KARYLLE's POV
Maaga akong nagising, nakatalikod ako kay Yael. Yung akala kong rerespetuhin ako, siya rin pala ang bababoy sakin. Tumayo na ko mula sa kama at kinuha ang mga damit kong nakakalat sa sahig.
"K?" napatingin ako sa kanya na pupungas pungas pa.
Tinignan ko lang siya habang nagbibihis.
"K, I'm so----"
Hindi ko siya pinatapos at sinampal ko siya.
"FUCK YOU! NAPAKAWALANGHIYA MO." hindi ko na napigilang umiyak.
"K, I'm so sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sorryy. Karylle." sabi niya habang sunod sunod ang paghampas ko sa kanya.
"Karylle, hindi ka naman mabubuntis eh.. Gumamit ako nang pangprotekta. K!!"
Tinigilan ko ang paghampas sa kanya at inayos ang sarili ko.
"W-wag ka nang m-magpapakita s-sakin!" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
Tinalikuran ko na siya na napasabunot pa.
Nsgcommute nalang ako pauwi, malamang hinahanap na ko nila Mama. Malamang nag-aalala na sila sakin.
----
"Mama." pigil luha kong sabi. Kaharap ko sila Mama, Papa at dalawa kong kapatid.
"Anak, ano ba talagang nangyari? Bakit hindi ka umuwi kagabi ha?" may halong pag-aalalang sabi ni Mama.
"M-mama... S-si Yael. Binaboy niya ko. M-mama..." tugon ko habang hindi ko na napigilang umiyak sa harap nila. Naramdaman kong kinomfort ako ng mga kapatid ko.
"Tarantado pala yang Yael na yan eh!! Papapulis ko yang Putang inang lalaking yan! Hindi ako makakapayag na binanoy ang unica hija ko!" pasigaw na sabi ni Papa habang sinusuntok ang sofa.
"Papa, wag n-na po. Ayos n-na s-sakin k-kung wala nalang s-siya sa k-kompanya." sabi ko habang tumingin kay Papa na halatang galit na galit.
"Anak.. Hindi pwedeng ganoon lang. Dapat natin siyang ipa----"
"Pa, ayos na saking hindi nalang siya makita. Sinigurado naman niyang hindi ako mabubuntis." paninigurado kong sabi kay Papa.
"Sige Anak, para sa'yo."
Yinakap nila ako bilang comfort. Kahit papaano blessed parin ako dahil nagkaroon ako nang pamilya katulad nila.. Kahit nakuha na ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko.
----------
VICE's POV
Alas otso na, wala pa rin si BruKa. Ano kayang nangyari kagabi? Nag-aalala ako para sa kanya.
"Huy Gurl? Kanina pa ko nagsasalita dito, nakikinig ka ba?" napatingin ako kay Anne.
"H-ha ano ba yun?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ko, kami na ni Vhongskie." kumikinang pa ang mata niya habang sinasabi niya yun..
"Ahh. Ganun ba? Congrats." wala pa rin sa wisyo kong sabi sa kanya.
"Teka nga. Bakit parang kanina ka pa wala sa sarili mo ha?" tanong niya sakin.
Hindi ko na siya nasagot kasi nakita ko si Karylle na pumasok sa opisina niya parang wala sa mood.
"Wait lang. Nandyan na si Ma'am." sabi ko sabay tayo.
Naisipan ko munang magtimpla ng kape para kay Karylle. Pagpasok ko sa opisina niya habang hawak ang kapeng ginawa ko. Walang CREAMER dahil ayaw niya nga nun.
Nakita ko siyang nakasandal sa swivel chair at nakapikit pero umiiyak(?) siya.
Linapitan ko naman siya para tingnan kung talagang tama yung nakikita ko.. Umiiyak nga siya. Dahan dahan kong nilapag ang tasang may kape sa table niya pero nakalikha parin iyon ng kaunting ingay.
"What are you doing here?"
Napatingin ako sa kanya.
"Uhmm, nagdala lang po ako ng kape para sayo.." pagpapaliwanag ko.
"Thanks." simple niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Your Welcome." nakangiti kong sabi pero sa loob loob ko nag-aalala para sa kanya kasi ngayon ko lang siya nakitang umiiyak.
Palabas na sana ako ng opisina niya nang tawagin niya ko.
"Vice." napatingin ako sa kanya habang suot ang isang ngiti. "Sorry sa inasal ni Yael kagabi."
"Ha, wala yun Ma'am. Dapat hindi ko na siya sinagot kagabi eh. Ako ang mas nagkamali. Kahit papaano kasi boss parin siya. Nasaan na nga po pala siya?" magiliw kong sabi sa kanya.
"Hindi na siya papasok dito." simple niyang sabi habang iniinom ang kapeng ginawa ko.
"Po?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko alam kung anong mga sinasabi niya.
"Basta. He will never work here again." pormal niyang sabi.
"Uhm, ano.. Pwede po bang magtanong?"
"Nagtatanong ka na."
"Ano... Uhmm. Anong nangyari kagabi? Parang kasing inis na inis si Mr. Yuzon kagabi eh? Ahh by the way Ma'am, Sorry nga pala." napakamot batok kong sabi.
"Sorry for what?" tanong pa niya.
"Dun sa...." sabi ko sabay nguso. Narinig ko siyang napatawa ng konti.
"I get it. Don't worry. Wala sa akin yun." nakangiti niyang sabi. Mukhang nanlalabo na ang mata ko. Nakikita ko siyang ngumingiti saakin.
"A-ahh. Basta Ma'am Sorry." kamot ulo kong sabi.
"Okay nga lang Mr. Viceral....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
By the way, ang lambot ng lips mo."
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: SORRY SA CHAPTER 24 HEHEHE. SOWWEEE. KOTA VICERYLLE KANINAAAAA!! WOOOAAAAAH!!! XD gebye. December 17,2015)
