#31- Eh-EM & Em

785 30 0
                                        

KARYLLE's  POV

"Anak.." napatingin ako sa may reflection mula sa salamin ko.

"Bakit po Ma?" tanong ko kay Mama habang naglalagay ng light make-up at pink lipstick.

"Sure ka na ba sa gagawin mo?" tanong niya habang papalapit sa akin sabay hawak sa balikat ko.

"Yes Ma. Tinatakot niya na ko. Kapag hindi ko pa ito ginawa, baka kung anong mangyari sa inyo. Ayokong mangyari yun nang dahil lang sa akin." may halong pag-aalala kong sabi habang sinusuklay ang kulot kong buhok.

"Anak, mahal mo pa ba si Vice?"
Natigil ako sa pagsusuklay at tumingin kay Mama.

"Kailangan ko na po bang sagutin agad ngayon yan Ma?" medyo pabiro kong sabi pero mukhang seryoso si Mama.

"Seryoso ako Anak, mahal mo pa ba siya? Yung taong sinaktan ka na't lahat." may pangangambang sabi ni Mama. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.

"Siguro nga Ma, sinaktan niya ko at parang kung titignan.. Magpapakatanga nanaman ako para sa kanya. Pero Ma, mahirap diktahan ang puso eh. Kahit anong pilit kong isipin na HINDI Ko na siya mahal. Pero yung puso ko. Siya pa rin ang sinisigaw." sabi ko at napayuko ako.

Hinawakan ni Mama ang chin ko at itinaas ang mukha ko. "Anak, hindi pagpapakatanga ang ang ginagawa mo. PAGMAMAHAL. Sadyang may mga tao lang na akala nila porket nagmamahal ay nagpapakatanga na. Mali yun. At Anak, kung papipiliin ka. Piliin mo nang sundin ang puso mo alam mo kung bakit?" tinignan ko siya nang hindi maipaliwanag. "Dahil Anak, kapag buhay lang isang tao gumagana ang utak." sabag turo sa sentido ko. "Pero ang puso once na huminto yan sa pagtibok, pati ang isip o utak mo.... Hindi na gagana." napangiti ako sa sinabi niya.

"Hindi naman porket sinaktan ka niya ng isang tao, hindi ka na magtitiwala ulit. Everyone deserves a second chance." nakangiti niyang sabi na naging dahilan para mapangiti rin ako.

"Thank you, Mama." tangi kong nasabi sabay yakap sa kaniya, yinakap niya rin ako pabalik.

"Ana Karylle, Zsazsa.. Naghihintay na si Kumpadre sa ibaba.." napatingin kami pareho ni Mama sa may pinto.

"Sige Pa." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tara na anak. Basta, sabihin mo sa kanya ang totoo. Para masiguradong maging maayos ang pagsasampa ng kaso kay Yael." sabi ni Mama habang nakahawak sa kamay ko. Huminga ako nang malalim at tsaka tumayo.
Lumabas kami si Mama ng kwarto ko at bumaba na para harapin ang kaibigan ni Papa na pulis.

---------------

VICE's POV

"Himala Baks, ikaw ang nag-aya ngayon magBoy Hunting ha." pang-aasar ni Buern sa akin.

"Bakit? Masama ba? Ngayon na nga lang eh. Baka ayaw niyo? Pwede namang wag nalang." sarkastiko kong sabi.

"Itech naman si memer! Hindi mabiro ehh. Tara na. Eggzoitedd na meeh!!" hindi naman halatang excited sila ano?.


---------------

Pagkadating namin sa magulong gay bar. As usual, iniwan nanaman ako ng mga bakla na nakaupo sa couch dito sa bar. Parang wala naman pogi dito. Puro chararat. Iinom nalang ako.

"Hello."

Muntik ko nang mabuga ang ininom ko nang may tumabi at magsalita.

"H-hi." kegwapo ng nasa harapan ko ah.

"I'm Josh. And you are?" sabi niya sabay lahad ng kamay para sa shakehands.

"Vice. You can call me Vice." nakangiti ko namang sabi sabay abot ng kamay niya at nakipagshake hands.

"Okay Vice. Bakit mag-isa ka lang?" tanong niya sakin at kumalas na sa shakehands.

"Actually, hindi ako mag-isa nandun kasi yung mga kaibigan ko sa may dancefloor. Nagboboyhunt." pag-amin ko sa kanya.

"Ahh I see." sabi niya sabay tumatango.

Nginitian ko naman siya. Inaamin ko nagagwapuhan ako sa kanya pero wala akong ibang nararamdaman.

Nararamdaman kong lumilibot ang kamay niya sa likod ko.

"Uhm, Josh.. Y-yung kamay mo." pagpuna ko sa kanya.

"Why?" patay malisya niyang sabi.

Napalunok ako dahil lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

"EHEEEEEEEEM.."

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Ang weley nenemen neng teytel XD hahahaha sorrna. Gebye. 12/19/15.)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon