#26- Close kaya kami :P

802 29 2
                                    

Vice's POV

"Okay nga lang Mr. Viceral. By the way, ang lambot ng lips mo."

Napatingin ako bigla sa kanya nang sabihin niya yun.

"Ohh, why are you looking me like that?" medyo natatawa niyang sabi.  Hindi ako makasagot. Tumatawa siya?

"Hey, anong nangyari sayo?" bigla lang akong bumalik sa wisyo nang sabihin niya yun.

"H-ha? A-ano po yun?" tila wala sa sarili kong sabi sa kanya.

"Hahaha, Back to work Mr. Viceral." nakangiti niyang sabi parin. Parang natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginagawa niya at ipinapakita sa akin.

"Uy, Vice! Anyare?" sabi niya at nakalapit na pala siya sa akin.

"Ayy, Ma'am s-sige labas na ko." paalam ko sa kanya at natatawa nanaman siya.

"By the way, tell other employees na sabay sabay tayong kumain ng pizza for merienda later ha? And pwede bang sabay tayo magLunch?" paghingi niya yata ng pabor.

"S-sige po. Ahh, Ma'am layo layo ng konti.. May electric current (KARENT) na dumadaloy eh." pagsang-ayon ko. Medyo natawa siya sa huli kong sinabi. Ang lapit niya kasi masyado eh.

"Okay. Tell them ha?" paninigurado niyang sabi sabay layo sakin at bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair. Sakang talaga siya.

Lumabas na ko nang opisina. Sinara ko ang pinto at pagharap ko ay nakapalibot ang mga katrabaho ko sakin.

"May dapat ba kaming malaman, Mr. Viceral?" napatingin ako kay Billy na parang may pang-aasar na tono.

"Ha? Ano bang dapat niyong malaman?" natatawa kong sabi pero parang mga seryoso sila. Nagpeace sign naman ako bigla.

"Ano ba talaga kayo ni Karylle MyLoves?" napatingin naman ako kay Jhong na parang naiirita?

"Wala naman." nakangiti kong sabi. "Close lang kami."

"Oo nga, close sila. Sa sobrang close nila halos maghalikan na sila sa loob ng opisina." may pang-aasar na sabi ni Dingdong.

"Nakooo Gurl, akala mo hindi namin nakita ha?! Akala mo lang yun. Kitang kita kaya namin." pang-aasar pa ni Anne.

"Tse nga kayo! Pinapasabi pa nga pala ni Ma'am Karylle, mamaya daw magmerienda daw tayo nang sabay sabay. Oorder daw siya ng pizza para satin." pagbabalita ko sa kanila.

"Wow bago yan ah."

"Akala ko hindi na mauulit yan."

"Oo nga eh, antagal din niyang hindi ginawa yan ha."

"Oyoy! Back to work na." sabi ko sa kanila habang umiiling.

Pagkasabi ko nun ay nagsibalikan na sila sa mga kani-kanilang table. Bumalik nalang din naman ako sa table ko.

----------
Lunch Time.

12:14 PM na hindi pa rin lumalabas si BruKa sa opisina ha. Beyen, gutom na ko eh.

Nagpunta na ko sa opisina niya. Konti uwang lang ng pinto kasi may kausap yata siya.

"Pwede ba? Wag ka nang babalik dito. I don't want to see you anymore."

"Respeto? Pinigilan ang sarili mo? What the Fvck? Kailan ka pa nagkaroon niyan?"

"Oo, minahal mo ko pero binaboy mo ko. At utang na loob, wag ka nang magpapakita dito."

"Oo, mas gusto ko pa si Vice kesa sayo. Kahit bakla siya marunong siyang rumespeto ng babae."

"Nung nakita mo kaming naghahalikan, wala yun at tsaka ano bang paki mo? Pinaiinit mo lang ang ulo ko eh."

"Don't you dare do that!"

"Utang na loob, wag mo silang idadamay."

"Oo, sige itutuloy ko yung paghihiganti ko. HINDI KO NA MAHAL SI VICE."

Hindi ko na napakinggan ang iba pang pag-uusap ni Karylle sa telepono. Ewan ko pero parang nasaktan ako sa mga huli kong narinig. Bakit ang big deal sa akin nun? Bakit masyado akong naaapektuhan?

"Vice, sabay ka na samin." aya ni Kaye.

"Sige, sabay na ko." sabi ko sabay pekeng ngiti.

"Akala ko tatanggi ka nanaman eh. Tara na." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila pa ko.

Hindi na ko sasabay magLunch kay Karylle. Mukhang okay na siya kay Mr. Yuzon. <////3

XxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Pssst Guys, sorry ulit sa CHAPTER 24 XD Part kasi yun ehh. Serrne he? ^______^ December 18,2015.)

Everything Has Changed||ViceRylle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon