GENERAL POV
Gising parin ang lahat pwera lang kay Vice at Karylle na ganoon pa rin ang posisyon nila. Nakasandal ang ulo ni Karylle sa balikat ni Vice.
"Guys...." biglang pagtawag ni Vhong sa mga kasama na nasa likod. "... Owww." tanging nasabi niya nang makita ang posisyon ni Vice at Karylle.
"Kanina pa sila ganyan." pabulong na sabi ni Kaye kay Vhong na napangisi dahil may iniisip na naman na trip sa dalawa. "Hoy Navarro, iba yang ngisi mo ha!" pabulong paring sabi ni Kaye. Tumingin naman si Vhong kay Billy at kinalabit kaya napatingin ito sa kanya.
"Bakit?" pabulong na tanong ni Billy.
"Pahiram ng cellphone mo." nakangisi paring bulong ni Vhong.
"Anong gagawin mo?" maawtoridad na tanong muli ni Billy.
"Basta.. Masaya toh, dalii na.. Pahiram!" pagpupumilit parin ni Vhong kaya naman wala nang nagawa si Billy kundi ibigay sa kanya ang cellphone niya. Agad nilagay ni Vhong sa 'camera' at tinutok sa natutulog na Vice at Karylle.
"Huy Navarro, anong plano mo?" pabulong na tanong ni Vhong.
"Watch and learn." pabulong na sabi ni Vhong. Agad niyang kinlick ang capture button pero sa kasamaang palad may flash pala ito. "Pataaaay." pabulong na sabi ni Vhong. Dahil sa liwanag na nagflash ay unti unting dumilat si Vice at nakita si Vhong na hawak ang cellphone ni Billy at nakatutok pa sa kanila kaha naman napakunot-noo siya bigla.
Gumawa naman agad ng Aksyon si Vhong at tinanggal ang pagkakatutok ng cellphone sa kanila."NAVARROOOOOOOO!!!!!!" bulyaw ni Vice kay Vhong na naging dahilan para magising si Karylle at pupungas-pungas pa.
"HOY! FERDINAND! AKIN NA YANG CELLPHONE! PAKYU KA TALAGA!!!"Natatawa naman ang mga kasama nila sa loob ng sasakyan dahil sa ginawang pangtitrip ni Vhong kay Vice.
"Hoy! Tangina ka! Akin na yung cellphone!" bulyaw parin ni Vice na sinubukan pang tumayo pero nauntog pa siya kaya umupo siya ulit.
"Wala naman Brad eh!" depensa ni Vhong.
"Wala! Pagnakita ko yan sa Instagram! Tangina ka! Kalimutan mo nang magkaibigan tayo!" bulyaw ni Vice at napacross arms habang nakakunot-noo pa.
"Abangan niyo nalang sa Instagram!!" natatawang pang-aasar ni Vhong.
"Gagi ka talaga!" pagmumura pa ni Vice kay Vhong habang tawanan pa rin nang tawanan ang iba nilang kasamahan.
"Tama na nga yan! Malapit na tayo sa SUBIC!!!!" natatawang pag-aawat ni Kaye sa kanila.
Umayos naman na ng upo si Vice.
"Ano bang itsura ko nung pinicturan ako ni Vhong?!" nakabusangot ang mukhang tanong ni Vice kay Kaye."Hindi lang naman ikaw ang pinicturan ni Vhong eh..." pigil tawang sagot ni Kaye. "... Actually kayong dalawa ni Karylle." pagpapatuloy pa ni Kaye kaya lalong napakunot ng noo si Vice.
"Nakapatong yung ulo ni Karylle sa balikat mo. Kaya napagtripan ka ni Navarro." pigil tawa paring sabi ni Kaye. "Aabangan ko yun ipost ni Billy sa IG!"
"Bully! Ipost mo na nga!" pautos na sabi ni Vhong kaya nakatanggap siya ng malutong na batok mula kay Vice.
"Ito na! Sandali lang!!" tumatawang sabi ni Billy. "TAPOS NA! tingnan niyo nalang tapps iLike niyo at iRepost! Hahahaha."
"Fvck you kayong dalawa!" nakapoker face na sabi ni Vice.
Karylle on the other hand ay tahimik lang na nakikinig sa pagtatalo ng iba at tinignan ang pinost ni Billy sa IG.
@billyjoecrawford
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~~~
Peace tayo Brad! Napag-utusan lang!
@josemarieviceral @anakarylle*insert picture na naka-patong ang ulo ni Karylle sa balikat ni Vice*
"Ang sweet niyo dito oh, Brad!" pang-aasar pa ni Vhong at niLike ang pinost na picture ni Billy.
"Ganda ng Caption Billy Boy! Nice one!" natatawang sabi naman ni Anne.
"MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG.." pakantang pang-aasar ni Billy at Vhong sabay nagtawanan ang lahat habang tahimik pa rin si Karylle at nakapoker face si Vice.
"Wala nang dapat ibalik, dahil wala nang pag-ibig." walang kaemo-emosyon na sabi ni Vice at sumandal.
"Wiwww, hugot!" pigil tawang sabi ni Vhong.
-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-,-
After almost 3 hours na biyahe ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon nila. Pagpasok nila sa kanilang pagtutuluyan.
"Tatlong room lang ang napaRent namin dito.. Kada isang room may tatlong bed.. So, sino ang magkakasama?" tanong ni Karylle sa mga kasamahan.
"Mas safe kung magkakasama nalang yung TATLONG BOYS." sagot ni Billy at tumingin kay Vice. "KASAMA KA VICE."
"Malamang.." sabi ni Vice sabay irap pa.
Pagkatapos magdesisyon kung sino ang magkakasama ay nagpunta na sila sa kani-kanilang kwarto. Magkakasama sila Vice,Billy at Vhong; sila Anne, Karylle at Kaye; si Liz lang mag-isa sa isang kwarto dahil mas gusto niya daw kasing mag-isa. Magkakaroon lang siya ng kasama kung susunod talaga si Coleen sa kanila.
Sa Kwarto ng BOYS...
Nag-aayos sa kani-kanilang gamit sila Billy, Vhong at Vice habang nag-uusap.
"Kayong dalawa! Ang lakas niyo talagang mangtrip ano?" kunot-noong sabi ni Vice sa dalawa.
"Sorry na nga Brad eh!" kamot-ulong sabi ni Vhong.
"Viceral, tanong lang.. Wala ka na bang nararamdaman para kay Karylle?" sumeryosong tanong ni Billy.
"Wala na." tuloy tuloy na sagot ni Vice.
"Talaga lang ha?" nakangising sabi ni Vhong at agad naman siyang tinignan nang masama ni Vice. "Oyoyyy. Sige na. Wala na kung wala."
"Kung meron pa, wala na rin namang kwenta diba? Kasal na siya.. Kasal na siya ng kapatid ko." seryosong sabi ni Vice at nahiga na para makapagpahinga kahit konti. Nagkatinginan naman si Billy at Vhong.
'Wala na nga.'
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
December 30,2015