#38- Honey♡Bee

760 31 2
                                    

GENERAL POV

Pagkatapos maglunch ay agad namang bumalik si Vice at Karylle sa opisina.

"Ma'am, may naghahanap po sa'yo.." magalang na sabi ni Anne kay Karylle.

"Let him in." pormal na utos ni Karylle. Agad namang sumunod si Anne at pinapasok ang naghahanap sa kanya.

"Oh, Ninong.. What brings you here?" pagbati ni Karylle at agad na bumeso sa Ninong niyang pulis.

"Well Karylle, this is all about the case you want to file to Mr. Yuzon." pormal at hindi ngumingiting sabi ng Ninong niya.

"Bad News or Good News ba yan Ninong?" tanong ni Karylle habang inaayos ang mga papeles sa lamesa niya.

"Bad News." pagkasabi nun ng Ninong niya ay bigla siyang napahinto sa ginagawa niya at tumingin sa kausap. "I'm sorry Karylle, nahuli kami ng dating sa bahay niya. Wala na siya dun. At tanging mga kasambahay nalang ang natira. Pero, if you want.. I will send some guards to guard you wherever you or your family go."

Hindi agad nakapagsalita si Karylle dahil sa mga narinig. Parang nabingi siya at nabasag ang eardrums.

"S-sige Ninong. Thank you." tanging nasabi ni Karylle at sabay pekeng ngiti.

"As soon as possible, ipadadala ko na yung mga gwardya at mga pulis. I'm going now, marami pa kasi akong aasikasuhin." paalam ng Ninong niya. Tumango na lamang siy at ngumiti.

Pagkalabas ng Ninong niya ay ang pagpasok naman ni Vice.
Hindi napigilang maiyak ni Karylle dahil parang nawawalan na siya ng pag-asa para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Vice.

"K, umiiyak ka ba?" may pag-aalalang tanong ni Vice habang papalapit kay Karylle.

Agad namang pinunasan ni Karylle ang mga luha niya bago tumingin kay Vice.

"H-hindi ah." pagtanggi naman ni Karylle.

"Hindi daw. Eh ano yang ilong mo. Ang pula? Alangang nilagyan mo yan ng blush on? O baka ikaw si Honesto? Pwamishh!" pabirong sabi ni Vice.

Gumaan naman ang loob ni Karylle at ngumiti.

"Yown! Ngumiti ang jowa ko. Yiee." nakangiting pagpuna ni Vice.

"Thank you ha. Pinapagaan mo loob ko." nakangiting sabi ni Karylle.

"Wala yun. Para saan pa pagiging Boypren ko sayo." sabi ni Vice sabay kindat.

"Ewan ko sayo."

"Teka.. Honey, bakit ka ba umiiyak?" may pag-aalalang tanong ni Vice.

"Honey?" nagtatakang tanong ni Karylle.

"Oo. Honey. Naisip ko lang. CS natin." nakangiting sabi ni Vice.

"C.S.?"

"Call Sign." ♡.♡

"Ah, as in endearment?"

"Pareho lang yun. Ano bang pinagkaiba nun?"

"Spelling." pambabara ni Karylle.

"Hahahaha. Nakakatawa yun! Pramis!" natatawang sabi ni Vice. Napailing naman si Karylle habang nakangiti.

"Basta.. Ang tawag ko sayo 'Honey' tapos tawag mo sakin 'Bee'." sabi ni Vice.

"Bakit naman yan pa napili mong endearment?" natatawang tanong ni Karylle.

"Kaya ako 'Bee' kasi hindi ko kayang walang 'Honey' sa buhay ko." seryosong sabi ni Vice.

"Ewan ko sayo." sabi ni Karylle pero deep inside kinikilig.

"Ewan daw. Pero putok na putok blush on ehh ohh." pang-aasar ni Vice sabay turo sa pisngi ni Karylle na nagbaBlush.

"Hoy Trabaho muna tayo BEE ha." pagtataboy kunwari ni Karylle.

"Ang sarap naman pakinggan nun, Honey." kinikilig na sambit ni Vice.

"Bee, doon ka na. Labas na. May tatapusin pa ko eh." pagpapaalis ni Karylle kay Vice.

"Ito namang jowa ko. Tinataboy ako. Kish mo muna si wakla." sabi ni Vice sabay pout.

"Ayoko nga. Nasa opisina pa tayo Vi----"

"Bee." pagtatama ni Vice.

"Okay Bee, labas ka muna ha. Trabaho muna tayo." nakangiting sabi ni Karylle.

"Isang Ki------"

Naputol ang sasabihin ni Vice nang halikan siya ni Karylle. Hindi lang basta smack. Matagal-tagal ding halik nang biglang may pumasok.

"Ma'am K.... May photoshoot........ Oops."

Kumalas bigla si Karylle sa pagkakahalik kay Vice at tumingin sa kakapasok lang.

"Mukhang busy kayo ah. Trabaho muna uyyy." natatawang sambit ni Anne.

"Tse ka Anne! May Vhong ka naman ah! Doon ka magpatuka.---- ARRRAYYYY! Mapanakit ka talagang babae ka." napatili si Vice nang biglang may dumapong palad sa braso niya.

"Hahahahaha. Iinform ko lang naman si Ma'am K na may photoshoot siya bukas ng umaga. Yun lang." natatawa paring sabi ni Anne.

"Yun lang ba? Alis naaa." pagpapalayas ni Vice kay Anne.

"Sumabay ka na Mr. Viceral." natatawang sambit ni Karylle.

"Ayern! HAHAHAHA." pang-aasar na sabi ni Anne.

"Ayy.. *tinignan ng masama ni Karylle* sabi ko nga po diba. Sasabay na kay Anne." pasukong sabi ni Vice.

Pagkalabas ni Anne at Vice at naiwan namang mag-isa si Karylle sa opisina niya at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa kanina pa.



XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 22,2015

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon