KARYLLE's POV
Kinabukasan linggo. Walang pasok sa opisina. Ngayon ko napagdesisyonan na gawin ang plano ko. Hindi para kay Vice kung hindi para kay Yael.
Lumabas na ko ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Itinali ko ang buhok ko nang paBun style. Nagluto ako nang kung anong pwedeng lutuin. Nagsangag din ako para paggising nila Mama, kakain na lang sila.
Tiyempo naman, pagkatapos kong magluto. Isa isa nang nagising ang mga mahal ko sa buhay.
"Good Morning Papa, Mama." bati ko sa kanila.
"Good Morning 'Nak." bati pabalik sa akin ni Mama.
"Good Morning my Baby." pabalik na bati naman sa akin ni Papa.
"Kain na kayo. Nagluto po ako." magiliw kong sabi.
"Ang aga mo yata nagising? Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi?" tanong ni Mama habang sumasandok ng kakainin niya.
"Mga 10 o'clock na rin po Ma. May tinatapos pa po kasi akong gawin sa opisina but Don't worry, kumain po ako. You know Aling Naty, right?" sagot ko kay Mama at umupo sa vanity chair sabay sandok na rin ng kakainin ko.
"Oo naman. Bakit doon ka kumain sa kaniya?" tanong muli ni Mama.
"Uhm, tell you the truth Ma. Pinasabay ko sa akin pauwi si Vice. Hindi daw kasi siya nagising nung mga kasamahan niya kaya hindi siya nakauwi ka agad. So, I decided na sumabay nalang siya sa akin. It's too late na rin kasi." pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Wait, did I hear the name 'Vice'? If I'm not mistaken, siya ang dahilan kung bakit ka naBroken Hearted. Your Mom told me." tila kumunot naman ang noo ni Papa.
"Yes 'Pa. But let's move on. It's been 2 years." sabi ko sabay pakita ng dalawang daliri.
"I know but---"
"No more Buts Papa, well.. We're okay now." paninigurado kong sabi sa kanya. "By the way, I need to tell you something."
Tumingin naman sila sa akin na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"I decided na.... I will sue Yael."
----------
VICE's POV
"BRAAAAAADDD!!!!"
Napabalikwas ako nang tayo sa kama ko nang biglang mag nambulabog sakin.
"Utang na loob. Hindi ako mayaman, parang awa mo na wag ko kong sasaktan." mabilis kong sabi at may narinig akong tumatawa... Si Vhong. Ang magaling kong kaibigan.
"Shet! Anong oras na? MALALATE NA NAMAN AKO!" natatakot kong sabi at agad na kinuha yung tuwalya ko at papasok na sana sa banyo.
"BRAD! LINGGO NGAYON! HAHAHAHAHA." natatawang sabi niya sa akin. Napatingin naman ako agad sa kalendaryo. Linggo lang nga ngayon. Bumalik ako sa may kama at naupo nalang muna sa gilid.
"Ano bang kailangan mo nanaman Navarro? Aga aga nambubulabog ka." medyo naiirita kong sabi. Sabi nga nila. Biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising.
"Gusto ko lang malaman kung totoo bang, SI MA'AM KARYLLE at MR. YUZON na?????" medyo pasigaw niyang sakin.
"Hoy, yung talsik mo lumalaway!" medyo pabiro kong sabi.
"Sorry na! Sagutin mo nalang yung tanong ko. Ano? Sila na ba?" paulit ulit niyang tanong.
"Aba malay ko. Bakit ko naman malalaman yun? Ano ba ko sa kanya, hamak na empleyado lang naman ako." sabi ko na parang nag-eemote.
"Ayyayyy, grabe yung hugot ah." medyo nang-aasar niyang sabi.
"Tse!" tanging nasabi ko lamg matapos sabihin ni Vhong yun. Sila na? Edi SILA NA! WALANG FOREVER! Pero bakit masyado akong apektado? Kulang lang siguro ako sa paghahanap ng boys. Nakapaligid kasi sakin kung hindi bakla puro babae. Makakalimutan ko siguro ang nararamdaman ko para sa BruKang yun kung maghahanap ako ng lalaki. Tama! BOY HUNTING!!!!!!
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
#Banban101
(A/N: ANONG PLANO NI K PARA KA YAEL? ABANGAN SA NEXT CHAPTER.! December 19,2015.)