Karylle's POV
Naiwan akong nakaupo dito sa opisina ni Yael. Hawak hawak ko pa rin yung folder na ni Vice na may laman ng mga designs niya.
Iniisa isa ko ito. At hindi ko maikakailang, magaganda ang mga designs at baka isang araw maging damit narin ito. Makikita sa mga magazines. At baka maisuot ko pa yung iba.
Naramdaman kong nalungkot siya sa sinabi kong hindi ko siya kilala. Well, for the first place yun naman ang intensyon kong sabihin pero hindi ko inasahan na malulungkot siya. Siguro mali lang ang iniisip ko.
Yung baklang yun pa? Walang puso yun. Hindi nga nagawang magsorry sakin nun dati. Psh. Asa pa ko.
Hindi niya alam sa pagpasok niya ulit sa buhay ko... I mean sa company na ito. Sa pagpasok niya dito, maraming magbabago sa buhay niya. Hindi niya aasahan ang mga gagawin ko sa pagpasok niya dito. Lalo na't amin ang company na ito.
Well yes. This Yuzon Modeling Company is ours. How?
*****Flashback*****
"Ma, Zia, Coco.. Aalis na ko ha? Mahal na mahal ko kayo at mamimiss ko kayo." pigil iyak kong sabi.
Yinakap ko sila Mama na ngayon ay umiiyak dahil aalis na ko papuntang America dahil nga pumayag akong magModel sa YMC. Hindi ko na natanong kay Mr. Yuzon kung bakit sa ibang bansa agad dahil nangangailangan din kami ng pera ngayon.
"Mag-ingat ka doon, Anak ha? Mamimiss kita." humahagulgol na sabi ni Mama na inaalo naman ng mga kapatid ko.
"Zia, Coco.. Aalagaan niyo si Mama habang wala ako ha? Every month naman magpapadala ako." pagpapaalala ko sa kanila. Tumango naman sila.
"Sige na. Baka maLate pa kami sa flight." pagpapaalam ko.
"Bye Ate.. Mag-iingat ka ha."-Zia & Coco
Matapos kong magpaalam sa pamilya ko. Sumakay na ko sa kotse ni Mr. Yuzon. Sinundo niya pa ko. Medyo nakakahiya pa nga eh.
Pagkarating namin sa airport ay hindi ko naiwasang magtanong.
"Uhm, Mr. Yuzon ---"
"Just call me Yael." nakangiti niyang pagputol sa sinasabi ko.
"Okay. Y-yael, uhmm. Ano... Ba.. Bakit sa America agad ako magMomodel? Ehh.. Diba parang ano naman.." nahihiya kong tanong sa kanya.
"You will know kapag nandoon na tayo." nakangiti niyang sagot. Nanahimik nalang ako.
Maya maya ay tinawag na ang para sa flight namin.
Binitbit ko na yung maleta ko at pumasok sa eroplano.
Mahaba habang biyahe at nakarating na kami sa America. Ang lamig pala talaga dito kaya agad akong nagsuot ng jacket. Patong patong pa.
Bumyahe ulit kami ni Mr. Yuzon papunta daw sa bahay niya? Bakit sa bahay niya?
"Malapit na tayo Karylle." simple niyang sabi.
Maya maya ay nandito na kami sa bahay niya.
"Welcome to your House." nakangiti niyang sabi sakin.
"Huh?" nagtataka kong sabi.
"Karylle?" napatingin ako kung saan nanggaling yung boses......si Papa.
"Karylle.. Anak?" pagtawag niya sakin habang lumalapit siya.
"P-papa? Bakit k-ka nandito?" may pagtataka ko pang tanong. Tumingin siya kay Mr. Yuzon nang makahulugan.
![](https://img.wattpad.com/cover/55724868-288-k453609.jpg)