General POV
Kinabukasan, naisipan ni Karylle na pumunta sa palengke upang makabili ng mga gulay at karne na iluluto ng kanyang ina.
"Anak, sigurado ka bang sasama ka sa palengke? Baka pagkaguluhan ka lang roon?" may pag-aalalang sabi ng Mama ni Karylle.
"Oo naman po Ma, ngayon na nga lang po ako makakabalik doon eh." nakangiting sabi ni Karylle sa kanyang ina.
"Eh, pano kung makita mo si Vi-----" naputol ang sasabihin ng kanyang ina nang magsalita siya.
"Tara na Nay, para maaga tayong makauwi at makapagluto."
"Sige." simpleng tugon ng Ina ni Karylle sa kanya.
Lumabas na sila ng bahay at sumakay sa mamahaling sasakyan at nagtungo na sa palengke.... Palengke kung nasaan si Vice.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
Vice's POV
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
"Sabi ko, Bumalik na si Karylle"
Parang sirang plaka na ang utak ko dahil paulit ulit nalang yung mga naririnig ko.. Kasi naman si Vhong eh!
"Huyy Ate!" bumalik ako sa wisyo nang makita ko si Kyle, yung babeng Kulot.
"Oh, nandyan ka pala Kyle.." bati ko sa kanya.
"Kanena pa Ate. Parang wala ka sa pag-iisip kanena eh." medyo may pang-aasar na sabi niya sakin na naging dahilan para pareho kaming matawa.
"Oo na. Sige, ano ba ang bibilhin mo ngayon?" medyo natatawa ko paring tanong sa kanya.
"Yun po ulit, katulad nung kahapon." nakangiti niyang sabi.
"Yung totoo? Baka maHigh blood na kayo niyan, puro ganito ang binibili mo ah.." sabi ko habang naghihiwa ng kasim ng baboy.
"Eh, hendi ko ren alam Ate eh." sabi niya habang nagkamot ng batok niya.
Natawa nalang ako sa inaasta niya. Inabot ko na yung binili niya at nagbigay na rin siya ng saktong bayad para doon.
"Sige na Ate ha.. Bukas ulit." nakangiti niyang paalam. Nginitian ko nalang siya pabalik.
Maya maya...
"BRAAAAAAAAAADDD!" pasigaw na sabi ni Vhong habang nakikita ko siyang tumatakbo papalapit sakin?
"Braaaaaaadddd!!"
"Bakeeeeet?" sarkastiko kong sabi habang ginagaya siya.
"Si... Si... Si... K-K-- Karylle." hinihingal niyang sabi. "Nandoon! Nandoon! Nandito siyaaaaa."
"Yung totoo? Nandito o Nandoon?" sarkastiko ko paring sabi.
"Basta Brad! Nandito siya sa palengke." pagbabalita niya pa.
"Ehh, ano namang gagawin ng sikat na model dito sa palengke?" tanong ko sa kanya habang tinataboy ang mga langaw sa mga paninda ko.
"Baka magmomodel?" pagbasag niyang sabi sakin.
"Ha-ha-ha." sarkastiko kong tawa.
"Hindi mo ba pupuntahan?" medyo hindi na siya hinihingal.
"Bakit ko pa siya pupuntahan?" pabalik na tanong ko sa kanya habang nagtataboy parin ng langaw.
"Baka naman gusto mo lang." sabi niya sabay kamot sa batok. Napailing nalang ako.
"Tara na nga." pag-aya ko sa kanya. Biglang parang nagliwanag naman ang mukha niya.
Pareho kaming tumakbo kung nasaan daw si Karylle.
Nakita naming maraming nagkukumpulan na mga tao.
Nakisiksik kami sa kumpulan ng mga tao. Puro "ano bayan!" ang narinig namin.
Nakarating kami sa unahan at nakita namin si Karylle.
Kumakaway kaway siya at may ibang nagpapapicture sa kanya.
Anong gagawin ko?
Bulong ng isip ko.
Ano nga ba ang dapat kong gawin?
"Brad, tawagin mo na!" pabulong na sabi ni Vhong.
"Pano?" tanong ko sa kanya.
"Edi tawagin mo sa pangalan niya. Ganoon lang kasimple." pabulong parin niyang sabi.
"Alam ko. Pero mahirap eh." medyo malungkot kong sabi.
"Tatawagin mo ako ang ta-----"
"Karylle!!" pinutol ko ang sasabihin ni Vhong at napasigaw sa pangalan niya.
Tumingin siya sa direksyon namin ni Vhong. Bigla akong nakaramdam ng kaba at pagkahiya.
Nakita ko o naming kumunot ang noo niya. At ang ikinalungkot ko sa lahat ay yung mga sinabi niya.
"Who You?"
"Who You?"
"Who You?"
"'Who You?' ka ngayon, Brad!" rinig kong bulong ni Vhong sabay tapik sa balikat ko. Parang akong natuod sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko matapos kong marinig mula sa kanya yun.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Waaaaaaaaaaaahhh. Whooooo youuuu ka ngayon Viceral!!!! HAHAHAHAHAHA XD gebye. Sorrna)