Karylle's POV
"Karylle, pwede ba kitang maging Girlfriend?"
"Karylle, kahit Bakla ako.. Mahal na mahal kita.."
"Karylle, ikaw ang magpapaligaya sa mga magulang ko kahit nasa kabilang buhay na sila."
"Ikaw ang una at huling babaeng mamahalin ko."
"Karylle, I Love you Very Much!"
"IkH4w Lh4nGszx S4pH4t nH4! I Love youuu!"
Naniwala ako sa mga hirit mo Vice. Akala ko totoo lahat.. Akala ko Mahal mo talaga ko.. Isang malaking 'Akala' lang pala ang lahat..
Dati, gustong-gusto kitang mahalin...
Ngayon, gustong-gusto na kitang murahin..
Ang tanga tanga mo kasi Karylle!! Ang tanga tanga mo.. Bakit ba kasi pinagsiksikan ko pa ang sarili ko sa taong simula't sapul pala ay ayaw na talaga sakin..
Ayan tuloy dahil sa katangahan ko.. Pinaglaruan lang niya ang feelings ko.
"Hindi man lang niya ko binati man lang nang Happy Monthsary.. Edi sana man lang naging Happy Break-up man lang.." bulong ko sa sarili ko..
Nandito lang naman ako sa bar. Nagpapakalasing para naman makalimot sa mga nangyari. Para makalimot kahit sandali sa ginawa sakin ni Vice..
"Hi Miss.." nagulat ako nang may biglang tumabi saking unano este tao pala..
"Gusto mo maging model?" tanong niya sakin.. Tinignan ko naman siya..
"Ako? Model? Ang pangit ko kaya." sabi ko sabay tungga ng ng beer.
"Hindi naman Miss. Kanina pa nga kita tinitignan eh. Perfect curves of yours. Perfect na perfect to be a model.. Ang ganda mo pa lalo sa malapitan." pagpuri niya pa sakin.
"May pagkamanyak ka pala eh." bulong ko sa kabilang side para hindi niya marinig.
"Pag-iisipan ko muna pwede??" tanong ko sakanya.
"Sure.." sagot niya sabay may kinuha sa may Bulsa niya.. Isang calling card. Iniabot niya sakin ito at kinuha ko naman.
Ysmael Yuzon
09********
Yuzon Modeling CompanyNagulat ako nang mabasa ko kung ano yung company name na nakasulat sa calling card, napatingin naman ako sa kanya.
"I-ikaw ang may-ari ng YMC?" tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala.
Ang YMC ang isa sa pinakamalaking kompanya ng mga magazine magazine..
Hindi pala basta basta tong lalaking to.. Bigatin!
"Not really, actually my Dad.. Ibibigay niya lang sakin ang kompanya once na magkaasawa na daw ako."
pagsagot naman niya.
"Ahh, okay.. Bakit ikaw ang naghahanap sa mga magiging model? Wala ba kayong utusan?" dire-diretso kong tanong sa kanya. Nakakapagtaka lang kasi.
"Meron syempre pero mas gugustuhin ko nalang na ako na mismo ang maghanap dahil mas may tiwala ako sa taste ko.." sagot naman niya kaya napatango nalang ako.
"By the way, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo?"
"I'm Karylle, Mr. Ysmael Yuzon." magiliw kong sabi sabay shake hands.
"You can call me Yael for short." sabi niya sabay kalas sa shake hands.
"So, Karylle? Tawagan mo lang ako if ever na makapagdecide ka na. Lalo kang gaganda.." sabi niya sabay kindat. Napangiti nalang ako at nakita ko siyang lumakad na palayo.
-,--,--,--,--,-
Pagkatapos ko magpakalasing, umuwi na ko.
Naabutan ko pa si Mama na nakahiga sa sofa namin.
Dahan dahan lang akong naglakad ngunit may natapakan akong kakaiba.
Yung laruan ni Lauren.
Dahil sa pagkakatapak ko dun, naglikha tuloy iyon ng ingay na nagsanhi ng pagkagising ni Mama at agad na napatingin sakin.
"Oh, Ana Karylle. Nandyan ka na pala. Kumain ka na ba?" may pag-aalalang tanong ni Mama sabay lapit sakin.
"Bakit parang amoy alak ka? Kailan ka pa natutong uminom na bata ka?" kumunot bigla ang noo ni Mama nang maamoy ang alcohol sa akin.
"Break na kami." simple kong sabi kay Mama. Tila may namumuo nanamang luha sa mga mata ko..
Naramdaman kong yinakap ako ni Mama. Yinakap ko naman siya pabalik. Hindi ko na napigilan, tuluyang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko..
"Iiyak mo lang Anak, pero sana pagkatapos mong umiyak.. Wala na ang sakit na nararamdaman mo. Kung iniisip mong mahina ka at iniiyakan mo ang katulad niya, nagkakamali ka. Tandaan mo, umiiyak ka dahil gusto mo na siyang kalimutan. Marami pang lalaki sa mundo na kaya kang mahalin nang buong buo."
gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Mama sakin.
Kahit hindi niya pa alam ang buong pangyayari, nabigyan niya agad ako ng advice.
Minsan iniisip ko kung kaano ano ba ni Mama si Madam Auring eh.
Kumalas si Mama sa yakap at pinunasan ang mga luha sa mukha ko gamit ang mga hinlalaki niya.
"Magpunas ka muna Anak bago ka matulog. Bukas wala na rin yan.. Fake a smile and move on" napangiti ako sa sinabi ni Mama. Saan ba niya nakukuha yung mga hugot niya.
"Okay Ma, Good Night." paalam ko sa kanya at nginitian niya lang ako.
Pumasok na ko sa kwarto at humarap sa salamin.
Wala namang mali sakin?
Bakit lahat nalang iniiwan ako..
Bakit yung iba kayang kaya lang akong paglaruan..
Kinuha ko sa bulsa ko yung calling card na binigay ni Mr. Yuzon....
Tanggapin ko na kaya to?
Hindi naman para sa sarili ko tong gagawin ko ehh.
Para kay Mama, para sa mga kapatid ko.
Inilapag ko na muna ang calling card sa may harap ng salamin..
Nagpunas na ko ng katawan at nagpalit ng damit at naghanda na para matulog....
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
(A/N: Okay.. Wattapuchupuchu update HAHAHAHA. sorry na mga sibs.. Yan lang muna ang nakayanan ko.. Boat naman kayo. Charot XD gebye)