VICE's POV
"Pogi Brad ah!" puna ni Vhong habang inaayos ko ang suit and tie na susuotin ko para sa wedding ng kliyente namin.
"Kadiri ka! Kating-kati na nga ako sa suot ko ngayon eh." kunwaring nandidiri kong sagot sa kanya at kunwaring nangangati.
"Wag ako Brad! Mas malala pa nga yung ginawa niyo ni K-----"
Hindi ko pinatapos si Vhong sa pagsasalita at binato sa kanya yung suklay na hawak ko.
"Pakyu ka talaga! Kapag ikaw, narinig ka ni Christian!" medyo pabulong kong sabi sa kanya at nag-iispray ng cologne sa sarili ko.
"Brad, diba.. Sinundan mo si Christian at Karylle kahapon nung tapos na tayong magLunch?" biglang tanong ni Vhong kaya napatingin ako sa kanya.
"Oo." simpleng sagot ko nalang sa kanya at naupo sa gilid ng kama ko para isuot ang black shoes.
"Bakit mo nga pala sinundan?" medyo halatang nagtatakang tanong ni Vhong. Tinignan ko naman siya bago siya sagutin.
"Napansin ko kasing ang diin ng hawak ni Chris kay... kay.. Karylle kahapon, tapos idagdag mo pa yung paghila ni Chris. Sino bang hindi magtataka?" I paused at nakikinig lang si Vhong sa akin. "Pabagsak na sinara ni Chris yung pintuan at lumapit malapit sa pinto.. Sandaling katahimikan tapos narinig kong sumigaw si Chris........"
"EXPLAIN THAT FVCKING PICTURE OF YOU AND KUYA VICE!"
"FUCK! KARYLLE, ASAWA NA KITA! BAKIT PATI SI KUYA VICE.. NILALANDI MO?!"
"UTANG NA LOOB! ANO BANG MERON KAYO?! DI--DIBA, MAGKAIBIGAN LANG KAYO? MAY NAKARAAN BA KAYO O SADYANG... SADYANG GANYAN KA LANG KALANDI?"
"FUCK! MAGSALITA KA! KAILAN KA PA NAPIPI? SIGURO TAMA LANG AKO, KASI SIGURO SADYANG MALANDI KA LANG AT NAPILI MO PANG LANDIIN YUNG... BAKLANG KAPATID?!"
"OO! MAY NAKARAAN KAMI NI VICE! SI VICE NA BAKLA?! SI VICE NA UNA AT HULING LALAKING MINAHAL KO NA HANGGANG NGAYON, MAHAL KO PARIN! WALANG PAPALIT SA KANYA SA PUSO KO! LALONG HINDI IKAW!"
"Yun ang huli kong narinig kay Karylle at bumaba na ko.." pagkukwento ko kay Vhong.
"Bakit naman nagalit si Christian?" tanong niyang muli.
"H-hindi ko alam, basta kasama ako sa usapan nila..." medyo naguguluhan ko ding sagot.
Tumango nalang naman si Vhong.
Maya maya may kumatok at pinagbuksan naman agad ito ni Vhong.
"Babe, tara na! Naghihintay na sila sa babà." rinig kong sabi ni Anne at tumayo naman na ko.
"Wow! Gurl, Pogi mo ngayon ah!" rinig kong papuri ni Anne.
"Nakakadiri kayo! Magsama nga kayong dalawa!" sabi ko sabay tulak kay Vhong palapit kay Anne. Tuwang tuwa nanaman ang loko dahil nakayakap siya kay Anne. "Ingat ka dyan Ngangabu! Manyakis yan!"
Nakatanggap nanaman ako ng hampas sa braso.. -,-
"Hahahaha, tara na nga!" natatawang aya ni Anne.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
"Thank You Mr. Viceral for coming." bungad samin ni Mr. Ta-mad at nginitian siya.
"No Problem, Mr. Ta-mad." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Mr. Ta-mad, magsisimula na po." nakangiting sabi ng isang matangkad at meztisang babae. Umupo naman na kami sa nakaAssign na upuan para samin. Magkakatabi kami ni Vhong at Anne. Siyempre magkatabi ni Chris at Karylle. Si Billy ang kumuha ng picture sa kaganapan sa kasal.
Magsisimula na.
Naglalakad na sa gitna ang bride.
Siguro kung kami pa rin ni Karylle ngayon, ganto rin ang ending namin... Yung ikakasal kami, pero wala eh.. Bakit ko ba iniisip toh?!
Bumalik ako sa wisyo nang nakarating na pala sa harap ng Pari ang bride. Panandaliang nagdasal ang Pari at nagsermon. Oras na para sa palitan ng vow nila.
"Hi, alam ko naman na unang una palang bakla ako. Until you came, ang lakas mo teh!" pabaklang sabi ni Mr. Ta-mad at maraming natawa at isa na ko doon. ".... Ewan ko ba, ang lakas ng converting power mo! Nainlab si Bakla! Kaya nga nandito tayo ngayon, nasa harap ng maraming tao at nasa harap ng Altar.. Isa lang ang dahilan ko kaya napili ko dito sa beach ganapin ang kasal natin dahil para kitang kita at rinig na rinig ni GOD ang pangako ko sayo.... Na ikaw ang una at huli kong babaeng mamahalin. I Love You!" medyo naluluhang sabi ni Mr. Ta-mad at nagpalakpakan naman ang lahat ng guests. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya..
"Kruk Kruk Inumerzz! Hahaha. Alam mo na ibig sabihin niyan dahil kasama kitang pinanood ang movie na yun!" natatawang simula ng Bride. ".... Hindi ko inisip na macocomvert pala kita kasi, mas mayaman ka kesa sa akin... Ewan ko ba kung bakit ako nainlove sa'yo. Nakakainis ka kasi eh! Kahit bakla ka ang pogi mo sa paningin ko! Ayos na yun! Alam ko namang excited ka na sa honeymoon mamaya! Hahahaha. I Love you Too, Bakla." natatawa pero sweet na sabi ng Bride.
Sa nasasaksihan ko ngayon, feeling ko nakikita ko sa kanila yung kaming dalawa ni Karylle. Magpapakasal tapos magkakaroon ng pamilya.
"Brad, bakit umiiyak ka?" pabulong na sabi ni Vhong sa akin. Agad ko namang pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.
"W-wala. M-may naalala lang ako." pagdadahilan ko nalang.
Natapos ang kasal ng kliyente namin ng maayos at punong puno ng kasweetan at kung minsan tawanan.
-.-.-.-.-.-.-.--.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-
"Hindi magiging maayos ang kasal namin kung hindi maayos ang pag-oorganize ni Mr. Viceral."
Nagulat ako nang biglang tawagin ni Mr. Ta-mad ang pangalan ko kaya nakangiti nalang ako and mouthed him, 'Thank You Sir.'
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Mr. Ta-mad, thank you na pinagkatiwalaan mo kami na mag-organize ng kasal niyo." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ako ang dapat magpasalamat, Thank You very much Mr. Viceral." nakangiti niyang sabi at nakipagshake hands pa.
"Sige po, mauuna na rin po kami.. Baka gabihin na po kasi kami eh." paalam ko sa kanya.
"Sige, ingat kayo. Thank you ulit." nakangiti niyang sabi at bumalik na ko sa table namin at umalis na kami.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
"Brad, bakit ka ba naiyak kanina?" biglang tanong ni Vhong habang pare-parehas kaming inaayos ang mga damit namin sa sari-sarili naming bag.
"Luh? Umiyak ka Viceral? Bakit ka naman umiyak?" nagtatakang tanong naman ni Billy.
"Wala yun.." depensa kong sagot.
"Wala?" nakangising patanong na sabi ni Vhong. Kaya umiling nalang ako.
"Okay, sabi mo wala eh. Alam ko namang sasabihin mo rin sa amin yan! Pagbalik natin sa Manila!" sabi ni Vhong at nagbelat pa kaya napailing nalang ako sa kanya.
Mukhang wala nanaman akong kawalaaaaaaa.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 31,2015
A/N: HAPPY NEW YEAAAAR! :)))
