kailan ka talaga hindi ka seryoso kausap. Lahat nalang dinadaan mo sa biro." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita siyang umiiling.
"Anong magagawa ko? Mas mabuti nang masaya lang at wa-------"
Naputol ang sasabihin ko nang may dumapong kamao sa panga ko. Sinuntok lang naman ako ni Vhong. Hinawakan ko ang panga ko at pareho kaming natawa.
"Aray ha! Bakit kailangan manuntok? Kaloka to!" natatawa kong sabi na nakahawak parin sa panga ko.
"Tangina ka kasi! Gago!" natatawa pa niyang mura sakin.
"I Love You too ha!" medyo natatawa ko ulit na sabi sa kanya.
"Sorry na Brad, Kiss ko nalang!" sabi ni Vhong sabay lumalapit sa'kin.
"Hoy! Pakyu ka Navarro!" pasigaw kong sabi sa kanya using my manly voice sabay tinutulak siya palayo. Natawa lang naman ang magaling kong kaibigan..
"Hoy Hoy! Anong nangyayari dito?" nabigla kaming dalawa nang may ngangabu na nagsalita.
"Hi Babeee!" bati ni Vhong at parang si Flash na nakatayo agad at lumapit kay Anne.
"Panira ka talaga ng moment Ngangabu!" pabiro kong sabi sa kanya sabay irap at tumayo narin habang pinapagpagan ang bandang pwetan ko.
"Tse!" sabi niya sabay irap.
Natawa lang naman kami ni Vhong kaya tinignan siya nang masama ni Anne kaya napahinto siya sa pagtawa.
"Kayong dalawa talaga!" tila inis na sabi ni Anne sabay irap... "Nandyan nga pala si Christian. Sumabay na daw tayo magLunch."
------------------------------------
KARYLLE's POV
Hanggang bukas nalang kami dito sa Subic pero wala namang nangyaring maganda. Simula yung nangyari yung gabing yon... Feeling ko lalong lumalayo si Vice. Lalo siya naging cold sa akin. :(((
*toktoktok*
Agad kong binuksan at nakita si Anne.
"K, nandito yung asawa mo." pabulong niyang sabi sakin.
"Hello Baby." napatingin ako sa taong nagsalita sa likod niya.... Si Christian. Palapit siya sakin at yinakap ako. "I missed you." dagdag pa niya. Yinakap ko naman siya pabalik.
"Uhmm, mauna na muna ko. Moment niyo eh." paalam ni Anne. Kumalas sa yakap si Christian at tumingin kay Anne.
"Nasaan sila Kuya Vice?" pagtatanong ni Christian kay Anne.
"Nasa may tabing dagat eh. Gusto mo ba tawagin ko na?" sagot ni Anne kay Chris.
"Sige. Sabihin mo, sabay sabay na tayo magLunch." nakangiting sabi ni Chritian at hinawakan ang kamay ko. Hinawakan ko naman siya pabalik.
"Sige. Sure." nakangiting sabi ni Anne at bumaba na. Bumalik naman ang tingin sa akin ni Chris.
"May sasabihin ka sakin mamaya." walang kaemo-emosyon niyanh sabi at madiin na hinawakan ang kamay ko bago ako hilahin para bumaba na kami.
*sa loob ng resto*
"Chris, bakit hindi ka naman nagpasabi na pupunta ka pala dito?" tanong ni Vice kay Chris habang kumakain kami ng Lunch.
"Namiss ko na kasi ang asawa ko. Sure naman akong namiss din ako nito eh." sagot niya sabay tingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Diba, Honey?" nakangiting sabi niya sabay hawak sa kamay ko nang madiin.
"O-oo. Na-namiss kita." nauutal kong sagot sa kanya.
"Ang cheesyy naman! Alam mo ba Sir, may nang----------------"
Biglang sinubuan ni Billy si Liz kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya.
"Ha? Anong may nang?" naguguluhang tanong ni Chris kay Liz.
"Wala! Sabi ko nang----- imbitahan kami sa kasal nung kliyente namin." halatang pagsisinungaling ni Liz dahil pinandilatan siya ni Vice.
"Ahh, nabalitaan ko nga yan.. Kaya nga naghanda ako ng susuotin ko, Mr. Ta-mad is my friend actually. Kaya nalaman ko at nakapaghanda pa ko." nakangiting sabi ni Chris kaya napatango nalang sila at pinagpatuloy ang pagkain nila.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
Pagkatapos naming kumain ay hinila nanaman ako paakyat ni Chris at pumasok sa kwarto namin nila Anne at nilock ang pinto. Pinaupo niya ko sa kama.
Kita kong kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya at ibinigay niya saakin kaya kinuha ko agad yon. I was shocked nang makita ko kung ano yung nasa picture.... Kaming dalawa ni Vice na naghahalikan sa may tabing dagat.
"EXPLAIN THAT FVCKING PICTURE OF YOU AND KUYA VICE!" pasigaw na sabi ni Chris. Hindi ako makasagot. "FUCK! KARYLLE, ASAWA NA KITA! BAKIT PATI SI KUYA VICE.. NILALANDI MO?!" dagdag na sabi pa niya na pasigaw parin.
"UTANG NA LOOB! ANO BANG MERON KAYO?! DI--DIBA, MAGKAIBIGAN LANG KAYO? MAY NAKARAAN BA KAYO O SADYANG... SADYANG GANYAN KA LANG KALANDI?" pasigaw at tuloy tuloy niyang sabi. Nasasaktan man ako sa mga sinasabi niya kailangan ko paring pigilan ang sarili ko.
"FUCK! MAGSALITA KA! KAILAN KA PA NAPIPI? SIGURO TAMA LANG AKO, KASI SIGURO SADYANG MALANDI KA LANG AT NAPILI MO PANG LANDIIN YUNG... BAKLANG KAPATID KO!?" pasigaw niyang sabi. Hindi ko na kaya.. Napapikit ako ng mariin bago siya tignan at magsalita.
"OO! MAY NAKARAAN KAMI NI VICE! SI VICE NA BAKLA?! SI VICE NA UNA AT HULING LALAKING MINAHAL KO NA HANGGANG NGAYON, MAHAL KO PARIN! WALANG PAPALIT SA KANYA SA PUSO KO! LALONG HINDI IKAW!"
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 31,2015
