GENERAL POV
KINABUKASAN...
"Ma'am K, tara na po." aya ni Billy kay Karylle na inaayos pa ang sarili.
"Sige, susunod na 'ko." nakangiting sagot ni Karylle.
Pagkalabas ni Billy ay pumasok naman si Vice na parang todos lo santos na agad namang napansin ni Karylle.
"Oh Bee, bakit parang pang-November ang aura mo ngayon." nakangiting sabi ni Karylle.
"Wala. Tara na." walang emosyon at malamyang sabi ni Vice at tinulungan si Karylle na buhatin ang mga gamit. Sinawalang bahala nalang muna ni Karylle ang nangyayari kay Vice baka kasi lalo lang itong maBadtrip.
-----------
Sa lugar kung saan gaganapin ang photoshoot. Nag-aayos ang lahat sa set. Ang theme ng photoshoot ngayon ay "Gay inlove with a Girl" .
Hanggang sa loob ng pagshooshootingan ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Vice.
"Psst, Billy.. Inasar mo nanaman ba si Vice?" nakakunot noong tanong ni Karylle.
"Hindi ah." pagtatanggol namang sagot ni Billy sa kanyang sarili.
"Eh bakit ganyan? Kanina pa ko hindi pinapansin eh." sabi ni Karylle habang nakacross arms.
"Hindi mo talaga alam?" natatawa nang tanong ni Billy.
"Alam ko kaya ako nagtatanong sayo." pambabara ni Karylle kay Billy sabay irap.
"Kasi nga Ma'am K, ang theme ng photoshoot ngayon ay 'Gay inlove with a Girl'. Kaya ayan si Viceral.. Syempre diba, kailangan medyo romantic. Wala pa nga, nagseselos na." natatawang isplika ni Billy.
"Bakit naman siya magseselos?" nagtataka paring tanong ni Karylle.
"Una sa lahat Ma'am, boypren mo bakla. At pangalawa, sabi niya kanina samin mas pogi daw yung baklang makakapartner mo kesa sa kanya. Baka daw mainlove ka daw." natatawa paring paliwanag ni Billy. "Ayun makakapartner mo oh." sabag turo sa isang matangkad at meztisong lalaki (?) Agad namang tumingin si Karylle sa tinuro ni Billy.
"Pogi pero mas pogi parin naman si Vice." pabulong na sabi ni Karylle.
"Doon muna ko Ma'am, aayusin na muna namin yung set." paalam ni Billy, tumango naman si Karylle.
Maya maya, lumapit sa kanya yung lalaki (?) na makakapartner niya.
"Hiii teh!" bati nung meztisong lalaki.
"Hello." magiliw na pagbati pabalik ni Karylle.
"Sabi nila, ikaw daw ang merlat na makakapartner ketch!" magiliw na balita nung lalaki(?)
"Ahh oo nga daw." nakangiti namang sabi ni Karylle.
"Ayy By the way Teh... Paolo nga pala... Paolo Kho." magiliw na pagpapakilala ni Paolo at naglahad ng kamay.
"Uhm, Karylle.. Karylle Tatlonghari." pagpapakilala naman ni Karylle sabay abot ng kamay ni Paolo at nakipagShake Hands.
Sa kabilang banda..
"Kainis, bakit hindi nalang ako? Bakiy hindi nalang ako ang partner ni Karylle. Ano bayan. Kaya ko naman yun eh. Tsk! Kainis!" pabulong na sabi ni Vice sa sarili na halos magdabog na sa ginagawa niya, hindi naman nakaligtas iyon sa pandinig ni Anne.
"Huy Gurl, nababaliw ka na ba? Kinakausap mo nanaman sarili mo. Yung plastic bottle, yuping yupi na." natatawang pagpuna ni Anne.
"Naiinis lang ako. Kainis!" halatanh inis na sabi ni Vice sabay bato ng plastic bottle na hawak niya. Umupo naman sa tabi niya si Anne at tumingin sa tinitignan ni Vice kanina pa. Nagsisimula na ang photoshoot.
"Gurl, wag ka na magselos. Wala lang yan." pagpapahinahon ni Anne sa kaibigan.
"Wala? Tingnan mo nga makatitig yang baklang yan sa jowa ko!" naiinis na sabi ni Vice.
"GOOD! NGAYON, EYE TO EYE CONTACT TAPOS MAGKAKALAPIT ANG MGA MUKHA NIYO... GAME!" sigaw ni Billy na halatang pinaparinig talaga niya kay Vice.
Agad namang sinunod nila Karylle at Paolo ang instruction ni Billy. Naglapit ang mga mukha nila at nag eye to eye contact.
"NICE ONE! 1......2.....3..." sabat click ng camera. "NGAYON, MAGKIKISS KAYO. lips to lips!"
Akmang tatayo na si Vice pero hinawakan siya sa braso ni Anne.
"JOKE LANG SYEMPRE. HAHAHA. AYOS NA YUN. PERFECT!" natatawang bawi ni Billy.
"Tingnan mo tong Billy na toh! Nakoo!" naiinis na sabi ni Vice habang si Anne ay pinipigilang matawa dahil sa inaasta ng kaibigan.
----------
"Kung ako sayo kausapin mo na yung jowa mong bakla." pabulong na sabi ni Anne kay Karylle na nag-aayos pa ng gamit. Napatingin naman si Karylle kay Anne. Tumingin si Anne sa direksyon ni Vice na parang nanggagalaiti sa inis.
"Dali na, baka mamaya sugurin na niyan si Paolo eh. Ako nang bahala diyan."
"Sige. Thanks." nakangiting sabi ni Karylle dahil sa kapaguran.
Tumungo si Karylle kung nasaan si Vice.
"Bee." nakangiting pagtawag ni Karylle sa nobyo niya.
"K, bitiwan mo ko. Sabi nang bitawan mo ko K. Eh. Bitiwan mo ko." sabi ni Vice na umiilag ilag kahit hindi naman siya hinahawakan ni Karylle.
"Hindi kita hinahawakan." natatawang sabi ni Karylle.
"Wag mo king tatawanan Karylle. Naiinis ako." sabi ni Vice.
"Bakit ba naiinis ang Bee ko?!" malambing na tanong ni Karylle.
Tinignan naman siya ni Vice.
"Ehhh kaseeee ehhh." pabaklang pag-iinarte ni Vice.
"Ang arte ng jowa ko ohh. Bakit ba Bee?" malambing paring sabi ni Karylle.
"Yung Paolo na yuuuun ehh. Kung makahawak at makadikit sayo.. Akala mo inaangkin ka na!" pasukong sabi ni Vice.
"Ohh, what about him? His a Gay, Bee." natatawang sabi ni Karylle.
"Wag ka kasing tumawa. Naiinis nga ko.. Converter ka kasi.. Baka mamaya pati siya maconvert mo tapos... Tapos mainlove siya sayo tapos mainlove karin sa kanya, agawin ka niya sakin. Ayokong mangyari yun." tuloy tuloy na sabi ni Vice.
"Bee, hindi mangyayari yun noh. Ikaw lang ang una at huling lalaki... I mean baklang mamahalin ko." malambing na sabi ni Karylle at lumapit kay Vice sabay hawak sa batok gamit ang dalawa niyang kamay.
"Hindi kasi mala------------"
Hindi natuloy ang pagsasalita ni Vice nang bigla siyang halikan ni Karylle.
*click*
Napakalas si Vice sa halik ni Karylle nang biglang may magflash na camera.
"BILLY!!!!!!!!" pasigaw na tawag niya kay Billy. Agad namang tumakbo si Billy habang tawang tawa. Nagtatawanan lang din naman ang mga taong nasa paligid nila.
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX
(A/N: Sana nagustuhan niyo. Hehe. Babush. December 22,2015.)
